She groggily sat in the sun lounger and stared at the pool. Kani-kanina lang ay puno iyon ng mga ingay at tawanan. Mga mahaharot na tawanan ng kanyang mga kaibigan kasama ang kani-kanilang boyfriend. Pero ngayon para siyang nasa isang isolated na lugar kung saan masyadong tahimik ang paligid. She can't even hear the sound of those cricket in their nearest garden. O masyado lang siyang lasing kaya hindi na niya mabigyan ng pansin ang kaunting ingay na mayroon doon.
Both Maggie and Jessa are soundly sleeping in the guestroom. Si Joselle naman ay inihatid na nina Aries at Bench since daanan naman ang subdivision ng bahay ng mga ito. While Luke and Troy bid their farewell too or mas tamang sabihin na pinauwi niya rin ng magpaalam na sina Bench.
They never insisted to stay. Alam niyang alam ng mga ito na hindi niya gustong may natutulog na lalake doon sa kanila. Kaibigan niya man o boyfriend or her friends boyfriends, kahit gaano pa iyon ka lasing. She want to keep that part morally clean.
Mostly sa mga get away nila. Umaabot ng hanggang madaling araw ang kanilang night out pero sa pagkakataong iyon ay hindi sila umabot kahit man lang hating gabi. Hindi lang iyon dahil mukhang uulan. It was more because she got pissed of what Bench did. Humingi naman ito ng tawad sa ginawa, but her mood was already ruined kaya walang nagawa ang mga ito ng pauwiin niya.
Humiga siya. Sa langit naman ngayon ang kanyang tingin. It was all dark. Wala siyang maaninag kahit na isang bituin. Everything in the sky was an endless darkness. Bahagya pa siyang nagulat ng biglang kumidlat at kasabay niyon ay isang mahabang dagundong ng kulog. Tila nagbabadya na ang pag-buhos ng ulan.
The night breeze was cold and yet she stay there in her still two piece. Dumako ang kanyang tingin sa katawan. She planned to pissed Simon and she saw his burning rage. Nakita niya kung paano umapoy ang galit sa mga mata nito sa akalang naghahalikan sila ni Bench.
Mula ng makilala niya ito, iyon lang ang tanging reaksyon na nakita niya rito. Galit. And she used to that side of him. So she stand proudly, sinalubong ang mga mata nito na parang walang nangyari.
"I want you to get me some beer!" Utos niya.
He just darkly gazed at her. A flickering of mock registered in his face as he survey her body. Pagkatapos, walang babala siya nitong tinalikuran. She gritted her teeth hardly. From rage and back to his normal expression. Ganoon ito palagi!
At isa na namang pambabalewala!
And its always pissed her to her bone. Mas gugustuhin pa yata niyang pagalitan siya nito o sigawan kaysa ang makita ang ekspresyon nitong ganoon sa kanya. Cold as ice.
After that, she weakly sit on the chair. Ang lahat ng inis at frustrations na nararamdaman niya ay ibinuhos niya kay Bench at sa ginawa nito.
Mula sa sun lounger ay bumangon siya. Nahihilong tinungo ang mesa kung saan naroroon ang bote ng whisky. She pour some in the glass at agad na ini-angat papunta sa kanyang mga labi. Pero bago pa man nasayad ng dila niya ang laman niyon ay may matigas ng kamay ang pumigil sa palapulsuhan niya.
Mabuway siyang napa-angat ng tingin, at sa mabibigat na talukap ng mata ay inaninag ang bulto ng lalakeng nasa harapan niya.
"C..Clark?"
He is in his usual dark gazed. Kinuha nito ang baso sa kamay niya at marahas na ipinatong sa mesa. Sinundan niya iyon ng tingin para muli lamang umangat sa mukha nito ng makitang may nakapatong doon na isang plastic bag na may lamang canned beer.
Umangat ang gilid ng labi niya. Sinunod pala nito ang inutos niya.
"You did buy me a beer.." Ngiti niya.
Kahit lasing siya ramdam pa rin niya ang eratikong t***k ng kanyang puso. And damn her heart for that! nagagawa pang tumibok ng ganoon sa kabila ng ipinapakita at ipinararamdam nito sa kanya!
He remained silent. Kahit kailan talaga napaka-suplado nito!
Ipinagkibit niya lang iyon ng balikat. Bumaling ang tingin niya sa beer sa mesa. Kumuha ng dalawa at iniabot rito ang isa. A smile crept in her lips when he accept her offer. Pero nadismaya rin ng ibaba nito iyon sa mesa.
She ignore it again kahit na gustong-gusto na niyang isumbat iyon dito. Itinuon niya nalang ang tingin sa hawak at akmang bubuksan iyon ng pigilan siya nitong muli.
"Lasing ka na kaya pumasok ka na sa loob."
"I'm not yet sleepy.."
"Nasaan na ang mga kaibigan mo?"
"Pinauwi ko na." Maikli niyang sabi. Hindi na rin naman ito nag usisa kung bakit.
Bumuntong hininga ito. "Its already late."
"I still want my beer." Muli niyang inabot ang lata ng beer, binuksan at agad dinala sa bibig.
"Then wear your bathrobe at least."
Hinablot nito ang bathrobe na nakasabit sa may sandalan ng upuan at iniabot sa kanya. Pagkunwa'y tiim itong tumingin sa katawan niya "Aren't you cold?"
Ngumisi siya. "Why Clark? Are you not comfortable seeing me in this?" She raised her both hands on her side para ipakita pa lalo rito ang katawan niya.
"Tsk..tsk..tsk.." Umiling-iling ito. "You really are something Arabella. I pity your boyfriend, he wasn't aware that his girlfriend is two timing him."
"Hindi ko iyon ginagawa!"
"Really?" He said mockingly. "Ano pala ang tawag mo sa ginawa mong pakikipaghalikan kanina sa ibang lalake?" he asked darkly.
"I am not kissing Bench. It was an accident." paliwanag niya. "I fall out of balance kaya sinalo niya ako. The next thing I knew, I was already on top of him. And without a warning he kissed me."
Hell Arabella! Bakit kailangan mong magpaliwanag pa? Its not that he will believe you? He always thought the worst of you.. You fool!'
"Its okey señorita." Nang-uuyam pa rin nitong sabi. "You don't have to explain it to me. Wala naman akong pakialam sa mga escapades mo. It's just my stupid remarks." Muli nitong sinuri ang katawan niya. And the way he stare at her. Alam niya, apektado rin ito sa nakikita. Hindi iilang beses niya itong nakitang lihim na lumunok.
She cross the little space between them. Nakita niya ang bahagyang gulat na rumehistro sa mukha nito ng makalapit siya.
"Just tell me if you want to kiss me Clark." She whisper.
Umilap ang mga mata nito at agad na lumayo sa kanya.
"You have a boyfriend and yet you kissed another man. And now here you are.. seducing me. Sa tingin mo papatulan kita?"
Another blow. Pero sa dami ng nainom niya hindi na niya maramdaman ang hapdi.
"Wanna try me Clark?" Hamon niya. Lumapit siya muli dito. Malapit na malapit! So closed that she could already touch his lips in one inch. Hindi ito natinag. Para itong itinulos sa kinatatayuan. He is swallowing hard. He is breathing deep, and he is sweating bullets.
Napangisi siya. Wala rin pala itong pagkakaiba sa ibang lalake. "I am Arabella Santana.." She lifted her hand and landed her finger on his lips. Pinadaan sa gitna ng dib-dib nito na bakat sa suot nitong puting T-shirt at tumigil sa bandang puso.
"I can easily melt a stone cold heart." She said huskily. "Mapa-ikaw man o ibang lalake."
Her words seems a trigger to him. Para itong nagising sa isang gayuma. Bigla nitong hinawakan ang palapulsuhan niya at tiim ang mga bagang siyang tinitigan.
"One more move, and I swear you'll gonna regret touching me!" Babala nito saka tila napapaso siyang binitiwan. Tumalikod ito at naglakad palayo sa kanya.
"I like you Clark!" Desperada niyang sigaw.
Nakita niya ang pagtigil nito kaya nagpatuloy siya.
"I have liked you since the first time I saw you!"
Bumuntong hininga ito. "Save that words to your boyfriend señorita." Matigas nitong sabi. Nanatiling nakatalikod. "You said that you're not two timing him, pero heto ka at nagtatapat ng pagkakagusto sa iba. Ganyan ka na ba ka walang pakialam sa damdamin ng boyfriend mo? Are you really that heartless?" Bumaling ito sa kanya.
"I will broke up with Randall tomorrow." She walk groggily towards him.
"You're impossible!"
"And so are you!"
Kumunot ang noo nito.
"Stop pretending Clark. I know you desire me, probably like me too. Nakikita ko iyon ngayon sayo." Walang ligoy-ligoy na sabi niya.
Nagpapasalamat siyang nakainom siya dahil nagkaroon siya ng lakas ng loob. She was always vocal with her feelings, pero kay Simon, sa tuwina'y nagkakaroon siya ng insecurities.
Naningkit ang mga mata nito. Alam niyang gahibla nalang ang pagtitimpi nito. Nang uuyam siya nitong minasdan.
"Okey, maybe you're right. I desire you. You can't blame me, look at yourself. Hindi ako santo para hindi makaramdam ng pagnanasa. But the thing you said about me liking you." Umiling ito. "I'm sorry señorita, in that part you are wrong. Wala akong gusto sayo. I will never like someone as spoiled as you." Iyon lang at muli itong tumalikod.
She halted her step. Hindi niya alam kung dahil ba sa lasing siya kaya nanlalabo ang kanyang paningin o dahil iyon sa luha na nagsimulang mamuo sa kanyang mga mata.
Akala niya kanina namanhid na ang kanyang pakiramdam. Mali pala siya. Dahil ramdam niya na tila pinipiga ang puso niya sa sakit.
It was again.. A very painful rejection!
Kailan pa siya madadala?
She closed her eyes and smile bitterly. Sa nanginginig na mga tuhod ay napa-atras siya. It was late to realized that behind her back is the swimming pool. The deepest part.
Marunong siyang lumangoy, katunayan isa siyang expert swimmer. Pero ng mga sandaling iyon ay hindi niya maigalaw ang kanyang katawan. She tried to move her arms pero parang napakabigat rin pati ng kanyang mga braso. She keep on going down into the deep cold water as if someone is pulling her. Nakainom na rin siya ng tubig. She tried to scream help. But the word only got stuck in her throat.
'Is this really the end for her?'
She closed her eyes as darkness starting to consume her.
Pero bago siya tuluyang mahulog sa kadiliman, naramdaman niyang may bumagsak sa tubig at hinila siya paitaas.
IN the darkness, she tried so hard to open her eyes in a hope to see even a little bit of light. Pero hindi niya maibukas ang kanyang mga mata. She tried to move, but her body was numb.
'Is she death?' Malinaw sa kanyang isipan ang pagkakahulog niya sa pool.
'Nalunod ba siya?'
Iyon ang pumasok sa kanyang isipan. She tried to move again and yet she still can't. In her blurry senses she cried. She don't want to die just yet.
Pero kahit anong subok niya na abutin ang liwanag ay hindi niya magawa. Darkness was pulling her down. Again and again.
Maybe its really the end for her.
She tried to open her eyes one last time, pero hindi niya talaga magawa. It was really the end of her.
And when she finally lose all her hope for living. She heard a voice.
"Oh God.. please.. please.. Open your eyes sweetheart!" A tremble voice sinc in her mind. And then she felt a hand on her chest. Pumping her hard.
"Wake up Arabella!" He scream in his most panic voice, dahilan para unti-unting sumilay ang konting liwanag.
She felt another pump. After a while she felt someone lips on her. Blowing some air, paulit-ulit din nito iyon ginawa.
"Please Ella!" Another pleaded words.
Ang kaninang kaunting liwanag na nakikita niya ay unti-unting lumalaki. Unti-unti niya rin naigagalaw ang kanyang mga daliri.
Kasabay ng pagdilat ng kanyang mga mata ay ang sunod-sunod niyang pag ubo.
"Oh God..."
Mukha ni Simon ang una niyang nasilayan. Nanghihina itong napaupo sa kanyang tabi saka mariin na napapikit. She cried hard as realization drown into her.
She's alive! Oh God.. She's alive!
Humagulgol siya. Tears freely run down her cheeks as she roam her eyes around her. Huminto iyon kay Simon na noo'y nakapikit pa rin.
Tama ba yung narinig niya habang nag aagaw buhay siya kanina?
He pleaded. He panicked. He was so worried.
And he called her sweetheart!
'Is that some kind of hallucinations?
Ang inaakala niyang Simon na walang pakiramdam at malamig pa sa yelo ay halos umiyak kanina habang nakikiusap na gumising na siya.
Nakita niyang nagmulat ito ng mga mata. Huminto sa luhaan niyang mukha, and seconds later she found herself in Simon arms. He locked her there tightly, until all her trembles fade away.