CHAPTER 13: SUICIDE PARTNER "Bianca, is this true?" "I don't care. Think whatever you want," sagot ko kay Louise. Binigyan ko siya ng nakakalokong ngisi bago kumain. Napatango siya, "You're not denying it. So it's true," habol pa niya. "Ano ba! Nandito lang ako sa harapan niyo. Ba't di nyo ko kinakausap?!" Padabog na sabi ng lalaki kanina. Nandito pa pala siya? Hindi ko namalayan. "Maraming Bianca dito, brad. Baka iba yang inaakusahan mong kumuha sa pera mo," walang pake kong sabi sa kanya. Nagulantang ang lalaki at mukhang nakumbinsi sa sinabi ko. Lumunok siya at ginala ang paningin sa paligid, bago ibinalik ang tingin sa'kin. Huh. Mapapahiya talaga tong gunggong na'to pag hindi ako ang tinutukoy niya. "Ikaw ba s-si Bianca Montesclaros na tinutukoy ni Ulric?" tanong niya.

