Dance Contest

1002 Words
Naanyayahan si Andrea at Jenneth na maging Judge sa Dubai. Isa itong patimpalak para sa mga magagaling na mananayaw sa buong mundo. Habang pumipili ng damit na susuotin si Andrea, kausap nya ang kanyang best friend na kasalukuyang ngbabakasyon din sa Dubai. [Andrea] Bez, anung oras ka makakarating sa contest? [Grace] Hindi ko pa alam Bez. Nandito pa ako sa Abu Dhabi. [Andrea] OMG! Kulang kulang dalawang oras ding byahe yan! [Grace] Wag kang mag-alala. Sagot ko na ang hapunan natin. [Andra] Baliw! May pagkaen naman sila para sa mga Judges. [Grace] Yan na nga ang inaalala ko. Panigurado hindi mo na naman kakainin yun dahil sa amoy at lasa. [Andrea] Ang OA mo Bez! Sige na, magbibihis na ako. [Grace] Okay, kita tayo mamaya! [Andrea's mind] Ito talagang bestfriend ko, mapa-Pinas or ibang bansa palaging late. Anu kayang susuotin ko? [Andrea] Miss, itong white na lang ang susuotin ko. Paki-tago mo na yung iba. [Assistant] Sige po Ms.Andrea. Bagay na bagay po sa inyo ang napili nyo. [Andrea] Maraming salamat! Bagay na bagay sa hubog ng katawan ni Andrea ang kanyang napiling haltered white cocktail dress. Kumikinang ang disenyo nitong sequence beads sa bahagi ng bewang na animoy belt na humahapit sa maliit nyang bewang. Kitang kita din ang magandang hubog ng kanyang balakang na tama lamang sa sukat ng kanyang dibdib. Madalas syang sinasabihan na hugis Coca-Cola. Nude make up lang ang kanyang ginamit na sya mismo ang nag make up. Ang kanya namang buhok ay pinusod pataas ngunit may maliliit na bahagi nito ang lumalaylay na sya namang bumagay sa suot niyang damit. [Jenneth] Perfect 10! Ang ganda mo bakla! [Andrea] Bolera kang bakla ka! Eh mas maganda ka pa nga sakin. [Jenneth] Ikaw ang bolera! Tara na nga! Nandyan na daw ang service. [Andrea] Okay, tara! Kitang kita ang ganda ng Dubai kahit gabi na. Ang ngtataasan nitong mga building, maging ang mga kahanga hanga nitong disenyo ay talaga namang kumikinang sa taglay nitong ganda. Napapalibutan ng magagandang ilaw ang mga ito. Habang papalapit ang limousine na sinasakyan nila Andrea at Jenneth sa Jumeirah Beach Hotel ay tanaw na tanaw nila ang ganda ng isa sa kilalang building sa Dubai, ang Burj Al Arab. Pag bukas nang pinto, bumungad agad sa kanila ang mga flash ng media na ngpapaligsahan sa pagkuha ng kanilang litrato. Abot tenga ang ngiti ni Jenneth sa mga press habang si Andrea naman ay simpleng ngiti lamang ang binigay sa mga ito. Patuloy silang naglakad sa red carpet papasok ng Hotel. [Jenneth] Bakla, ang sungit mo! [Andrea] Porket tipid ang ngiti masungit na? [Jenneth] I-share mo naman sa universe ang mga ipin mo. [Andrea] Bakla ka talaga! Habang sa backstage naman ay busy ang ibat ibang dance troupe na representative mula sa kani-knilang bansa. [Dance Instructor 1] 5, 6, 7, 8... [Dance Instructor 2] One and two, three and four... Kanya kanyang praktis ang bawat grupo, iba iba din ang kanilang paraan ng pag bilang. [Robin] Eugene, okay na tayo! Hintayin na lamang natin ang ating oras. [Eugene] Yan ang gusto ko sayo Robin! Over confidence! [Robin] Sira ka talaga! Ayaw ko lang mapagod ang buong grupo tapos sa main performance pa sila magkakalat. [Eugene] Sabagay hindi naman tayo makakarating dito kung hindi tayo magaling. [Robin] Tiwala lang Brad! [Eugene] Narinig ko may dalawang Pilipinong Judge, pero Folk Dancing ang genre nila. [Robin] Kahit sino pa sila Brad, malaki ang tiwala ko sa The Scapegoats. [Coordinator] All dancers please be ready; we will start the program in 5 minutes. [Robin] Okay mga brad pray muna tayo! [Eugene] Panginoon, patnubayan nyo po kame. Dumating na po kame sa puntong ito at dahil yun sa pagpapala nyo. Bigyan nyo po ng kalakasan ang aming mga kamay at paa upang magawa namin nang maayos ang aming mga stunts. Pakiusap samahan nyo po kame at sana walang masaktan sa aming lahat. In Jesus we pray, Amen. [The Scapegoats] Amen! Lumabas ang host sa entablado at pagkatapos ay isa isang pinakilala ang mga Judges mula sa ibat ibang panig ng mundo. [Host 1] Please welcome our honorable Judges from all over the world. They are dancers who have their own unique styles of dancing in their chosen genre. Tonight, it is our privilege to introduce all of them to you... Ms. Yokito Tahoma from Japan Mr. Jimmy Buckner from Germany Ms. Natalie Sue from the United States Ms. Andrea Toledo from the Philippines Ms. Jenneth Perez from the Philippines Mr. Mike Volter from the United States. Mr. Peter Howard from Paris Ms. Julia Wilson from Thailand Mr. Frederick Alano from Paris Mr. Franco Yushiro from Japan Bawat babangitin ang pangalan ng mga Judges at kung saang bansa sila nagmula ay patuloy ang masigabong palakpakan ng mga audience. Nagsimula na ang pagpapakitang gilas ng mga kalahok. Mula sa 20 ay magiging 5 na lamang ang papasok sa 2nd round at duon pipili ng tatlong maglalaban laban para sa final round. [Host 2] Please welcome our 12th contestant from the Philippines, The Scapegoats. Matapos tawagin ang pangalan ng grupo nila Robin ay isa isa na silang lumabas sa stage. Pumwesto na sila at nagsimula ng tumugtog ang kanilang musika. Habang sumasayaw ang The Scapegoats ay kinabig ni Jenneth ang kanyang katabi. [Jenneth] Bakla! Hindi ba si Robin yan? Yung crush mo nung high school. [Andrea] Sino? [Jenneth] Si Harry Potter! Ayun oh! Yung pinaka gwapo sa gitna. [Andrea] Gwapo? Wala naman akong makita. [Jenneth] Uy! Kunwari pa syang hindi nagagwapuhan eh crush mo yun hindi ba? [Andrea] Tumigil ka nga dyan bakla ka! [Jenneth] Sabe mo eh! Ang tagal na panahon na rin bakla. Tadhana na ba ang gumagawa ng paraan para magkalapit kayong dalawa? [Andrea] Kung hindi ka titigil dyan, kukurutin ko singit mo! [Jenneth] Kinikilig ako bakla! Mukang magkaka love life ka na! [Andrea] Anu bang mga sinasabe mo dyan? Mag-focus ka nga! Laking gulat ni Andrea ng mamukaan ang pangalang nabangit. Hindi nya inaasahan na muli nyang magkikita si Robin. Unti-unti ay bumalik sa kanyang ala-ala ang nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD