Episode 2

614 Words
Ninamnam ko muna ang sandali na pagkakayakap niya sakin dahil alam kong yun na ang huli at hindi ko na mararamdaman muli ang init na mga yakap niya. Matapos ang ilang sandali ng makahuma ako sa mga nangyari ay agad akong umalis mula sa pagkakayakap nito.. Pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ang sarili.. "Pengeng pera..." Bungad ko sakanya sa gitna ng katahimikan.. Sabay lahad ng palad ko sakanya.. At nakatingin lang ako sa palad ko. "Ha?!" Gulat at naguguluhang tanong niya.. Kahit nakatingin lang ako sa palad ko alam kong nakakunot na ang noo nito.. "Pengeng pera pang inom" hihikbi hikbi kong sabi sakanya.. "ikaw na nga nakipaghiwalay sakin gusto mo ako pa gumastos ng panginom ko na ikaw ang dahilan kung bat ako magiinom!? Dapat pag nakipaghiwalay magiwan din ng pera pang inom.." Dagdag kong sabi dito.. Na tila yata nasisiraan na ako ng bait.. Hahahaha "Seryoso ka ba sa sinasabi mo Shine?" Bakas sa muka ang gulat at naguguluhang sabi niya sakin.. "Oo hindi ako nagbibiro kaya akin na yung pera?" Nakalahad pa rin ang palad ko at seryoso kong sabi sakanya. "Look Shine,hindi mo kailangan maginom para makalimot.. Masayahin ka.. Alam kong nasasaktan ka ngayon.. Pero please wag kang magiinom.." mahinahong sabi nito.. At maliit na ngiti mula sa mga labi niya. "Ihahatid na kita sa inyo.." Dagdag pa nito. "No! May dala akong kotse,kaya kong umuwi mag isa. Di ba hiwalay na tayo kaya wala ka nang pake kung gusto ko maginom. Kaya pengeng pera." Seryosong sabi ko. Bahagyang napapangiti si Mawen sa mga pinagsasasabi ko pero agad din naman ito binawi ang mga ngiti at pilit na nagpapakaseryoso. Kinuha niya ang wallet niya at inabot sakin ang ilang libo.. Agad ko namang kinuha ito. kitang kita ko na hinilamos niya ang mukha niya sa sobra yatang inis nito.. Hahahaha.. at akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse niya ng hawakan niya ang kamay ko. "Shine im sorry.. Pero please wag kang magiinom.." Muling pakiusap niya sakin. "Gusto kong maginom! Kailangan kong ilabas lahat ng nararamdaman ko.. Aalis na ko.. Sana pagsisihan mo lahat ng ito.. Ang sama sama mo... I hate you.." At muli napaiyak na naman ako ng malakas habang naglalakad papunta sa kotse ko.. Agad akong sumakay ng kotse ko.. At doon pinagpatuloy ang pag iyak ko.. Bakit bigla ka nalang nakipaghiwalay mawen.. Napakasama mo! Ikaw pa talaga nakipaghiwalay! Humahagulgul na sabi ko sa sarili.. Nang mapagod na ko sa kakaiyak agad kong kinuha ang cellphone ko sa bag. Tinawagan ko ang ilan sa mga kaibigan ko para ayain sila na maginom sa bar.. "Hhello.. Axel.. Tara bar tayo.. Sabihan mo din yung iba.. Dun tayo sa monkey bar! Wag kayong magalala sagot ko.!" "Wow! Talaga sagot mo? Anong meron at magpapainom ka?! Bakit nagpropose na ba si Mawen sau? Hahaha.." Aniya na gulat na gulat pa yata na ililibre ko sila. Hindi ko kasi ugali na manlibre dahil mapepera din naman ang mga kaibigan ko Kaya sa tuwing nagkakaayaan,sila lagi may sagot sa bayarin. "Oo nagpropose na siya! Nagpropose na siyang makipaghiwalay sakin.. Wala na kame! Kaya nga tara na maginom na tayo! Dahil gusto ko ng sumabog sa sobrang galit!" Gigil na sagot ko kay Axel. "OMG! Hindi nga?! Why? May ibang babae ba? I can't imagine na makikipagbreak siya sayo.. Totoo ba to?? Sobrang O.A niya sa pagkaprotective sayo. Kung bakuran ka niya parang asawa lang ang peg!"litanya ni Axel sa kabilang linya. "ikaw naman ang O.A mo magreact! Bilisan mo na at inom na inom na ko..dun ko nalang ikukwento sayo.." Pabalya kong sagot sa kaibigan. "Okay bye sis! I call them na! See yah!!" Maarteng sagot ni Axel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD