Naith's POV
Panandalian akong naupo sa isang sulok kung saan mayroong mahabang silya upang sa gayon ay mapawi panandalian ang pagod na aking nararamdaman. I cannot clearly see the view dahil sa gabi na rin. Sa sobrang chika namin kanina nila Kickie ay ngiti lamang ang aking naging pagbati sa mga trabahador dito ni Lola.
Ang laki ng bahay ni Lola impernes kahit gabi na eh, nakikita ko pa rin ang sukat nito. Mas lumaki pa siya ngayon kumpara noong huling balik namin dito.
I believe God has great purpose why I am here now. For now on, I just want to focus my whole attention to my Family and Friends. I can say that it's a tiring day, so many ganaps happened. However, the happiness this day brings is bigger than the pagod that I am feeling right now. People here are so kalog. They have a large stock amount of humor inside their minds. Sana, lahat sila ganon.
Btw, si mama yung anak ni Grady, only child din siya katulad ko. Kaya siya lang naman ang magmamana ng lahat ng 'to. Kaya kung workers sila ni Lola. Definitely, workers din namin sila. Ganon! Ganda ko no? HAHAHA!
Grady just also inherited this kayaman sa mga unanang tao sa kanya dito, mga ancestors nya. May kayamanan kasi silang taglay noon pa lamang. My late grand grand father had been a congressman of this district. Her mother naman is a Neurologist. Yung asawa nga pala nya is, Business Man, half Pinoy and half British. Tapos siya mismo ay may PhD degree in Public Administration. Kaya, super bongga nila.
Siguro ay nasa lahi na namin ang pagiging only child dahil si Grady mismo ay nag-iisang anak lang din. Kaya siya lang ang nagmana ng lahat ng pinaghirapan ng mga magulang nya. At, so the history will be repeated itself. Baka ako na ang next na Heredera. HAHAHA! CHARET!
Wala na kong masyadong makitang tao sa gilid gilid dahil siguro it's nine pm na nga rin. Dahil dyan I decided nang pumasok sa loob ng Palasyo ni Grady na magiging akin din in the future. Just wait kayoo dyannn! HAHAHA!
When I get inside the House, sumalubong kaagad sa akin ang mga antique na gamit ni Grady. Talagang namang super alaga ni Lola sa mga gamit nya. Ayon ay Mama, siya pa daw mismo ang naglilinis ng mga ito kahit na may mga katulong siya dito sa bahay. Para na nya itong mga anak kung ituring. HAHAHA! She really conserves these antiques.
Mariin kong kinilatis ang bawat isa na akala mo ba ay isang Blogger na gagawa ng isang Blog patungkol sa mga Antigong Bagay. GANON! HAHAHAH!
Pinagmamasdan ko lamang ang mga ito hanggang sa may umepal na mukhang kuto.
"Sir, Naith? Tara na daw po sa kusina nang makapaghapunan na utos ng inyong Mommy kanina." Mahinhin at super galang na sabi ni Ateng sa akin.
Who is she? A Goblin? Or a louse? I am really beg a pardon guys! Tao pala siya. Charetttt! Pero mukhang talaga siyang kuto. Eme!
"Who are you? Anong ginagawa mo dito sa bahay ng lola ko? Are you a robber!? May Gana ka pang gamitin ang Mama ko! Walang hiya ka! Hipokrito! Doon palang sa pagkakasabi mo nung Mommy nahuli ko na naisa kang kawatan! Kaya kung ayaw mong matikman ang galit ng isang Reyna! Lumayas ka na! Rawrr!!" Kuda ko nang bonggang bongga sa kanya.
"Hala! Kasambahay po ako ng Lola nyo dito, hindi nyo na po ba ako natatandaan?" Sobrang nalokang chika nito sa akin.
Ay bakit kailangan kitang tandaan!? Lalaking guwapo ka gurl?
"Keme ko lang naman yung kanina! At syaka huwag mo na po akong pino'po. One more thing don't call me sir. Just Naith. Okay?"
"Ay hahaha grabe ka! Na'shokot akis ng very very light! Okay! Copy lahat 'yan." Sagot nito sa akin.
"Ako ang mas may karapatang ma-shokot sayo no! Imberna 'to. Hampasin kaya kita dyan ng mga antik ni Grady? Bet mo? HAHAH! Charet! By the way, it's good that you know how to speak Gay Lingo."
"Ay trueeeeeelalo!" Happy nyang tugon. "Oh siya, gora na tayo sa kusina para makakain ka na. Feel kong nagugutom ka na ng super!" Dagdag pa nito.
"Wait, nasaan sila Mama?" Tanong ko.
Hindi ko na kasi sila nakita since nung dumating kami dito. Nagkaroon na sila ng sarili nilang mga buhay. Oh kaya baka naman nagkempy sila ng todo todo? Ahahahah Kaloka!
"Maaga na silang na tulog, maaga daw kasi silang aalis bukas. Ang lola mo naman nag Beauty Rest na! Ganon!" Pagpapaliwanag nito.
"Ay ganern? Okay. Gora na tayissss goo!!!!"
Pumunta na nga kami sa kusina to eat. I am so nagugutom na rin kasi. Mabilis din naman kaming natapos kumain. Impernes ang sasarap ng mga Pagkain. Pinaghandaan talaga ni Lola ang araw na ito. O baka normal lang talaga na masasarap ang mga pagkain dito araw araw? Hmm...
Matapos nyan ay itinuro ni Gurlalut sa akin ang magiging kuwarto ko. At ito din ay matatagpuan sa itaas ng Mansyon.
"Thank you, Bakulaw!" Pagpapasalamat ko sa kanya dahil sa oras na nilaan nya sa akin. Nandito na kami ngayon sa Pintuan ng room ko.
Matanda lang pala sa akin ng dalawang taon ang Bakulaw. 19 na siya. Mukha lang talagang mashonda. HAHAH! Hindi ang totoo nyan maganda talaga 'tong si Bakulaw. Mukhang dalagang Pilipina, yeah. I consider her as perfect example of a modern Pilipina.
"Sure. Sige bukas nalang. Good nighties!" Pagpapaalam nya sa akin.
"Okay. Good night rin. Bangungutin ka sana HAHAH!" Biro ko.
"Ayyyyyyy!" Sagot nito na parang asong ulol sabay alis na. Kairita. Charr!
Pumasok ako sa kuwarto ko upang tignan kung ano ang itsura nito. At, wow ha! Ang ganda nyaaaaaa! Yieee superr elegante! Beri clean!!! Ang luwang not like sa kuwarto ko in the city hindi masyadong bongga. Pero etooooo wowww! As in, kabog!
At wait, maypa'terrace pa si Mayora sa itaas. Tignan ko nga. Lumabas ako upang masilayan iyon. Pagkalabas ko ay bahagya akong nagulat dahil sa magandang tanawin na binibigay ng lugar na ito. Dahil na rin sa kinalalagyan ko ngayon ay mas maganda ang naging dating nito sa akin.
Ngunit sandali akong tumigil sa paglinga dahil parang may nakatitig sa akin. Alam nyo yung feeling na parang may nakatitig sa inyo. Nagulat ako in the first place, but since I'm the queen. Hindi magpapatalo ang lola nyo. Kaya nilingon ko ulit ang buong paligid upang hanapin ang taong iyon. Nang matagpuan ko ito ay, nakita kong titig na titig nga ito sa akin. Sino siya? Feeling ko ang pogi nya kahit natatakpan ng kaunting dilim ang kanyang buong wangis. Feeling ko talaga mga beks ay guwapo siya. At wait there's more! Nakahubad pa ito. Ngunit para itong tanga dahil nakipagtitigan pa talaga sa akin knowing na hindi nya naman ako kakilala. Medyo kaloka gurl.
Sa ilang segundong pagtititigan namin ay biglang pumasok sa isip ko yung imahe ng lalaking napaginipan ko noon. Parang kawangis nya ito. Tinitigan ko pa siya super todo upang sa gayon ay matiyak kung siya nga ba talaga iyon ngunit may biglang umepal na babae at tinawag siya. Dahilan upang maudlot ang pagkilatis ko sa itsura nya. At umalis tuloy siya. Naku!!! Sino yung babaitang 'yon? Masasakal ko talaga siya! Panira ng moment. Humanda siya sa akin bukas. Tumatag siya. Charet!
Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa hindi ko na sila matanaw pa.
Mga Bakulaw parang siya talaga iyon. My goshhhh! Nawa ay makita ko pa siya bukas. Ngunit bakit tila gusto nya din ako kasi titig na titig din siya sa beauty ko? O baka naman kinikilala nya lang ako dahil siguro ay bago lang ako sa paningin nya at nagtataka kung bakit ako naririto sa itaas.
Naku, bastaaaaa! Feeling ko bet nya ako.