Masaya ako dahil mabait ang mga tauhan ni daddy.
Kaya hindi ako nagdalawang isip na tulungan sila.
Ngunit habang nasa daan ako may batang tumawid sa kalsada.
Habang ang Ina nito sumisigaw.Tumingin ako sa unahan ko may sasakyan paparating.
Kaya mabilis kong pinatakbo ang motor ko.
At hinila ang batang babae patungo sa kandungan ko.
Binigay ko ang batang sa ina nito at lumapit sa sasakyan.
"Hoy! Lumabas ka dyan.
Sabay hampas ko sa sasakyan nito.
"Labas ano ba?" wika ko dito.
"Ayaw mo ha?" muling sabi ko.
Kumuha ako ng bato akmang hampasin ko ito lumabas naman ang lalaki.
"Hoy! Kumag hindi mo ba alam na muntik kana nakabangga ha!" galit na sabi ko.
Bakit hindi ka tumingin sa dinadaanan mo?"
"Para sabihin ko sa 'yo,hindi ko kasalanan yun.
Ano,daw.
"Hoy pagong anong hindi ha! Bulag ka ba?!" wika ko dito.
"What ulitin mo ang sinasabi mo!" sagot nito.
"Pagong ka na nga bingi ka pa!"
Nakita ko dumilim ang mukha nito nakatingin sa akin wala akong pakialam kung galit ito sa akin.
"Magkano gusto mo, para tumahimik na ang bibig mo?"
Kumuha ito ng pera sabay lagay sa kamay ko.
"Yan, sapat na siguro para tumahimik ka!"
Tatalikod na sana ito pero muli ako'ng nagsalita.
"Hoy,kabayo! tinapon ko sa mukha nito ang perang ibingay nito sa akin sabay sampal sa mukha nito.
"Yan,dapat sa taong mayabang,kaniin mo ang pera mo!"
Sabay sakay ng motor ko.
Bulsit na lalaking yun.
Nakarating ako sa mansion agad naman ako. Pinag buksan ng gate.
"Oh,anak bakit ganyan ang mukha mo?"
Parang may kaaway ka!.
"Wala mom,may nakasalubong lang ako sa daan.
"Anak! Kung ganyan ka, maraming natatakot sa' yo!.
"Mom? Hayaan nyo, na." Gusto nyo bang mamasyal samahan kita.
"Sige,anak."
"Saglit lang ma." Kukinin ko lang ang bag ko.
Ngunit habang nasa loob ako may narinig akong putuk ng baril kaya kinuha ko ang baril ko nakatago sa drower.
Mabilis ako bumaba.
"Dad,dito lang kayo!".
Hindi ako dumaan sa harap sa kusina ako dumaan.
Dahan-dahan ako humakbang may nakita ako'ng umakyat sa gate.Kaya mabilis kong binunot ang baril ko sabay putok.
"Bang! Bang!
Nahulog ito sa lupa.
May dalawa pa muli ako nagtago sa halaman.
"Bang! Bang!!...
Ang lakas nyong pumunta dito sa bahay namin.
"Kayo! Itatapon nyo ang bangkay.
"Yes boss!" untag nito.
Lumapit ako sa isa tinanggal ko nag maskara nito. Isang matandang lalaki.
"Anak! Huwag muna tayo lalabas ngayon bukas na lang."
"Sige,Ma," magalang na sabi ko.
Alam ko natakot ito sa nakita nito.
"Daddy! Alam mo, ba kung sino ang mga yan.,
"No! Anak?" wika nito.
"Pasok na po tayo daddy," sabi ko.
May mga taong gustong pabagsakin kami alam ko dahil sa yaman at pagiging mafia ko kung bakit sila interesado sa pamilya ko.
Malas lang nila dahil buhay pa ako.Kahit kailan hindi ko ibibigay sa kanila kung ano'ng meron ako magkakamatay muna kami bago p
nila makuha kung anong meron sa akin.
Mula noon tinuruan ako ni daddy kung paano humawak ng baril at kung paano rin lumaban.
Kaya natuto ako kay daddy.
Isang mafia ang aking ama.Hindi basta-basta mafia lang ito dahil sya rin pinuno sa industry.
Nang naisipan nitong huminto ibinigay nito sa akin.Ngunit may isang taong ayaw sa akin yun ay kalaban ng aking ama kaya ginawa nya ang lahat para mapatay ako.
Nang malaman ni daddy ang binabalak ng kalaban binalaan nya ako.Dahil isang tuso daw ito.
Pero hindi naman ako magpapatalo sa kanya.
Ang dapat ko lang protektahan ang aking pamilya alam ko hindi sila titigil.
Balita ko may anak daw ditong lalaki.
Ngunit hindi ako interesado sa anak nito.
Umupo ako sa sofa hawak ko pa rin ang baril na ginamit ko sa mga kalaban. Naisipan mo lumabas muli.
7:00 pm naglibot-libot ako sa mansion.Hindi rin naman ako makatulog.
May mga tauhan rin ako sa mansion sinugurado ko ang kaligtas nh pamilya ko.
"Anak! Hindi ka pa rin ba,inaantok?" tanong nito sa akin.
"Ikaw pala dad," pahayag ko.
Hindi pa naman dad." Ikaw bakit gising ka pa?"
"Katulad mo hindi rin ako,makakatulog.
"Anak! Mag-iingat ka?" Alam ko hindi titigil ang mga kalaban hangga't hindi ka nila ma patay.
Natatakot ako para sa' yo!.
"Dad! Kaya ko,ang sarili ko," protesta ko.
"Oh,sya matulog na tayo!" pahayag nito.
Tumango ako at sumunod kay dad.
Umakyat ako sa taas at humiga sa akin kama. Bukas wala akong gagawin kaya ako na lang hahatid kay mom at dad.
Ngunit papikit na sana ako bigla naman tumunog ang aking cellphone.Walang buhay na sinagot ko ito.
"Hello!" bungad ko.
"Hello boss!" tungon nito.
"Oh,Jam! Napatawag ka ata," tawag ko.
"Boss! May problema po tayo!" wika nito sa kabilang linya.
Napabangon ako."Ano'ng problema!"
"Boss! Pinasok tayo!" muling sabi nito.
"What! Sino ang walang hiyang pumasok sa teretoryo ko!" galit na sabi ko.
"Boss! Tauhan ni Kenny," sabi nito.
"f**k ! Nahuli nyo,ba!" mura ko.
"Yes,boss! Pero maraming nasawi sa ating grupo.
Dahil sa biglaan pagsugod nila hindi kami nakapaghanda.
"Sige ang mga bihag huwag nyong hayaan makatakas!"untag ko.
"Yes boss! copy?" seryosong sabi nito.
"Bukas pupunta ako dyan!" turan ko.
Hindi talaga titigil ang hinayupak na iyon makikita nya kung gaano ako ka lupit.
Kinabukasan maaga ako gumising dahil ako ang maghahatid kay mom at least dad.
Nag-suot ako ng pantalon at t shirt kulay itim ang suot rin ako jacket.
Bumaba ako at agad ako nagtungo sa mesa. Nadatnan ko kumakain ang magulang ko.
""Good morning daddy?" bati ko dito.
"Good morning mom."
"Oh,anak saan ang lakad natin," tungon nito.
"Ihahatid ko kayo dad!" pahayag ko.
"Sige,anak?" tipid na sabi nito.
Hindi nagtagal natapos na rin kami.Agad ako sumakay ng sasakyan ganun rin ang dalawa kong magulang.
Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan hanggang sa nakarating kami sa kumpanya ni dad.
Agad ako nagpaalam sa magulang ko.
At mabilis kong pinaandar ang sasakyan ko patungo sa penthouse ko .
30 minuto nakarating na rin ako sa penthouse.
Wala akong nakitang kalat sa paligid ko.
Hindi lang naman nag-iisa kong penthouse ito marami pa tanging ako at tauhan ko lang makakaalam.
"Boss! Sinalubong agad ako ni Jam.
"Saan ang bihag!" tanong ko.
"Nasa loob boss!" sagot nito.
Kumuha ako ng kadena.
Tatlong lalaki nakatali sa pader.Wala silang suot na damit.
Kumuha kayo ng tubig at lagyan nyo rin ng yelo.
"Masusunod boss!" turan nito.
Hindi nagtagal dala na nila ang tubig unutusan ko buhusan ang mga lalaki.
Nagising naman sila.
"Mabuti naman gising na kayo!" wika ko dito.
Ang sarap ba ng tulog nyo ha!"
Isa-isa ko silang pinalo gamit kadena hawak ko.
Napahiyaw sila sa sakit.
"Sabihin nyo,bakit kayo nandito at anong kailangan nyo!"
Sigaw ko gigil na gigil ako sa mga ito.
"Boss! Tawag," sa akin ng tauhan ko.
"Bakit! Siguraduhin mo lang na maganda ang sasabihin mo sa akin.
Nakita ko namutla ito.
"May tawag po kayo?"saad nito sa akin.
Sabay lahat nito sa akin ang cellphone.
"Hello! My loves!"wika nito sa kabilang linya.
"Sino ka!"
"It's me! Kenny taong matagal na inlove sa' yo!" wika nito.
"Gago! Ano'ng kailangan mo sa akin!" wika ko.
Tumingin ka, sa tv mapapanood mo iyan.
Kaya mabilis ko binuksan ang tv.
Isang kumpanya nilamon ng apoy.
Bigla naman kumabog ang aking dibdib.
"Ano,my loves nakita mo na na?" Baliw na saad nito.
"Hayop ka,! Sabay patay ng tawag.
"Kayo! Patayin nyo yan.
Mabilis ako pumasok sa loob ng sasakyan ko.
30 minutes nakarating ako sa kumpanya ng magulang ko.Laking gulat nag-aapoy ito at maraming pulis at NBI sa loob.
Mabilis ako lumabas at pumasok sa loob.
Agad ko tunungo ang aking magulang sa.
Mabilis ako nakarating sa loob.
Napahinto ako sa paglakad nang natamaan kong dalawang taong walang buhay sa harap ko.
"Daddy Mommy?" tawag ko.
Napahagulgol ako sa iyak.
"Hayop ka!!! Kenny
Hayop ka....
Paulit-ulit na sabi ko dito.
"Ahhhhhhhhh.Papatayin kita demenyo ka?" malakas na sigaw ko.
Walang humpay ang aking pag-iyak.
Hindi ko alam kung sino ang humila sa akin at bigla akong nawalan malay.