[Andrea's mind] Ito ang unang araw ng pasukan. Sobrang excited na akong makita ang mga magiging classmates ko. Sana nandun sila Sandra, Brylyn at Mariz.
[Guard] Oh pakisuot na lang ang ID nyo bago kayo pumasok.
Mayroong estudyanteng masunurin na pag pasok palang ay suot na nila ang kanilang ID. Mayroon namang nagdadrama na naiwan nila ito. Mayroon ding pagka lampas ng gate ay hinuhubad agad ang ID nila at sabay pasok sa bulsa.
[Andrea's mind] Ganito ba talaga kalaya ang mga estudyante sa highschool? Simpleng patakaran, hindi masunod. Hay ang bagal ng mga ito. Mala-late na kame sa flag ceremony.
Nagsimula ng tumugtog ang pambansang awit ng Pilipinas, sinundan ito ng Panatang Makabayan. Matapos ay nagsalita na ang isa sa mga teacher upang i-welcome lahat ng 1st year sa taong ito. Nagsalita din ang Principal at ipina-abot ang kanyang maligayang pagbati para unang araw ng pasukan. Matapos ang flag ceremony ay nagtungo na ang mga estudyante sa kani-kanilang silid aralan. Si Andrea ay kabilang sa section Benevolence, pangatlo sa bilang ng mga matataas ang IQ.
[Andrea's mind] Wala sila Brylyn at Mariz anung section kaya sila? Ayun may kakilala na agad ako.
[Andrea] Sandra!
[Sandra] Oy Andrea!
[Andrea] Pwede bang tumabi sayo?
[Sandra] Uhm sige.
[Andrea] Bute na lang magka-klase ulet tayo.
Ngumiti lamang si Sandra at naupo na rin si Andrea sa tabi nito.
[Mrs. Gumabao] Okay class. I'm Mrs. Gumabao, your Adviser sa taong ito. Tumayo ang lahat at pumunta sa gilid. Pag tinawag ko ang inyong pangalan ay sunod sunod kayong uupo. We will arrange your seats alphabetically according to your surname. Acosta, Alamid, Cruz...
Sunod sunod na tinatawag ni Mrs. Gumabao ang mga pangalan ng 35 na estudyante sa loob ng kwartong iyon. Habang nakatayo ay napansin ni Andrea ang isang lalake. Matangkad ito, maputi, tama lamang ang lago ng buhok, matangos ang ilong, mapula ang labi at nangungusap ang mga mata nitong natatakluban ng suot nyang eyeglasses.
[Andrea's mind] Hay ang gwapo! Kamuka nya si Harry Potter. Sana makatabi ko sya.
[Mrs. Gumabao] Perez, Rodriguez, Sison...
[Andrea's mind] Ah Rodriguez pala huh. Naku mukang malapit lang ang magiging upuan ko sa kanya.
[Mrs. Gumabao] Silang, Solidad, Toledo...
Naupo na si Andrea at nasa harapan na row nya naman ang kanyang pinapangarap makatabi na si Rodriguez. Hindi mapigilan ni Andrea kiligin sa tuwing tinitingnan nya ang kanyang kauna-unahang crush sa highschool. Nagpatuloy ang klase nila na sinimulan sa pagpapakilala ng bawa't isa.
Tumunog na ang bell.
[Mrs. Gumabao] Okay class, it's break time. Kumaen muna kayo at wag na wag kayong mala-late sa susunod nyo subject.
[Students] Yes Mam!
[Andrea] Sandra! Sabay na tayong kumaen.
[Sandra] Naku sorry Andrea niyaya kasi nila ako.
Itinuro ni Sandra ang isang grupo ng mga kababaihan.
[Andrea] Sige, okay lang.
[Andrea's mind] Bute pa si Sandra, may mga bagong kaibigan na agad. Asan kaya sila Brylyn at Mariz? Tama! Baka nandun sila sa canteen.
[Jenneth] Toledo?
Napalingon si Andrea ng may tumawag sa kanyang babae habang ngaayos sya ng bag nya.
[Andrea] Hi Andrea na lang ang itawag mo sakin, ikaw si...
[Jenneth] Jenneth, yun na lang din ang itawag mo sakin, kakain ka na ba? Sabay na tayo?
[Andrea] Cge tara na!
Punong puno ang canteen, maraming nakapila sa bilihan ng burger at soft drinks. Palinga-linga si Andrea sa paligid.
[Jenneth] Andrea, anu bibilihin mo?
[Andrea] Kung anung sayo, yun na lang din ang akin.
[Jenneth] Oh sige, dalawa na ang bibilihin ko para hindi ka na pipila, humanap ka na lang ng upuan natin.
[Andrea] Okay.
Nakakita ng bakanteng upuan si Andrea katabi ng mesa nila Sandra. Patuloy pa rin ang paglingon nya sa paligid hinahanap kasi nya sila Brylyn at Mariz.
[Jenneth] Hoy! Mababali na leeg mo. Anu ba hinahanap mo?
[Andrea] Ginulat mo naman ako Jenneth. Salamat sa pagbili ng food.
[Jenneth] Tara na kumaen. Saan ka ng elementary?
[Andrea] Sa SAES ako, eh ikaw?
[Jenneth] Sa probinsya ako galing, kakalipat lang ng family ko dito sa Maynila.
[Andrea] Ah ako din, grade 5 ako ngtransfer dito sa Maynila. Galing din akong probinsya.
[Andrea's mind] OMG! Papalapit sya! Teka ang lakas ng t***k ng dibdib ko. Crush ko nga ba to tao na'to? Para syang si Harry Potter na lumabas sa TV para puntahan ako.
[Andrea] Hi Rodriguez! Dito ka na umupo.
Hindi sya pinansin ni Robin at nagpatuloy ito sa paglalakad na parang walang narinig. Nagtawanan naman ang grupo nila Sandra sa nangyari.
[Jenneth] Hayaan mo na sila bakla, kumaen ka na lang.
[Andrea] Bakla?
[Jenneth] Oo yan na ang tawagan natin mula ngayon.
[Andrea] Okay bakla, ang weird.
Nagtawanan ang dalawa.
Back to reality.
[Jenneth] Bakla!
[Andrea] Ay bakla! Anu ka ba Jenneth, mag focus ka nga sabe eh!
[Jenneth] Ikaw kaya ang mag focus, kanina ka pang nakatulala matatapos ng sumayaw ang grupo nila Harry Potter.
[Andrea] Nanunuod ako bakla, mamaya mo na nga ako daldalin.
[Jenneth] Okay sabe mo eh!
Kinurot ni Jenneth ang tagiliran ni Andrea.
[Andrea] Tumigil ka na Jenneth nakakahiya sa ibang Judges oh.
[Jenneth] Okay po Lola Andrea.
Inirapan lamang ni Andrea si Jenneth at nagpatuloy sila sa panunuod.
[Host 1] We're done with all the participants, and I should say that they are all amazing!
[Host 2] I agree with you partner; I think it will be hard for our Judges to choose our top 5.
[Host 1] Alright! While everyone is waiting for the result, we will have an international singer from the Philippines. Please give a round of applause to Ms. Sarah Geronimo.
Nagpalakpakan ang mga audience at nagsimula ng kumanta si Sarah Geronimo ng On the wings of love. Matapos ang tatlong kanta ay nagpaalam na si Sarah sa audience.
[Host 1] That was an amazing performance!
[Host 2] Yes partner, I feel the love is in the air.
[Host 1] Thank you very much once again Ms. Sarah Geronimo from the Philippines.
[Host 2] Now we will announce our top 5.
Congratulations Thunders from Paris, please step forward.
Congratulations The irresistible from the United States, please step forward.
Congratulations Resurrection from Japan, please step forward.
Congratulations Mama's Boys from Thailand, please step forward.
And last but not least, congratulations to...