Episode 6

1381 Words
"I'm here to tell you that... Payag na akong maging girlfriend kita." Siya pala ang baliw sa aming dalawa eh. Ano na naman kaya ang nakain nito at ang aga mag joke? Lokohin na niya iba huwag lang ako. "Pft! Nagpapatawa ka ba?" "You know what? Dapat nagpapasalamat ka dahil payag na akong maging girlfriend mo," aniya. "Wow! Ang kapal naman ng mukha mo. For your information! Expired na ang inaalok ko sa iyo!" Matapos niya akong pahiyain kahapon, sasabihin niya na gusto na niya ako ngayon. Sinong gago ang gagawa noon. Siyempre walang iba kung hindi ang dakilang jerk na si Maximiliam Zepanta. "Pinapangako ko na hindi ako aatras sa plano namin na pabagsakin si Maximiliam Zepanta sa loob ng isang buwan. I will do my best to make him fall in love with me. At kung mahal na niya ako ay iiwan ko siya at sasabihing hindi ko siya mahal." Bigla kong naalala ang mga litanya na ipinangako ko kay Clare kahapon. Mukhang mapapadali pa pala ang gagawin namin dahil siya na mismo ang lumapit sa akin. "I don't care. I want you to be mine. Ikaw na rin naman ang may sabi na gusto mo ako. So bakit hindi natin subukan?" Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Coming from him huh. Parang hindi ako makapaniwala na ganun ganun na lang kabilis magbago ang isip niya. "Seyoso ka?" "Mukha bang nagbibiro ang isang katulad ko?" Tanong niya. "Gusto mo sagutin ko iyang tanong mo?" Mataray kong tugon. "Never mind. Ano ba ang gusto mong gawin ko? Susundin ko lahat ng sasabihin mo." Isang magandang ideya ang pumasok sa aking isipan. Simula na para pahirapan ka pero siyempre sa easy level muna tayo. "Gusto ko talaga akong maging girlfriend?" Paninigurado ko sa kaniya. "Bingi ka ba? Sinabing oo!" Ay attitude ang daddy niyo! Siya na nga lang ang nang-aalok siya pa nagagalit. "Sige sumunod ka sa akin may ipapagawa ako sa iyo." Naglakad na ako para pumara ng trike na sasakyan namin. Pero hindi siya sumunod sa akin at nanatiling nakatayo sa tapat ng aking bahay. "Halika na! Ano pa ang tinatayo mo diyan!?" Sigaw ko sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko. "Nandito ang kotse ko!" Sigaw niya pabalik. "Oo nga nakikita ko! Hindi ako bulag!" "Bakit ka diyan naglakad! Eh nandito nga ang kotse ko!" Ano siya sinusuwerte? Dapat hindi niya gamitin ang kotse niya kung seryoso talaga siya. Gusto ko maranasan ng bilyonaryo na ito na sumakay sa trike. "Pake ko! Hindi tayo diyan sasakay!" "What!?" "Ayaw mo? Eh di hindi rin ako papayag na maging girlfriend mo!" Banta ko sa kaniya. Natawa ako ng makita kong napasabunot siya sa kaniyang buhok. Kawawang Maximiliam. Buti nga sa kaniya. Mukhang masaya rin naman pala itong ginagawa ko. "Ano na? Iiwan na kita kung ayaw mo!" "Okay fine! Susunod na," pagsuko niya at kagat niya ang kaniyang labi habang naglalakad palapit sa akin. Knowing him, nagpipigil na siya ng inis niya. Bugnutin pa naman siya. Madali lang pala paikutin ang isang ito. Hindi na ako mahihirapan. Nang makahanap na ako ng trike ay pinasakay ko na siya. "Pasok na," utos ko sa kaniya. "Here?" Turo niya sa trike. "Ang sikip dito hindi tayo kasya. Bakit kasi hindi na lang iyong kotse ang ginamit natin," pagrereklamo niya. Ang arte naman ng isang ito. "Madali naman ako kausap," sabi ko at akmang papasok na ako sa trike pero pinigilan niya ako. "Ito na papasok na!" Sigaw niya sa akin. "Sinisigawan mo ako?" "Hindi na po," mahinahon niyang sabi. "Good boy. Oh ito, hawakan mo." Binigay ko sa kaniya ang mga cupcakes na dala ko. "Saan ka sasakay?" Tanong niya. "Sasabit na lang ako. Alangan naman na magsiksikan tayong dalawa riyan sa loob baka itulak mo pa ako," sagot ko at umangkas na. "Tara na manong sa palengke!" Utos ko at pinaandar na niya ang trike. Nakita ko na naiinitan na si Maximiliam sa loob. Natawa naman ako ng mahina. Anak mayaman kasi kaya hindi sanay. Buti nga sa kaniya. Nang makarating na kami doon ay kinuha ko sa kaniya ang mga cupcakes na pinahawak ko sa kaniya. Paypay naman siya ng paypay ng makalaya na siya sa loob ng trike. Naliligo na siya ng sarili niyang pawis. Kawawang Zepanta. "Uhm. Miss bayad niyo po," ani noong driver ng trike. "Bayad daw Max!" "What? Wala akong cash. Tumatanggap po ba kayo ng atm card?" Tanong niya. Napailing na lang ako dahil wala man lang siyang kaalam-alam. "Naku sir ano po iyong atm?" Tanong ni manong sa kaniya. "Are you dumb? Atm lang hindi mo pa alam." Napasinghap ako sa sinabi ni Max. Pati pala sa iba ay mabaho rin ang ugali niya. Wala man lang patawad. "S-sorry po sir," nakayukong sabi ni manong. "Say sorry to him," I commanded. "Why do I need to say sorry? Wala akong ginagawang masama. I'm just asking a simple question," he angrily replied. "I said say sorry to him!" I shouted. "Okay fine! Don't shout! Ang sakit sa tainga." "I'm sorry. Kung may nasabi man akong masama, pasensiya na po. Hindi lang talaga ako marunong mag commute," he said. "Ayos lang po. Humihingi lang naman ako ng bayad ninyo kung ano-ano pa ang sinasabi niyo po." "Happy?" Baling sa akin ni Max. Hindi ko na siya pinansin. Kumuha ako ng barya sa aking bulsa at ako na lang ang nagbayad. Ipinabitbit ko ulit sa kaniya ang mga cupcakes ko. At hinila ko na siya sa puwesto ko. Siya ang pagtitindahin ko ngayon. Guwapo siya at malakas makahatak ng customer. "Bakit ka ba nagalit sa akin kanina? Tinanong ko lang naman kung tumatanggap siya ng atm card," tanong niya sa akin. "Hindi sila tumatanggap ng ganoon. Saan ka nakakita na nagbayad ng atm card sa isang trike? Sinabihan mo pa ng bobo yung tao. Sa susunod pipiliin mo ang mga salita na ibabato mo," bilin ko sa kaniya. "Hindi ko rin naman kasi alam na ganoon," nakanguso niyang tugon. "Ngayon tao ka na. Alam mo na," sarkastiko kong sabi. "Ilapag mo na iyan dito," utos ko sa kaniya. Inayos na namin ang aming paninda sana naman ay marami kami maibenta ngayon. "This is your work aside sa pag-assist kay Clare?" Tanong niya. "Yes. This is my business. And for today ikaw ang magiging tindero ko," nakangiti kong balita sa kaniya. "Ako? Hindi ako marunong niyan." "Kaya mo iyan. Simple lang ang gagawin mo. Gamitin mo ang mukha mo para makahatak ng customer. At siyempre kailangan mo ng mahabang pasensiya para sa makukulit na customer para makarami ka ng benta." Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata at kita ko na hindi siya sang-ayon sa sinabi ko. Saan ka ba naman nakakita ng naka polo shirt at naka pants na nagbebenta sa palengke? Naka shades pa. Siya na ang mayaman na tindero. "Okay fine. I'm doing this for you. Anong sasabihin ko para bumili sila?" "Just say the words 'lapit mga suki! Bili na kayo ng cupcakes! Tama lang ang tamis at kasing sarap na nasa inyong harapan!" Natatawa kong sabi. "Are you f*****g serious? Ang bakla naman niyan." "Am I'm f*****g clown? Nagtatanong ka tapos magrereklamo ka!" Singhal ko sa kaniya. "Tss." "Go na! Hindi tayo makakabenta kung hindi ka kikilos diyan!" "L-lapit mga suki! Bili na kayo ng cupcakes! Tama lang ang tamis at kasing sarap na nasa inyong harapan!" Panggagaya niya sa akin. May lumapit agad na bibili sa amin. At parami ito ng parami. Karamihan ay babae at bakla. Ang lakas talaga manghatak oh. Perfect! "Kuya paisa! I mean isa po niyang binebenta niyo," malanding sabi noong babae na bumibili. Nakita ko naman na ngumiwi siya sa sinabi nito. Pinipigilan ko ang tumawa dito sa kaniyang gilid. Baka sumama pa ang timpla niya at iwan ako dito. "Ako rin kuya pabili! Ikaw rin ba puwede?" Tanong noong isang bakla. "Disgusting." Dinig kong bulong niya. Hindi ko na mapigilan ang tawa ko at napahalakhak na ng malakas. Napatingin naman siya sa akin at binigyan niya ako ng nakamamatay na tingin. "Nang-iinis ka ba?" "Hindi ahh. Masama na ba ang tumawa?" Pag mamaang-maangan ko. "Kung hindi ka pa titigil sa pagtawa mo hahalikan kita sa harap ng maraming tao! You'll shut up or I will kiss you to close that noisy mouth?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD