Chapter 1

1256 Words
Nagising ako sa sigaw ni Tita mula sa baba. Ang aga-aga pa, jusko. Mas nagigising pa ako sa sigaw niya kaysa sa mismong alarm ko. Actually, kanina pa pala tunog ng tunog 'tong alarm clock ko. "Hiraethhhh! Luannnn! Kakain na ng breakfast! Gumising na kayong dalawa at baka ma-late pa kayo!" sigaw ni Tita mula sa baba. Pinatay ko na ang aking alarm clock at nagmadali nang pumunta sa CR para maghilamos na ng mukha. Pagkatapos, sunod naman akong pumunta sa kwarto ni Kuya para gisingin na. As usual, tulog pa rin. Papaano, napuyat na naman kaka-video games. "Hoy Kuya Luan, ma-lalate na tayo. Bumangon ka na d'yan! Puyat puyat pa kasi kagabi tapos late ka na naman magigising ngayon." sigaw ko sa kaniya. Ang tagal bumangon, tsh. Nagising na rin siya pagkatapos ng ilang beses kong sigaw sa kaniya. "I'm already awake, tsh." singhal niya. "Sorry po ha? You're so noisy last night that's why I can't sleep." sarkastiko niya pang sabi kaya inirapan ko siya. Ganiyan 'yan si Kuya pero mahal ako niyan haha. Sobrang protective rin n'yan jusko, yung mga nanliligaw sa'kin kinakausap muna niya ng masinsinan bago palapitin sa'kin, psh. Parang tanga 'no? Syempre joke lang. Wala pang nagbabalak manligaw sa'kin dahil nga diyan kay Kuya. Maganda naman ako, pero wala e'. Wala talagang nanliligaw sa akin. Sakit. "Hoy kayong dalawa d'yan, bumaba na kayo, bilisan ninyo at ma-lalate na kayo. Naghain na ako dito ng breakfast ninyo!" sigaw ulit ni Tita mula sa baba. 7am pa lang naman ng umaga, 8am pa ang pasok namin sa school. Ang OA ni Tita ha? Bumangon na rin si Kuya mula sa higaan at naghilamos na rin sa CR. Bumaba na ako at hindi na siya hinintay, gutom na 'ko e'. "Hira, handa na ba ang mga gamit mo para sa bago mong school?" tanong niya sa akin habang hinuhugasan ang kawaling pinaglutuan. "Yes Tita, 'yang si Kuya nalang naman po ang hindi. Papaano Tita, nagpuyat na naman 'yan kagabi." sumbong ko pa sa kaniya. "Hoy Calista, I can hear you from upstairs! Tita, 'yan po kasing si Cal, kanta nang kanta sa kwarto niya kagabi. I can't sleep properly." sinumbong niya rin ako kay Tita kaya napairap nalang ako sa kanya. And yes, Hira o Hiraeth ang tawag sa akin ni Tita at si Kuya Luan naman ay Cal. Because Calista Hiraeth is my name. Pero mas sanay akong Cal ang tawag sa'kin ng mga tao. Si Tita lang naman ang tumatawag sa akin ng Hira o Hiraeth. Si Tita ang nag-aalaga sa amin noon pa, kapatid siya ni Mommy. Iniwan na kasi kami ng parents namin simula no'ng bata pa kami, kaya 'yon, si Tita na ang nag-alaga sa amin at si Kuya naman ang tumayong tatay ko. Nasa 30's na si Tita. Medyo bata pa. Si Kuya lang naman ang mukhang matanda, joke. 17 si Kuya Luan at ako naman ay 15. Luan Aster ang totoo niyang pangalan. Pagkatapos naming kumain ng almusal ni Kuya, naligo na ako sa taas habang siya nama'y nag-aayos pa ng gamit para sa school mamaya. Hindi namin kasabay kumain si Tita kanina since nauna na daw pala siyang kumain. Anyways, nakaligo na ako at turn na ni Kuya sa CR. 7:30am kami papasok. 7:18 pa lang naman. Nakabihis na rin naman ako. Infairness, ang ganda pala ng uniform ng bago kong school. Color black ang blazer, habang white naman ang polo sa loob. Kulay black rin ang mini skirt and white naman ang socks. [multimedia] "Hoy Cal, baka naman pag-uwi mo galing sa school eh lukot-lukot na 'yang uniform mo. You're so lousy pa naman sometimes." asar sa'kin ni Kuya kaya binelatan ko siya. Epal. "Oh talaga ba Kuya? Sino kaya sa atin ang natapunan ng juice sa cafeteria dati sa school kasi nadapa?" pabalik ko namang asar sa kaniya habang nakangiti ng nakakaloko. Paano, si Kuya 'di tinitignan dinadaanan, 'yan nadapa tuloy. Haha tanga. Anyways, tapos na pala siyang maligo at nakabihis na rin. Ganoon rin ang kulay ng uniform nila, Black ang blazer, white naman ang panloob. And yung pants naman ay black. [multimedia] Infairness, bagay sa kaniya 'yong uniform nila. Ang ayos niya tignan. Anyways, may itsura naman talaga si Kuya since nakuha niya 'yon kay Daddy. And ako naman mix ako ng face ni Mommy and Daddy. Daddy's girl kasi ako noon, kaya nga iyak ako ng iyak n'on no'ng umalis sila, kailangan daw kasi nila ni Mommy na magtrabaho para sa amin. Para may maipadala sila rito sa bahay. Hindi rin namin alam ni Kuya kung bakit sila naghiwalay. Si Kuya naman, nagmana rin 'yan sa ugali ni Daddy. Si Daddy kasi masungit at suplado 'yan minsan. Miss na miss ko na nga sila ni Mommy. Hindi pa namin alam kung kailan sila babalik, ang alam ko lang ay matagal pa 'yon. Naka ilang birthdays na nga kami ni Kuya Luan ng wala sila, pero naiintindihan naman namin 'yon. Sa ibang bansa kasi sila nagtatrabaho parehas. "Kuya ang gwapo mo d'yan sa suot mo, ah." inuto ko pa siya at binigyan ng nakakalokong ngiti. "Duh, Calista? Baka Luan Aster lang 'to." sabay kaming natawa parehas kahit ang pangit ng joke niya. "Bilisan niyo ng magsibihis diyan, nag-aasaran pa e'. Para kayong mga bata. Ma-lalate na kayo." ang OA talaga ni Tita. 7:21 pa lang naman ng umaga. Bumaba na rin kami ni Kuya pagkatapos naming mag-ayos sa taas. Nag-usap muna kami ni Kuya dahil maaga pa naman. 7:25 pa lang ng umaga, 7:30am naman kami aalis. "Sana maganda 'yong bagong school, 'no Kuya?" tanong ko kay Kuya. Tumango naman siya. "You just want to see some cute boys, Cal. Tsh." natawa 'ko sa itsura niya. Ang cute kasi ni Kuya 'pag naiinis, kaya ang saya niya asarin e'. Haha. "'Sus Kuya, 'wag ako. Ikaw rin e', gusto mo rin makakita ng maraming girls." asar ko pabalik sa kaniya kaya sinamaan niya 'ko ng tingin. Natawa naman ako. "Cal, you know that I'm not interested in girls," inirapan niya ako. Aguy, attitude. "Let's go, I'll drive the car. We're gonna be late." sabi niya pa bago kami lumabas. Nasa sasakyan na ako at hindi alam kung nasa'n na kami, medyo malayo rin pala ang school mula sa bahay. "Kuya, sana naman walang mangtrip sa'kin do'n 'no? Ayaw ko namang masira ang first day ko sa school, tsh." sabi ko sa kaniya ng nakasimangot, natawa naman siya sa itsura ko. Pero sana wala talaga. "You're going to be okay. And I'll be with you throughout the day, so don't worry." sabi niya naman habang nakangiti sa akin kaya hindi na 'ko nangamba. 'Yang si Kuya kasi ang parang bodyguard ko sa dati kong school. Lagi ko siyang kasama papasok hanggang pauwi. Sinasabayan niya rin ako kumain minsan sa cafeteria sa dati naming school. May konti ngang mga nang-aaway sa akin na girls roon. Akala kasi nung iba ay boyfriend ko si Kuya, ew. E' campus crush yata 'yan sa school namin noon kaya ganoon. Si Kuya naman, walang pakialam sa kanila. May mga pinag-usapan pa kami ni Kuya habang nag d-drive siya. And sa tingin ko ito na yata 'yong school dahil tumigil na 'yong sasakyan namin. Nakarating na rin kami sa wakas. Girl, oh my gosh. Napanganga ako habang nakatitig sa malaking palace, hindi 'ko sure kung palace 'yon, pero mukha siyang ganoon. Ang laki, at labas pa lang mukhang malawak na. It looks like a castle. I hope my first day in here is going to be great. _______________________________________ <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD