Lumapit ako sa upuan ni Jayden since siya lang 'yong malapit and ang layo layo ni Kate.
"Hi?" I tried to talk to Jayden. Napatingin lang siya sa'kin. Kainis, wala man lang respond.
"Uhm, Jayden, right?" I asked him kahit alam ko naman 'yong magiging sagot.
Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Yeah, how about you? Calista right?"
Nagulat ako no'ng tanungin niya 'ko ng maayos. Akala ko kasi masungit siya.
"Uh, yeah. But just call me Cal." maayos ko ring sagot sa kaniya.
"Sure." he responded, not looking at me.
"So uhm, about the groupings, may naisip ka na ba na kakantahin natin?" I asked him.
"Why are you asking me? Ikaw ang leader e'." sagot niya kaya nagulat ako. Wala naman akong sinabing ganoon. "H-huh? Wala pa naman akong sinasabi." sagot ko sa kaniya.
Tumawa siya. Halatang inaasar ako. Tsh, parang ano 'to ah.
"Just kidding," he smirked. Tsh. "And wala pa akong naiisip. Why not ask the other member?" tanong niya sa akin. Oo nga 'no? Hindi ko pa pala natatanong si Kate. Mamaya na.
"Malayo siya e', Ikaw naman 'yong katabi ko e'." I said. He chuckled. "You just want to talk to me, admit it." pabirong sabi niya sa'kin. Feeling, ampotek. Inirapan ko siya.
"Kapal." He laughed.
Maayos naman pala siyang kausap, e'. Hindi naman pala masungit. Actually, siya pa lang 'yong nakakausap ko dito sa school.
Nag-ring na 'yong bell, lunchbreak na. Nagpaalam na 'ko kay Jayden.
Pupuntahan ko na sana si Kuya pero nakita ko na siya sa pintuan namin na nakatayo, mukhang naghihintay.
"Oh, Kuya? Halika na. Bakit nakatulala ka pa d'yan?" sinundan ko ang tingin niya at nakitang nakatingin siya do'n kay Jayden. Oh no.
"Who's that?" seryoso niyang sabi kaya natakot ako. Hay, grabe naman 'tong si Kuya.
"Kuya, he's just a friend," I guess? "Stop looking at him like that, jeez." depensa ko.
Naglakad na kami papuntang cafeteria para kumain na ng lunch. Libre 'to ni Kuya, haha. Sabi niya kanina e'.
May dala naman akong pera pero gusto ko lang magpalibre kay Kuya para makatipid. Talino ko 'no? Ako lang 'to.
"What's yours?" tanong sa akin ni Kuya habang nakatingin sa cafeteria menu.
"Shrimp alfredo." that's my favorite, buti na lang pala ay mayroon dito.
He nodded.
Umorder naman siya ng spaghetti meatballs. Favorite niya 'yon e'. Nag-aaway nga kami tuwing birthday ko. Gusto niya kasing handa 'lagi ay spaghetti, e' ang gusto ko carbonara. Tsh.
Umupo na kami ni Kuya sa vacant seat do'n sa isang table. Nakatapat pa sa'min 'yong aircon. Ang lamig dito buti na lang may blazer kami.
After naming kumain ni Kuya, we went back to our class together.
Hinatid niya ulit ako.
Madaming babae ang nakatingin sa akin. Dahil kaya kay Kuya? Well I don't care, tsh.
Umupo na ako at nakitang nagsusulat lang ng notes si Jayden. Halatang bored kaya kinausap ko ulit.
"Hey, where are you from?" I curiously asked.
Tumingin siya sa akin. "Philippines,"
He answered. "I'm not that rich unlike the other students here."
Dalawang subjects na lang at tapos na ang class namin.
Nag lesson lang ang iba naming professor para daw bukas.
Lumabas na kami dahil nag ring na 'yong bell. Uwian na.
Pumunta na si Kuya dito sa room para sunduin ako dahil sabay kaming uuwi. Duh? Sino pa bang kasabay kong umuwi?
Nakasakay na kami ni Kuya sa sasakyan niya.
Ang bilis niyang mag pa-andar kaya maaga rin kaming nakarating sa bahay.
Sakto lang naman ang bahay namin, hindi malaki pero hindi rin maliit. Masaya naman kami kahit tatlo lang kami ditong nakatira.
Sinalubong kami ni Tita. "Tita, ako na po." sabi ko no'ng akma niyang kukunin ang mga gamit ko para ayusin.
"So how's the first day of school, Luan and Cal?" tanong ni Tita sa amin habang kumakain.
Nakapagbihis na ako at naka-ayos na rin. Same with Kuya.
"It was okay, Tita. I guess I made a new friend?" plastik kong sagot sa kaniya dahil wala pa naman akong nagiging friends do'n sa bago kong school.
Hindi ko alam kung friends kami ni Jayden pero siya pa lang ang matino kong nakausap sa school.
"Really?! I'm glad to hear that Cal." excited na sabi sa akin ni Tita ng nakangiti. Ngumiti lang din ako sa kaniya.
Hindi ko alam kung friend ang tingin sa akin ni Jayden but I want to be friends with him though. He seems nice.
Wala na 'kong masabi about sa kaniya dahil mukha naman siyang mabait dahil nakakausap naman siya ng maayos. Gano'n rin kaya siya sa ibang tao?
After naming kumain nila Tita, gumawa muna ako ng homework ko para bukas.
Pagabi na kaya naligo na rin ako pagkatapos kong gawin lahat ng kailangang gawin. Gano'n rin si Kuya.
Malapit na mag 10pm kaya natulog na ako. May pasok pa kami bukas. Si Kuya naman, hindi 'ko sure kung tulog na e', madalas kasi 'yang puyat. Tsh.
_______________________________________
|Kinabukasan|
Maaga akong nagising kanina dahil sa malakas na sigaw na naman ni Tita.
Tapos na rin kaming kumain ni Kuya ng breakfast, as usual nauna na naman si Tita kumain.
Papasok na kami sa school ni Kuya, 2nd day ng klase. 7:50am na kaya nagmadali na akong bumaba ng kotse ni Kuya.
Hindi ko na siya hinintay, nauna na 'kong tumakbo sa classroom namin dahil baka ma-late ako. Tsh.
Unang bumungad sa'kin ang nakabusangot na si Jayden, anong problema nito?
Kinalabit ko siya. "Problema mo?" feeling close kong tanong sa kan'ya.
Napatingin siya sa akin. "I forgot to do my homework in English." sabi niya sa'kin ng nakatungo.
"Tsh. Sige na, 'yan na. Kopyahin mo na, pero ibahin mo 'yong ibang words para 'di mahalata ni Miss." sabi ko naman sa kan'ya at binigay 'yong homework ko. Baka mapagalitan pa siya ni Miss e'.
"Really? Thanks Cal." sabi niya ng nakangiti sa'kin at kinuha na 'yong homework ko. Shet, baka ako mapagalitan ni Miss.
Dumating na si Miss Lazaro, nagcheck lang kami ng homeworks, mag-exchange daw ng homework sa katabi at 'yon 'yong che-checkan namin.
Nakipagpalit ako ng homework kay Jayden. Napanganga ako, ang ganda ng sulat niya! Nahiya 'yong sulat ko na parang tinuka ng mga manok.
Naka perfect siya. Samantalang ako ay may isang mali! What the heck? Akala ko ba nangopya lang siya? Tsh.
'Di ko na lang pinansin 'yon at nakinig na, dahil nag le-lesson na si Miss.
Naglesson lang din ang ibang mga professors. 10am na. Breaktime na namin kaya nag-ring na 'yong bell.
Lalabas na sana ako para kumain ng bigla akong tawagin ni Jayden. Ano na namang problema nito?
"Hey, do you want to go with me? Sabay tayong mag-eat?" conyong tanong sa'kin ni Ares. Luh? Feeling close 'to ah.
"Uhm, sure?" Hala ba't ako pumayag?! Lagot ako nito kay Kuya.
"Ok, let's go then." sabay na kaming naglakad ni Jayden papunta ng cafeteria.
Sabi sa'kin ng isa naming prof, e' may gagawin pa daw sila Kuya ngayon. Kaya baka mamaya na sila makapag breaktime.
Nandito na kami ngayon ni Jayden sa cafeteria, maraming nakatingin sa'min. Tsh, Ha! Kasama ko crush n'yo. 'Di niyo keri.
Usap-usapan kasi dito 'yang si Jayden sa school since gwapo siya.
"What's yours?" tanong sa'kin ni Jayden habang nakatingin sa menu.
"Pepperoni pizza and juice." sagot ko sa kaniya. Tumango siya.
After niya umorder, naghanap kami ng vacant seats.
"Cal, where are you from?" tanong niya sa'kin. Nagtaka naman ako, bakit niya gustong malaman? Tsh.
"I was born in Canada, pero lumaki ako dito sa Philippines." sagot ko sa kan'ya. Oh 'di niyo in-expect 'no?
Yes, I was born there. D'on kasi kami nakatira dati when I was 1 or 2 years old? I'm not sure.
Half Filipino and half Canadian kasi si Daddy, pure Filipina naman si Mommy.
"Really? That's why you look like that." sabi n'ya sa'kin. Potek, insulto ba 'yon?
"That wasn't an insult, if that's what you're thinking," sabi n'ya ulit sa'kin. Nabasa niya yata nasa isip ko, ah. "You look..." kunwari pa siyang nag-isip sabay sabing "...ugly." Potek, masasapak ko 'to, e'.
"Panget mo rin, tanga." sagot ko naman sa kan'ya. Ha! 'Kala niya siya lang ha?
Inirapan niya ko. "You know, I would like to be your friend. You seems fun." bigla niyang sabi sa'kin kaya nagulat ako. What the heck? Bakit ako? First friend ko siya kung sakali.
"Tsh. Crush mo ba 'ko?" nakangisi kong tanong sa kan'ya. Tumawa lang siya at umiling. "Asa." sabi niya sa'kin kaya natawa kami parehas.
_______________________________________
<3