Episode 1
"Hello babe! What's up? I miss you! You know what -"
"Let's meet..." Putol niya sa sasabihin ko..
"Sure what time?? Im about dying to see you.. Finally you ask me to go out!"Masayang sabi ko sakanya. kahit na batid ko at ramdam ko ang malungkot na boses niya sa kabilang linya.
"7 pm. A..at the usual resto... Okay bye..-"
"Wait! I love you babe" habol ko bago niya tapusin ang paguusap namin sa cellphone.
"I..i love you.." Dinig ko pa ang lalim ng pagbuntong hininga niya bago i-end ang tawag.
Ramdam ko ang lungkot sa boses niya sa kabilang linya. Hindi ako mapakali,iniisip ko kung ano kaya ang problema ng boyfriend kong si Mawen.
5 pm... Pagkaout na pagkaout sa trabaho dumiretso na kaagad ako sa bahay para magpalit ng damit.. I wear my new tattered jeans and white sleeveless blouse na medyo malalim ang neckline nito at medyo kita na ang cleavage ko.. Pinatungan ko lang ito ng denim jacket. And wearing my red stiletto. Then nagpunta ako sa salon para magpaayos ng buhok at magpamake up. Gusto ko talaga paghandaan ang pagkikita namin ng boyfriend kong si Mawen dahil almost 2 weeks na kame hindi nagkikita. Masyado kasi itong busy sa trabaho.
Excited akong pumasok sa usual resto na pinupuntahan namin.. This is not quite fancy.. Pero masarap talaga ang pagkain dito.. Kaya naging favorite namin to.
Agad kong hinanap si Mawen at madali ko naman siyang nakita. Tingin ko dumiretso na siya dito dahil naka pang office pa rin siya na damit..
"Hi babe..." masayang bati ko sakanya at kinintalan siya ng simpleng halik sa labi..
Tumayo naman ito at pinaghila ako ng upuan.
"Let's order first.. What do you want?" Tanong ni Mawen na tila pilit na ngumingiti.. Hindi alintana sakanyang mga mata ang lungkot na nararamdaman. Pinagsawalang bahala ko lang ang nakikitang lungkot sa kanyang mga mata.
"Ikaw na bahala babe.. Alam mo naman kung ano gusto ko.." habang pilit ko na rin na ngiti sakanya.
Sinerve na ng waiter ang inorder niyang pagkain.. Napakadami niyang inorder na para bang last na naming kain to dito..
"Napakadami naman nito babe.. Parang last meal na natin to bago tayo bitayin. " pabiro kong sabi kay mawen..
Bigla siyang natigilan sa pagkain at nginitian lang ako nito. At bumalik na rin sa pagkain.
"Babe may problema ba tayo?Ang tahimik mo kasi.. Kinakabahan tuloy ako.. Ngayon nga lang ulit tayo nagkita.." tanong ko kay mawen habang pilit na kinukubli ang kaba sa likod ng simpleng ngiti..
Hinawakan ni Mawen ng dalawang kamay niya ang isang kamay ko..
"Ss..Shine.. Im sorry.... " garagal na sabi nito..
"Bakit babe... May nangyare ba?sabihin mo sakin para maintindihan ko.. Ano problema babe..?" Mahinahon kong sabi kay Mawen upang ipaalam sakanya na handa akong makinig sa mga sasabihin niya.
"Babe... Im really sorry... Please.. But we need to end this relationship...i..im sor -"
"What?? Babe ano bang sinasabi mo?? hey.. Di ba okay naman tayo? Ano ba ang problema babe....." Mahinahon ko pa ring sagot sakanya at pilit na pinipigilan ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha..
"Babe im really sorry.. Tapusin na natin to... hindi ko alam.. Pero hindi na tulad ng dati ang nararamdaman ko para sayo.. Parang hindi na ko masaya.. Naguguluhan na ako.. Hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko.. Ayokong patagalin pa lalo to.. Dahil baka lalo ka lang masaktan.. Babe.. Im really sorry..." mahabang paliwanag nito..
Tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha ko.. At hindi ko na napigilang umiyak ng malakas.. Habang pinupunasan ng kamay ko ang mga luha sa mata ko na parang batang paslit na malakas na umiiyak dahil inagawan ng candy.
"Hey babe.. Please dont cry.." Pang aalo nito sakin habang hinahaplos ang likod ko..
"W..what.. do you expect? Magtatatalon ako sa tuwa?? Bakit baaabe?? Bakit dito mo pa nagawang makipaghiwalay sakin.. Sa lugar na madaming tao..? Tapos pinakain mo pa ko ng marami.. Yun pala makikipagbreak ka lang pala sakin.. Sana binitay mo nalang ako.. Ang sama sama mo.. Ang daming tao dito.." Malakas kong iyak na parang batang umaatungal sakanya..
"Hey.. Im sorry.. Stop this shine.. Please.. Hindi ko na naisip yun.. But i need to tell you now what i really feel."
"Alis na tayo dito.. ang daming tao dun nalang tayo sa kotse mo...." Wala pa ring tigil na pag iyak ko sabay tayo mula sa kinauupuan ko at mabilis na nglakad palabas ng resto ng may narinig ako.
"Nakikipagbreak yata yung boyfriend"
" kawawa naman"
Sabi ng ilang customer sa loob ng resto.
"Oo! Nakipaghiwalay na boyfriend ko! Ano masaya na kayo?! Ang sama niyong lahat.." Sagot ko sa mga nagbubulungan na customer ng balingan ko sila.. At padabog na lumabas ng resto..
Agad naman na sumunod sakin si Mawen.. Tahimik lang to na naglalakad habang walang tigil pa rin ang pagpatak ng mga luha ko na tila ba naguunahan pa ang mga ito sa paglandas sa pisngi ko..
Nang makapasok na kame sa loob ng kotse tahimik pa rin si Mawen. Tila nalunok na yata ang dila at di na makapagsalita.
" Bakit Mawen..? Halos 2 weeks na tayong hindi nagkikita tapos..... tapos.. Ngaun... ganito.. makikipaghiwalay ka sakin.. Alam mo ba nagpunta pa ako sa salon para magpaayos dahil ngaun lang ulit tayo magkikita.. Nageffort ako magpaganda Mawen para sa araw na to... sana sinabihan mo kagad ako na wag na magayos magdala na lang ng tissue dahil may ikukwento kang nakakaiyak...... WaaAaah... ! " Habang pinaghahampas ko ang dib dib niya.. At malakas pa rin ang pag iyak..
"Hey babe..."
" May gana ka pang tawagin akong babe.. Prank ba to? Sabihin mo.. May nakilala ka na bang iba? Yung totoo bigyan mo ko ng sapat na dahilan.. Para mas madali para sakin kesa naman yang rason mo na bigla na lang na nawala ang pagmamahal mo para sakin.. " Patuloy sa pagiyak ko habang nakalapat ang muka ko sa matipuno niyang dibdib at hawak niya ang dalawang braso ko...
"Im sorry... Shine sinubukan ko naman.. At pinagisipan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko.. Sana mapatawad mo ko.. Pero walang iba.. Kaya nga mas lalo akong naguguluhan.. Pero yun yung totoo Shine.. Walang iba.. Talagang hindi na tulad ng dati ang nararamdaman ko sau.. Patawarin mo ko Shine.. baka talagang hanggang dito na lang tayo.." Mahabang litanya niya habang yakap yakap ako at hinahaplos ang buhok ko..