Chapter 2

1729 Words
Kingston International School pala ang name ng bago kong school. [multimedia] Sila Mommy and Daddy ang nagbayad ng tuition fee namin ni Kuya dito. Mahal siguro dito sa school, nakikita ko pa lang ang mga taong pumapasok, e' halatang mayayaman sila. 'Yong kotse ng iba, mga naka BMW, naka Mercedes Benz. Halatang mga bigtime e'. Si Kuya Luan naman, Ford ang sasakyan, regalo sa kanya ni Daddy noong birthday niya last year. Sabay kaming pumasok ni Kuya sa loob ng school. "Kuya, papapasukin ba tayo dito? Wala pa tayong I.D. e'." tanong ko kay Kuya at natawa naman siya. Kinabahan ako kasi wala pa kaming I.D. baka hindi kami papasukin ng guard, halatang badtrip din 'yong guard e'. Tapos nakita ko, wala pa rin pa lang I.D. 'yong iba. Haha, sorry na. "Oh come on, Cal. We're transferees kaya wala pa tayong I.D. Don't worry, papapasukin tayo niyan." sagot naman niya sa akin kaya napatango nalang ako. Oo nga pala, karamihan pala dito ay mga transferees dahil 'yong iba ay wala pang mga I.D. Pinapasok na kami ng guard, nasa likod ko lang si Kuya kanina pa. Napanganga na naman ako sa nakita dahil sobrang lawak ng loob kumpara sa dati kong school. Una kong nakita 'yong cafeteria nila pagpasok ko, may aircon din. Bigtime, psh. Naglakad-lakad pa muna ako kasama si Kuya, at sunod ko namang nakita 'yong gymnasium nila. May aircon din. Muntik na 'kong mapatalon sa gulat no'ng nagring yung bell. Oras na pala ng klase, mamaya na lang ulit ako mag e-explore. Hehe. "Don't be indecent in your class, Calista. Ihahatid na kita. I'll see you later, sabay tayong mag-lalunch." bilin pa sa'kin ni Kuya. I nodded. Habang hinahatid niya 'ko papunta sa classroom ko, nag-usap muna kami ni Kuya. "Yes Kuya, 'kala mo tatay e'. Joke. Oo na, libre mo 'kong lunch mamaya ha? Hehe." biro ko pa sa kaniya at tumawa naman siya. "Tsh, okay. We're here. Please behave in your class, ingay mo pa naman," asar niya sa'kin kaya inirapan ko siya. "I'm leaving. Go to your class." paalam ni Kuya bago siya umalis. Nakarating na pala kami dito sa classroom ko, nagpaalam na 'ko kay Kuya bago siya umalis. Tinignan ko ang pintuan ng classroom namin, kulay black siya at gold naman ang doorknob. Pumasok na ako at laking gulat ko ng makitang apat ang aircon sa classroom. Hays, halatang mayaman ang owner nitong school, ah. Marami na kaming nasa classroom, sinalubong ko lang ang mga tingin nila sa akin. Karamihan ay mga babae pa lang. Sana naman walang mangtrip sakin sa first day ko, 'no? Dahil isusumbong ko sila kay Kuya Luan. Haha. Hindi pa siguro nags-start ang klase since wala pa 'kong nakikitang professor. May mga Macbook din bawat table. I already expected this though, since international school 'to. May whiteboard din sa harapan. Color black ang kulay ng mga chairs and gray naman na may halong white ang wall. 8:06 na ng umaga pero wala pa ring dumadating na professor. Wala pang kumakausap sa'kin. Sakit. Sana man lang ay may mag-hi. Sa dati ko ring school wala akong friends, e'. Dahil siguro takot sila kay Kuya, tsh. Si Kuya lang kasi ang kasama ko pag pasok hanggang sa pag-uwi. Kumpleto na kami sa klase, pero parang may kulang. Wala pa akong katabi, e'. So obviously, may isa pa ngang kulang. Nagulat ako no'ng bumukas ang pintuan at iniluwal nito ang isang babae na mukhang nasa 30's pa lang. Siya na siguro ang professor namin. "Okay class, goodmorning. I'm Ms. Azalea Keva Lazaro, just call me Miss Lazaro. I'll be your English professor for the school year. " pagpapakilala pa ni Miss Lazaro kaya tumango kaming lahat sa kaniya. Mukha naman siyang mabait kaya hindi ako kinakabahan sa kaniya. Siya rin pala ang una naming teacher sa umaga. Sana lang hindi siya masungit. "Okay class, introduce yourselves one by one in front," sabi niya sa'min. "Mauuna ang transferees." dagdag niya pa. Mauuna ang transferees Mauuna ang transferees Mauuna ang transferees Nagpaulit-ulit sa tainga ko 'yon. Holy s**t. Kinakabahan ako! Well, malayo pa naman siguro ako, sa letter S naman nags-start ang surname ko. Pero sobra pa rin 'yong kaba ko. Nagulat kaming lahat no'ng may pumasok na lalaki sa pintuan. Na-late siguro, pero mukhang kalmado naman siya. E' bakit naman siya magmamadali e' late na nga, 'di ba? Duh. Oh my gosh! Ang gwapo niya! Joke, lagot pala ako kay Kuya. But for real, he's cute. Pero ayaw ko dahil mukha siyang masungit. "Don't mind me. Continue what you guys are doing." bored niyang sabi no'ng nakita niya kaming lahat na nakatingin sa kaniya. Infairness, ang lalim ng boses niya. Ang hot. Hehe, joke. But I have a bad feeling about him. Umupo siya sa tabi ko since 'yon na lang ang natitirang bakanteng upuan. Pabagsak siyang umupo, halatang bored na bored. Tsh. "Hi, I'm Soleil Kate Adams. You can call me Sol or Kate. 15 years old." pagpapakilala ng babae. Siya ang unang nagpakilala since sa letter A nags-start ang surname niya. "My name is Halley Davis. Call me Hail or Halley but if we aren't close, just call me Halley." nag-bow pa siya. "Jayden Blair Sinclaire, I'm 16 years old." pakilala no'ng lalaki. Turn na no'ng lalaking pumasok na late kanina. Buti hindi siya napagalitan, 'no? "Ares Kingston Kennedy. 16 years old." bored niyang pagpapakilala at umupo na ulit. Napatili naman ang mga girls. Tsh. Ang haharot. Hindi naman siya gano'n ka-cute. Marami pa silang nagpakilala sa harapan. Oh my gosh, turn ko na! Kinakabahan ako! Baka mahimatay ako sa harapan. Joke. Sana successful 'tong pagpapakilala ko. Haha. "I-I'm Calista Hiraeth Sage. 15 years old. Y-you can call me Cal or Hira. But Cal would be great." pagpapakilala ko naman. Ang lakas ng t***k ng puso ko! Nautal pa 'ko, tsh. Bumalik na 'ko sa chair ko. Marami pa silang nagpakilala. 'Yon lang naman daw muna ang gagawin namin para sa English subject. Nagpakilala lang naman kami sa lahat ng subject. Wala kaming masyadong ginawa. Yung ibang teachers sinulat lang 'yong schedules ng class namin at mga kailangan para sa klase. And adviser rin pala namin si Miss Lazaro. 'Yong teacher namin sa English kanina. She gave us homework para daw bukas. Nag-ring na ang bell kaya lumabas na ako ng room para puntahan na si Kuya, but I don't know where's his room at. Nakasalubong ko si Mr. Jimenez, professor namin sa Filipino. "Uh sir, may I ask po kung saan ang room ng Grade 10?" I asked. Tinuro niya naman kung nasaan kaya nginitian ko siya at nagpasalamat. Papunta na 'ko ng room nila Kuya pero nakalabas na pala siya. _______________________________________ Luan I'm not really nervous for my first day. Unlike my little sis', akala mo mamamatay sa unang araw niya e'. Grabe daw kasi ang kaba niya kanina. I'm on Grade 10, while Cal is on Grade 9. Tita already went here last day, nag-sign kasi siya ng forms namin para sa university. I took care of my little sis' ever since we were kids. Umalis kasi sila Mom and Dad para mag-work sa Florida, that's why si Tita na lang ang nag-alaga sa'min ever since they left. Cal and I doesn't have any idea why they left us without permission. Ang sabi lang ni Tita sa'min, umalis sila para mag-work. Naintindihan naman namin ni Cal 'yon. Si Tita lang lagi ang kasama namin sa birthdays namin ni Cal. Si Cal naman, she's annoying sometimes but I love that brat. I'm always by her side, kahit saan nga siya magpunta lagi niya akong kasama. She doesn't have any friends, I don't know why. Maybe because she's annoying? Just kidding. Wala naman kaming ginawa sa class, we just introduced ourselves in front. It's my turn so I stood up. "Hey, I'm Luan Aster Sage. 17 years old." I introduced myself. Not even nervous. Nag-ring na rin ang bell, breaktime I guess? Lumabas na ako ng classroom. Susunduin ko na dapat si Cal, pero naunahan niya na 'ko. Papunta na siya dito sa room namin. Sinalubong ko siya and ruffled her hair. She hugged me, she's so clingy sometimes. 'Kala mo 'di kami nagkita earlier. "How was your class?" I asked, I hugged her back. "It was okay, nothing much happened. I just introduced myself in front of the class," she said. "I still don't have any friends though." she added, sighing. She looks sad. Why does she need any friends? Her Kuya is here naman. Sabay na kaming pumunta sa cafeteria. I glanced at Cal and noticed that she's looking for something... or someone? I followed her gaze then I saw a boy sipping on his juice. Tsh. "Hey Cal, what's yours?" I asked her while looking at the cafeteria menu. I called her two times but she's still not responding, what's wrong with her? "Cal!" I called her once again, nagagalit na. "K-Kuya!" nagulat siya sa sa sigaw ko. Tsh. "Sorry Kuya, uhm 'yong katulad na lang ng sayo ang o-orderin ko. H-Hehe." she said, stuttering. Ganiyan 'yan 'pag nagagalit ako. I ordered one box of pizza and a juice for us. Naghanap kami ng vacant seats. _______________________________________ Calista After we ate, bumalik na rin kami parehas sa room namin. Hanggang 2pm pala ang klase namin. Si Miss Lazaro ulit ang professor namin para sa Mapeh. Nagpagawa siya ng activity para sa'min. And guess what? Kakanta kami! by group! Pipili si Miss Lazaro kung sino ang mga mag ka groupmates Maganda naman ang boses ko, sa true lang. Hehe, joke. Pero sa next day pa naman 'yon magaganap kaya nakahinga na 'ko ng maluwag. Pipili na si Miss ng mga mag ka groupmates. "Kayo ang bahala kung ano ang gusto ninyong kantahin," paliwanag sa amin ni Miss Lazaro. "Ang hindi kakanta, walang grade sa akin. Understood?" tanong niya pa at sumagot naman kaming lahat. "For Group 1, Miss Lopez, Mr. Acuzar and Miss Davis." sunod niyang sabi. Kinakabahan na ako. Dalawang babae at isang lalaki ang mga magka groupmates para daw mag be-blend ang boses, sabi ni Miss. Tsh. "For Group 7, Miss Adams, Miss Sage and Mr. Sinclair." sunod na sabi ni Miss kaya nagulat ako. Wala akong kakilala sa kanila. Mukhang masungit 'yong Kate. Jayden naman, 'yong nagpakilala rin kanina, mukha rin siyang masungit pero he seems cool and nice. _______________________________________ <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD