Chapter Nine

2145 Words
She look in her full length mirror again at napangisi siya sa sariling repleksyon. She move sideward and look at her back. A proud smile crept in her lips as she continue to survey her body. Sa salamin, kitang-kita niya ang malasutlang kutis ng kanyang likod. Ang kutis na kinaiinggitan ng kapwa niyang mga babae at katawan na pinapantasyahan ng mga lalaki. Hindi sa pagmamayabang, pero sa edad niyang disi-otso, dalagang-dalaga na ang kurba ng kanyang katawan. The combination of her height and the sexiness of her body make her look more seductively gorgeous na lalong lumitaw sa kanyang suot na skintone t-back bikini ngayon. Sinadya niyang iyon ang isuot. Her ultimate goal is to pissed Simon kung magkakaroon ito ng pagkakataong makita siya mamaya at sisiguraduhin niya makikita siya nito! Alam niya kung gaano ito ka disgustado sa mga babaeng nagsusuot ng mga ganoon na halos ilabas na ang buong kaluluwa. Kung tutuusin wala namang masama sa suot niya. They are not in the eighteenth century where Maria Clara was born. Nasa twentieth century na sila, so wearing that kind of swimsuit is not a big issue now a days. Pero iba si Simon. Naalala niya kung paano naningkit ang mga mata nito noong una siya nitong nakitang naliligo sa pool na ganoon din ang suot. She was alone then. Nasa kalagitnaan ng gabi ng makaramdam siya ng alinsangan kaya naisipan niyang mag swimming. She was ready to dive again when she saw him coming. May kausap ito sa phone ng sandaling iyon kaya hindi siya nito napansin. She was already crushing him that time kaya inihanda niya ang pinakamatamis niyang ngiti na igagawad dito. Nang matapos ito sa pag-uusap at i-angat ang tingin ay agad siyang kumaway rito. She gave him her sweetest smile. Pero tiningnan lang siya nito mula ulo hanggang paa. Nakita niyang umiling-iling ito saka nagtiimbagang. The disgust in his face was so obvious as he surveyed her body. Tila isa siyang nakakadiring specimen sa paraan ng pagtitig nito. All her life she never felt embarrassed or awkward of her body. She can proudly walk with that attire in any resort or pool. But not until that time. Simon disgusted eyes instantly make her uncomfortable. Halos talunin niya ang pool para lamang maitago rito ang kanyang katawan. But before she could do that he already turn his back and walk away. Simula noon naging maingat na siya sa pagpili ng bikining isusuot, lalo na kung doon siya maliligo sa kanilang swimming pool. But not this time, she will gonna pissed Simon tonight to her hearts content. "Ella!" kaway sa kanya ni Maggie ng makita siyang papalabas sa side door. Gumanti siya ng kaway at ngumiti. She walk gracefully towards them like a model on some Victoria's secret famous brand collection. Hinayaan niyang liparin ng pang-gabing hangin ang bathrobe na suot na hindi na niya inabalang talian ang sash. "I thought we're gonna wait for you till dawn." Kutya ni Joselle. They were already at the side of the pool. Nakaupo, at nasa tubig ang mga paa. Her friends and of course their boyfriends, mga kilala niya rin. "Hi Ella." Si Luke na nag-angat ng tingin sa kanya. Ang latest boyfriend ni Joselle, schoolmate nila at nasa second year college. "Hello Luke, its been a while, how's Tagaytay?" "Tagaytay pa rin." Natatawa nitong Sabi. Si Jessa naman. Still going strong sa boyfriend nitong si Troy na masaya ng naghaharutan sa may pool. "Nasaan si Maggie?" Tanong niya ng mapansing wala doon ang kaibigan. "Ah.. Sinundo yata sa gate si Aries." Si Joselle. Sa kanilang apat, si Maggie ngayon ang loveless. Nag lie-low muna ito sa pakikipag-boyfriend matapos nitong mahuling tinu-twotime ito ng ex nito. Until this recently napansin nila ang pagiging malapit nito at ni Aries, A smart yet nerd guy na madalas na tampulan ng tukso sa kanilang campus. "Ma'am, may tawag po kayo sa telephone." "Sino daw?" kunot noo niyang tanong sabay abot sa wireless na telepono na ini-aabot ng bago.. yata nilang katulong? "Randall daw po ma'am." Tumango siya saka bahagyang lumayo doon para makausap si Randall. "Where are you Rand?" Agad niyang bungad. "They are all here, ikaw nalang ang wala." "I'm sorry babe.. but I think I can't make it tonight." He said apologetically. "I was on my way to go there when my father called. Nagpapasundo sa airport. Sila ni mom. Nasa bakasyon kasi yung driver namin kaya napilitan akon--" "Its okey Rand. Naiintindihan ko kaya hindi mo na kailangan mag explain." "I'm really sorry babe. I called you through your phone, pero hindi mo sinasagot kaya sa landline ninyo nalang ako tumawag." "Iniwan ko sa kwarto ang cellphone ko, I'm here at the pool." "Oh.. nariyan na sila Maggie?" "Yes.." "Who else?" "Si Joselle and jessa and their boyfriends." "I..I.. mean sila lang?" Napataas ang kilay niya sa tanong nito. She don't like the sound of malice in his voice. At lalong hindi niya gusto ang kinukwestyon siya nito ng ganoon as if she is doing something inapropriate. "Iniisip mo bang may ibang lalake pa kaming kasama rito?" inis niyang tanong. "Hey.. hindi iyon ang-- "Stop it Rand. You know that I really hate a possessive and jealous boyfriend! And beside why would I invite other guy here when I know that you're coming?" "Babe, I didn't think of it that way okey? So please, don't take it seriously, nagtanong lang ako." "Then next time, save that stupid question to yourself! Ayoko ng hindi ako pinagkakatiwalaan!" "I trust you Ella and.." he paused. "I love you. Alam mo iyan." She sigh. "I need to go Rand, they are waiting for me. Magkita nalang tayo sa school on Monday." Iyon lang at agad niyang ini off ang telepono. She didn't even bother to wait for his reply. Nang mag-angat siya ng tingin, nakita niyang papalapit sina Maggie at Aries sa kinaroroonan nina Joselle, but she furrow her brows as she saw another guy behind them. What on earth is Bench doing here? Oo nga pala, she forget, pinsan nga pala ito ni Aries, at kung bakit at sino ang nag imbita sa lalake.. Hindi niya alam. Agad itong kumaway sa kanya ng magsalubong ang kanilang mga mata. She just nodded and slowly walk towards them. And then she halted suddenly as she remember Randall.. She will be in big trouble if he found out that Bench is with them tonight, sinabi pa naman niyang wala na silang ibang kasama. Pero maya-maya, siya rin ang nagtanggal ng alalahanin na iyon sa isip. She doesn't know Bench was coming and she did not even invite him to come here either, kaya bakit siya mag-aalala? Wala naman siyang ginagawang masama. Alangan namang ipagpatubayan niya ito. So she choose to enjoy the night, kaya buong ngiting nagpatuloy siya sa paglalakad at lumapit sa mga ito. The boys are busy greeting each other. "Hi Ella.." Nangingiming bati ni Aries ng maramdaman ang paglapit niya. Nakita niya rin ang pagbaling ni Bench sa direksyon niya. "Hello Aries.. hi Bench." "Hi.." He smile back. She saw him closing the distance between them. "W..Wala pa ba si Randall?" Umilap ang mga mata nito at nagkunwaring tumingin sa gilid at likod niya. Hindi lingid sa kaalaman niya na may gusto ito sa kanya. Kalat iyon sa buong campus. Everyone knows that bench is crushing her, hindi nga lang ito nagkakaroon ng lakas ng loob na sabihin sa kanya lalo na at hindi naman siya nawawalan ng boyfriend this past years. Umiling siya. "He can't make it tonight. Susunduin daw niya ang parents niya sa airport." Hindi niya alam kung imahinasyon niya lang iyon, pero parang nakita niyang kumislap ang mga mata nito. "Nakipagbalikan ka pala sa kanya." Its not a question, it's more on confirmation. Nagkibit siya ng balikat. "Let's not talk about me and Randall Bench, its out of the topic for tonight." "I'm sorry.. Naisip ko lang kasi baka magalit si Randall, everyone knows that I---" he awkwardly cut his own words saka siya tinitigan. "Hindi ko kasi matanggihan si Aries ng yayain niya ako kanina, you know.. his hitting on Maggie real hard." "Its okey bench. It's not that you're planning to do something to me. Wala naman di ba?. Hindi mo naman balak na halikan ako ngayong gabi di ba?" Ngumisi siya sa biglang pamumula nito. "Come on Bench, you're too stiff. Let's go swim." Natatawa niyang sabi saka nagpatiuna ng maglakad papunta sa pool. She take off her robe. Dinig na dinig niya ang pagsinghap nito mula sa kanyang likod. She dive directly into the pool at ilang beses na nagpabalik-balik hanggang sa mapagod at nagpahinga muna siya sa gilid. "Wala pa ba si Rand?" Kunot-noong tanong ni Maggie. "He just called, hindi daw siya makakapunta, susunduin daw niya ang parents niya." "Ow.." Makahulugang sagot ni Maggie. "What a coincidence? Wala si Rand, At nandito si Bench." Ngising dugtong nito na inginuso pa si Bench ma noo'y kausap na nina Aries at Luke sa may lamesa. "Ikaw ba ang nag imbita sa kanya?" "No, I didn't!" Agad nitong depensa. "Si Aries lang ang inimbita ko, malay ko bang sasama si Bench." Umiling-iling siya. "But its a blessing in disguise though," ngisi nito. "Wala si Rand kaya pwede na si Bench!" "Baliw! At Anong tingin mo sa akin.. Two timer?" "Scotch or whisky?" Maya-maya'y lumapit si Jessa sa kanila, may dalang dalawang kopita. And in the way she walk, she knew that she's already tipsy. Kinuha niya ang Scotch. "I preferred this." Sabi niya saka kinuha ang kopita mula rito. Straight niyang ininom ang laman niyon. Maya-maya lang ang isang shot naging dalawa..tatlo.. And even more. "Whewww!" Sigaw niya sabay taas ng kanyang kopita. She was wet all over dahil sa kaaahon niya lang mula sa pool. Muli siyang inabutan ni Maggie ng alak. Akmang kukunin niya yon ng may pumasok sa kanyang isip na ipinagtaka ng kaibigan. "Ayoko na nito! Mas gusto ko ng beer ngayon!" Groggy niyang sabi. "Beer?" Maggie crease her brows. She nodded. "Nakalimutan mo na bang walang beer sa wine bar ninyo mahal na señorita?" Ngumisi siya. "I can always asked someone to buy one for me Mag.." "But Troy and Luke are already drunk. Si Bench na--" "Sinong nagsabi sayong sila ang uutusan ko, I have so many house helpers here." Sabi niya saka sunod-sunod na pinindot ang isang wireless phone na naroroon. Ilang sandali pa isang hangos na katulong ang dumating. Ito rin yung kanina na bago yatang katulong nila na tantiya niya hindi nalalayo ang edad sa kanya. "Call Clark.. Sabihin mo may ipag-uutos ako." "Clark po?" Kunot noong tanong nito. Hindi pa yata kilala si Simon. "Bago ka rito?" "D..Dalawang linggo pa lamang po. Kamag anak po ako ni manang Soledad, ako po si Gemma señorita." Ang tinutukoy nito ay ang kanilang mayordoma. "W..what's your name again?" "Gemma po.." "Okey Gemma, tawagan mo si Clar-- I mean si Simon, s..sabihin mo may ipag-uutos ako." "S..sige po señorita." Nangingiming sabi nito at ilang sandali lang ay wala na ito sa kanyang paningin. "Baka tulog na yung driver mo mahal na señorita." Hagikhik ni Maggie. Tumaas ang kanyang kilay. "So? I don't care!" Inis niyang sabi. "Eh sa may ipag uutos ako!" Tumawa ito saka umiling-iling. "Really?" Makahulugang ngisi nito. "You're still into him huh?" Dugtong pa nito at agad siyang tinalikuran. Hindi na niya pinansin ang sinabi nito. She walk groggily at nang makadinig ng musika ay maharot siyang umindak-indak habang naglalakad papunta sa kanilang mesa. Sinalubong siya ni Bench. Nag iisa nalang ito doon sa upuan. Wala na si Joselle at Luke. Ngumisi siya. They maybe somewhere necking and petting. "Are you okey?" She smile at him in her drunken eyes. "Hmm.. I..I'm fine Bench.." Nahihilong tiningnan niya ang kanyang wristwatch. Past ten na ng gabi at nakakaramdam na rin siya ng lamig. She tried to reach her robe pero dahil sa hindi na siya makatayo ng diretso ay na out balance siya. On reflexes Bench instantly caught her waist. But the impact was too strong that they both fell on the ground. Nasa itaas siya ng katawan ni Bench. "Ella.." He huskily whisper. Nagtangka siyang bumangon. But he hold her firm. "I still didn't answer you when you asked me if I have an intention to kissed you Ella.." Namumungay ang matang sabi nito. "Truth is, I really have.. I want to kissed you badly. Matagal na." sabi nito saka walang babalang tinawid ang pagitan ng kanilang mga labi. For a while, she remain still, nagulat sa ginawa nito, but when she finally come into her senses, she put her hands in between them. But before she could push him. Isang tikhim ang narinig niya sa bandang gilid niya. Her eyes darted into their side. Simon is standing there. Tiim ang mga bagang at nagbabaga ang mga mata sa..... Galit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD