Episode 4
Pagdating ko sa bar nandun na sina Axel kasama ang iba pa naming kaibigan. At nagsisimula na tumugtog ang banda doon sa stage.
"Finally your here! Ikaw ang nagyaya pero ikaw itong late! Here drink this! Para makarame ka na! sabi ko sa manager ng bar niyo sayo charge to.." Inis na sagot ni Axel. At inabot ko ang bote ng beer na hawak nito sabay na nilagok.
Yeah pagmamay ari ng pamilya namin ang bar na to. Ang monkey bar.
"So anong meron? Bakit nagyaya kang maginom?" Tanong ni Vince habang binubuksan ang isa pang bote ng beer.
Napabuga ako ng hangin.
"Break na kame ni Mawen. And i dont know the real reason why he breaking up with me. Sabi niya lang nawala na daw ang pagmamahal na meron siya para sakin" sabay inom ng beer.
"Sira ulo pala siya eh! Bat hindi niya hinanap kung naiwala niya pala?! Gusto mo tulungan ko siyang hanapin yun?!" Sabay na nagtawanan ang lahat ng mga sira ulo kong kaibigan sa sagot naman ni Alcris na parang isang bagay lang ang naiwala ni Mawen,at sarkastikong tumawa.
Napaisip ako sa sinabi niya. Oo nga bakit hindi hinanap ni Mawen ang mga dahilan kung bakit niya ako minahal.
"Girl baka hindi ka na talaga niya mahal kaya hindi na niya nagawang balikan yung mga dahilan kung bakit ka niya minahal! ouch di ba?!" singit naman ni Axel sabay subo ng pulutan na nasa mesa namin.
"Oh di kaya,baka natauhan!naumpog kaya nakipaghiwalay. Im sure may kaweirduhan na namang ginawa tong si Shine!" Tumatawang saad ni Vince sabay inom ng alak.
"Shut up Vince! Bakit ganon ba kapanget ang ugali ko?" inis na tanong ko ko kay Vince sa pabiro niyang sagot.
"Ikaw Camela wala ka bang sasabihin kay Shine para gumaan naman ang nararamdaman niya o di kaya para lalong sumama ang loob niya? Hahaha..." Mapang asar na tanong ni Axel.
"Bakit niyo pa sinama itong si Axel puro kaabnomalan lang naman sasabihin niyan! Alam niyong ilang months na akong walang boyfriend, because of that i promote break up! Hahahaha" Nakatawang sagot ni Camela. At sabay na nagtawanan ang lahat. Isa pang abnormal sa aming magkakabarkada!
"Wala talaga kayong mga kwenta! Ano ba gagawin ko?! Parang hindi ko yata kaya na hiwalay na kame ni Mawen! Tang ina!" helpless na tanong ko sa lahat.
"Kaya lang naman kame nandito dahil once in a blue moon ka lang manlilibre! Hahaha.. Baka lalo kang madepress pag uwi mo dahil nanlibre ka ngayon" Pang aasar ni Vince at sabay sabay na kame nagtawanan. Mga sira talaga ang ulo! Pero dahil sakanila nakakalimutan ko pansamantala ang sakit na nararamdaman ko.
"Hindi naman. Kasi galing kay Mawen yung perang ipanglilibre ko sa inyo-"
"Ano?!" Sabay sabay na gulat na tanong nila. At putol sa sasabihin ko pa.
"Wag mong sabihin na nanghingi ka pa ng pera kay Mawen nang magbreak kayo?!" Tanong ni Axel na nanlalaki pa ang mata sa akin.
"Oo! Bakit?! Siya na nga nakipaghiwalay at ako ang nagdudusa ngayon. Gusto niyo ako pa magpoprovide ng panginom ko? siya naman ang dahilan kung bakit ako magiinom!!" pag amin ko sakanila habang nakikipagsabayan sa matalim na titig ni Axel sakin.
Sabay irap naman ni Axel sakin,iiling iling naman si Vince at si Camela tawang tawa sa mga sinabi ko.
"Wala ka na talagang pag asa Shine. Kaya wag ka ng umasa na magbabago pa isip ni Mawen. Kawawa naman si Mawen abnormal yung ex-girlfriend niya." Mailing iling na sagot ni Alcris habang tumatawa.
Inirapan ko nalang si Alcris sa mga sinabi niya at tinungga ang bote ng beer! Nagpatuloy kami sa pagiinom,asaran at kwentuhan sa bar. Hindi kasi kami mahilig makisabay sa pagsasayaw sa karamihan. At kuntento naman kami na magkakasama lang sa isang lugar na habang nagiinom at nagaasaran. Buti nalang sinamahan nila ako ngayong gabi,dahil sakanila pansamantala ko nakalimutan ang paghihiwalay namin ni mawen.
Habang nagaasaran kaming magkakaibigan,tumayo si Axel sa kanyang kinauupuan at lumayo samin,naglakad papunta sa direksiyon na papuntang counter. At muka yatang may bago na naman itong boyfriend dahil may kausap sa cellphone at lumayo pa sa amin.
"Shaaynn! Shaynn! Yu meyk mii Shayn like a stars in heaven..." Pasigaw na kanta nito habang naglalakad pabalik sa lamesa na pinagiinuman namin.
"Lasshing ka na! Umupo ka ditoo sa tabi ko,tigilan mo din yang pagkanta mo kasshi i can't make him shine like a stars in heaven!" Emote na emote na pagkakasabi ko kay Axel habang tinatapik ko ang dibdib ko!
"Sige na.. Maglassing pa tayo,lalo ka na dapat lassssssinggg..... na lassssiinngg ka, para magulat ang ex mo at lalong maturn off sayo! Hahaha" Sagot ni Axel
"As if naman na pupuntahan siya dito ni Mawen,eh natauhan na nga yung tao" Sabat ni Alcris.
"Nauntog! nabasag yung helmet na suot! Sobrang kunat kasi ni Shine hindi bumili ng bagong helmet ni Mawen!" Pangaasar na singit ni Camela! Sabay na nagtawanan ang lahat!
"Sshhh..! Hintayin niyo mamaya masssarap manood ng Rom-Com!(romance-comedy) Hahaha" Sagot ni Axel sakanila
"Isa pa to si Axel mukang may pinagdadaanan din yata kung ano ano pinagsasasabi! nagiinom tayo tapos manonood ng romance" Sabat ni Vince.
"Bakit ka manonood?eh, nagiinom nga tayo" Sagot ko sakaniya na habang niyuyugyog ko ang braso niya.
"Manahimik ka Shine inumin mo nalang to!! Gusto ko mabaliw ka sa kalasssingan para maganda ang ganap mamaya!" Sabay painom sakin ng baso na may lamang alak! Ni Axel,na parang nagpapainom ng tubig sa bata!! Tawang tawa naman ang lahat sa ginawa sakin ni Axel! Habang ako masuka suka at paubo-ubo ng dahil sa ginawa niya!! Minsan talaga may pagkasadista itong babaeng ito! grrrr...
Halo halo na ang mga iniinom namin may beer,may whiskey,may rum at vodka! Kaya lahat mabilis lang na nalasing! Madalas naman kami umiinom ng mga 'to, at hindi din kami ganon kabilis malasing pero ngayon,parang pare-pareho kaming may pinagdadaanan dahil lahat yata kami eh nalasing kaagad at kung ano anong kakulitan na ang mga pinaggagagawa.
Kulitan,asaran at kanya kanya ng sayaw sa pwesto na pinagiinuman namin,habang ako hilong hilo na pero pinipilit ko pa rin na makipagsabayan sa mga kakulitan nila,at kahit lunod na ako sa alak sige pa rin ang tungga ko ng beer! Kahit kasi sinasabayan ko ang mga kabaliwan ng mga to sumasagi pa rin sakin at paulit ulit na nagpaflash back sakin kung pano nakipagbreak si Mawen sakin!!
Putek! Hindi ko matanggap! Pinangarap ko na kasi na hanggang sa pagtanda namin kami pa ring dalawa! Pero parang ako lang yata nangangarap ng ganon!
Habang sinasabayan namin ng sayaw ang malakas na tugtog sa bar ay may bigla nalang humila sa braso ko sabay hinapit ako sa aking bewang nang bigla akong maout of balance dahil sa ginawa nito.
"Ouch!! Are you out of your mind?" habang pinipilit kong tumayo ng maayos at kinikilala kung sino ang humila sakin. Tinignan ko pa ng mabuti at lumapit ng konti sa lalaking humila sakin dahil hindi ko masyadong makita ang itsura nito,sa sobrang kalasingan ko at hilong hilo. Ngumiti ako sa lalaki dahil kahawig nito si Mawen. Unti unti akong lumapit sa lalaki at at pinatong ko ang mga kamay ko sa balikat nito at sumasayaw sa harap niya. Bigla ko naman naramdaman ang marahan nitong pagalalay sakin sa bewang ko. Hindi ko pinansin yun at nagpatuloy lang ako sa pagsayaw!
"You are the one who is out of mind here! Lets go lasing na lasing ka na! Ayusin mo nga ang sarili mo! Nasaan ang mga gamit mo?! At ang jacket na suot mo kanina?!" Galit na sabi ng lalaking ito. Tinanggal ko kasi ang denim jacket na suot ko kanina dahil sobrang naiinitin na ako, epekto ng alak sa katawan ko. ang suot ko kasi na pangtaas ay spaghetti strap at mejo kita ang cleavage ko sa suot ko.
Tinawanan ko lang ito dahil ang tingin ko sakanya ngayon ay siya si Mawen na galit na galit ang itsura. Hinila na naman niya ako ulit pero pabalik sa pwesto namin magkakaibigan kung saan kami nagiinom. Ako naman ay napatangay lang ako dito na parang baliw na nageenjoy pa sa ginagawang paghila niya sakin,dahil nakangiti pa rin ako at iniimagine na si Mawen ang humihila sakin.
"Hey!! Guys look at them!!" turo ni Axel samin 2 ng lalaki,sa mga kasama namin.
"See? This is what im talking about earlier! Si Mawen tara maupo tayo at panoorin natin ang kabaliwan ng 2! Hahahaha" Ani Axel.
"Pre,tara uminom ka muna! Celebrate natin ang araw ng kalayaan mo sa kabaliwan ni Shine!" bati ni Vince sa lalaki.
At inakbayan ito.
Inalis naman ng lalaki ang kamay ni Vince sa balikat niya.
"Hoy! Shine umayos ka nga! Andito yung Papa ex mo! Nakakainggit naman! ex mo na nga pero naca-care pa rin sayo!" pagiinarteng sabat ni Camela.
Lumayo kaagad ako sa lalaki at tinitigan ito ulit hinawakan ko pa ng dalawang kamay ko ang muka nito at inilapit ang muka ko sa muka niya. Mejo matangkad ang lalaking ito kasing tangkad ni Mawen. Kaya yumuko ng kaunti itong lalaki. At ang mga kamay nito ay nakaalalay pa rin sa likod ko.
"Tara na tama na yan Shine! Lets go iuuwi na kita!" inis na sabi ng lalaki.
"At sino ka naman para iuwi ako?! At saan mo naman ako iuuwi sa bahay mo?!" sagot ko dito.
Naghiyawan naman ang mga kasama ko dahil sa sinabi ko sa lalaki ewan pero parang kinikilig pa sila. Dapat nga awatin pa nila ako dahil may lalaking gustong maguwi sakin.
Tinulak naman ako bigla ni Axel dahilan para mapasandal ako sa lalaki! Tapos sabay tapik sakin sa noo!
"Hoy! Gaga!! Yung jowa mo ito o si Mawen imulat mo mata mo si Mawen!! Pakaarte ayan na nga! Kanina dadrama drama ka pa tinatanong mo kami anong gagawin mo!" Sadistang sabi naman ni Axel sakin habang ako napahawak sa noo ko at hinihilot ito.
"Will you please give me her things? i have to take her home. She's already drunk!" Galit na sabi ng lalaki kay Axel.
"Kayo naman hinayaan niyong magpakalasing itong kaibigan niyo kinunsinti niyo pa! Paano kung may.mangyaring hindi magamda sakanaya?!" Sabi ulit ng lalaki pero sa mga kasama ko nakatingin. Inabot naman ni Axel ang bag ko sa lalaki.
"Hey! Pare! Hindi ka dapat magalala kasi kami naman kasama niyang ex-girlfriend mo! Ano bang tingin mo samin? Hahayaan namin na umuwi ng magisa yan?! Saka saan ba kami nagiinom?! Bar naman nila ito so it means safe siya kahit magpakalunod siya sa alak!" Pikon na sagot ni Alcris dito sa lalaki.
Lahat ng kasama namin ay mga nagulat sa inakto ni Alcris. Habang ako naman ay tulog na sa matigas na bisig ng lalaki,na mahigpit na nakaalalay sakin.
"Tss! Kay Vince,Camela at Axel safe siya! Pero sayo hindi!" Sagot ng lalaki na lalong kinagulat nila Axel,Vince at Camela!
"Anong sabi mo?!" Nang akmang lalapitan ni Alcris ang lalaki pero buti nalang ay naawat kagad ito nila Vince,Camela at Axel.
"Oh my god! Anong ibig sabihin non?!" Gulat na tanong ni Camela sabay tingin kay Alcris. Tumahimik naman itong si Alcris naglakad papunta sa lamesa,kumuha ng isang bote ng beer sa bucket at tinungga iyon sabay umupo.
"Aalis na kami! Have fun nalang sa inyo diyan! Magpakalunod kayo sa alak!" Galit na paalam ng lalaki sakanila. Inakay na nga ako nito palabas ng bar at nagtungo sa parking lot,isinakay ako nito sa kanyang kotse.