"Ms. Kat, anong gusto mong kainin? Mamili ka na lang sa aming tatlo ni Kai at Theo," tanong sa akin ni Omari na ikinagulat ko. "Hoy Omari! Tigilan mo ang panglalandi kay Kat. Yari ka kay Max kapag dumating na dito yun," suway sa kaniya ni Kai. "Hay ewan ko sa inyo, kung hindi niyo naman sasabihin walang mangyayaring masama sa akin. Alam ko naman na mahal na mahal niyo ako at hindi niyo ako kayang isuplong kay Max," natatawang tugon ni Omari. "Loko, anong sinasabi mo? Gusto mo bang tawagan ko ngayon mismo si Max at isumbong kita?" Banta ni Theo. "Kahit tawagan mo iyon hindi sasagot iyon. Alam mo naman kung gaano kabusy yung tao. Ikaw kaya magpatakbo sa malaking kumpanya!" Anas ni Kai. "Nung isang araw nga eh tinawagan ko siya, yung sekretarya niya lang ang sumagot." "Bakit ko naman ita

