Natameme ako sa sinabi niya. Natakot ako bigla na baka totohanin niya ang banta niya sa akin. Mahirap na noh. Kung kani kaninong laway na ang natikman niya ayaw kong pati laway ko matikman niya. "Sabi ko nga stop na. Sige na magbenta ka lang diyan!" Nag-iwas ako ng tingin at naupo na lang sa tabi para panoorin siya. Humaba na ang pila ng bumibili sa amin at kaunti na lang ay mauubos na niya ang cupcakes na niluto ko. Dapat pala ay siya na lang ang pagtindahin ko araw-araw para malakas ang benta ko. Kita ko na pawis na pawis na siya at basa na rin ang polo niya. Mataas na rin kasi ang sinag ng araw kaya naman mainit na sa aming puwesto. Kinuha ko ang bimpo sa akin at ipinunas ko sa kaniya. Baka sisihin pa niya ako kapag nagkasakit siya bigla. Mabuti na itong nag-iingat. Wala naman malis

