Chapter 18

2414 Words
Hunter's POV Umalis ako sa itaas ni Nacario, iniwan ko ang dagger at hindi na inabalang hugutin pa yon. “Tara na at baka may dumating pa,” sabi ni Boss. Lahat kami ay tahimik na umalis, iniwan namin ang walang buhay na katawan ni Nacario. Isang sulyap pa muna ang ginawa ko bago tuluyang umalis. Umangkas na ako kay Biker, pumasok naman sina Boss sa kotse. Umandar na kami at nilisan ang lugar. Napadaing ako dahil sa sugat sa katawan ko, napahawak din ako sa leeg ko, para kasi itong nangalay. Dahil sa paghawak ko ay nakapa ko ang bagay na kinabit ni Nacario sakin. Nabigla ako at mabilis kong nailayo ang kamay ko. Ang bomba… nakakabit pa din sa leeg ko ang bomba. “What's that on your neck?” tanong ni Biker. Napansin n'ya siguro ito nang tumingin s'ya sa side mirror ng motorbike n'ya. Napayuko ako. “Isang bomba,” walang pagaalinlangan kong sagot. Napatigil si Biker sa pagmamaneho dahil sa sinabi ko. Nabigla naman ako sa bigla n'yang pag-preno. Lumingon s'ya sakin. Tumigil na din ang kotse na nakasunod samin. “Why are you still wearing it? Ako na mag tatanggal.” Inilayo ko ang katawan ko kay Biker. Gusto n'ya ito tanggalin gamit ang mga kamay n'ya. “Hindi pwede Biker,” pagpigil ko. “Anong nangyayare?” tanong ni Boss. Nagsi-babaan na din ang iba sa kotse. Tinuro ako ni Biker, lahat naman sila ay napatingin sakin. Lumaglag ang parehas kong mga kamay sa magkabilang gilid, walang nagawa kundi ipakita ang nasa leeg ko. “What's that thing?” tanong ni Bullet. Nilapitan pa n'ya ako para makita ng maayos ang nasa leeg ko. “It's a bomb,” pagbibigay alam ni Biker. Parehas silang lahat ng reaksyon at yon ay pagkagulat. Nanlulumo naman akong napayuko, namatay nga si Nacario pero may iniwan naman s'yang bagay na ikakamatay ko din. “Manipis lang naman yan, we can rip it off of you Hunter.” sabi ni Swordsman. Umiling ako. “Hindi pwede. Pag-puwersahang inalis, sasabog ang bomba, yon ang sabi sakin ni Nacario.” banggit ko. Natahimik naman sila. “He really wants to kill you,” mahinang sabi ni Biker. “Baliw talaga yon,” komento ni Silencer. Tumikhim si Hacker para kunin ang atensyon naming lahat. “Let's get back to the factory, just don't touch the bomb,” sabi ni Hacker. Lumingon sakanya si Boss. “Ikaw ba Hacker, do you know how to remove that bomb?” tanong ni Boss. Umaasa akong sasabihin n'yang oo pero bumaksak ang mga balikat ko nang umiling s'ya. “I have a knowledge in bombs but this is knew to me.” Turo n'ya sa bomba na nasa leeg ko. “That is probably made by Nacario himself, only for you Hunter.” Napakuyom ang kamao ko. “Let's get back, just don't touch it.” Lumakad na si Hacker papunta sa kotse, sumunod nalang kami sa sinabi n'ya. Naramdaman kong may kamay na pumatong sa balikat ko, pag-lingon ko ay nakita ko si Biker. “Matatanggal din yan, I'm sure of it.” paninigurado n'ya. “I don't want to lose a member of my group, so hang-on.” Ngumiti s'ya sakin at lumakad na palapit sa motorbike n'ya. Umangkas na'ko ulit at umandar na kami. Nang makarating kami sa factory ay ginamot na muna ni Biker ang mga natamo kong sugat sa katawan. “We're getting closer,” pagkuha nang atensyon ni Boss. “We are now going to North Herlanion City, where the palace located." sabi ni Boss. North Herlanion City ang pangalan ng syudad namin. Parte ng North Herlanion City ang North Town pero kahit minsan hindi pako nakakapunta sa mismong syudad na yon. Halos lahat kasi ng mga tao doon ay mayayaman, bihira lang ang mga mahirap sa lugar na yon. Mas marami ang mahihirapan dito sa North Town. Nandoon din nakatayo ang palasyo, kaya possibleng makikita talaga doon ang Mayor. “North Herlanion has the most strict securities compared here in North town.” tumayo si Hacker at lumapit samin. Umuupo nalang s'ya ngayon sa isang karton at nakaharap sa mga drone n'yang naka lutang sa ere. Wala na ang mga monitor na lagi n'yang kaharap, wala na din ang upuan na lagi n'yang gamit. Pero kahit ganon parang wala lang ito sakanya, hindi n'ya alintana kung saang lugar kami ngayon. Nagagawa parin n'yang malaman ang lahat nang kailangan naming malaman, parang konektado na ang utak ni Hacker sa internet. “Kaya mas kailangan natin mag ingat. I don't know if I can have the full control, once we get there.” Mahina n'yang sabi sa huling salita. “We know you have a limit too Hacker,” sabi ni Swordsman. “Everything you do… it's like magic,” dagdag n'ya pa. Hinakbayan ni Boss si Hacker. “But we know you have some tricks on your sleeves.” Naka ngising sabi ni Boss. Bahagya naman natawa si Biker sa tabi ko. “You got that right Boss, "can't have the full control" my ass, we know you have a back-up.” Natatawa n'yang sabi. “All we need is to kill the Mayor, what ever happens.” May diin sa huling sinabi ni Boss. “What ever happens,” bulong ko. Iniisip ko, pano nalang pag-natapos na? Hinaplos ko ang nasa leeg ko at maliit na ngumiti. Alam ko na ang kahihinatnan ko. Kailangan ko na sigurong ihanda ang sarili ko. Napatingin ako sa kanila isa-isa, hindi ko alam pero sa maikling panahon, nagawa kong mag-malasakit sa mga taong katulad nila. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kong wala sila. Bumuntong hininga ako, pinakinggan ko nalang ang plano nila. Pagkarating sa siyudad ay magkakahiwa-hiwalay kami, oobserbahan muna ang lugar. Si Hacker ang bahala makapasok sa loob ng palasyo, susubukan n'ya kontrolin ang siguridad sa bawat sulok ng palasyo, habang kami ay oobserba sa labas. Pagtapos n'yon susugod ulit kami pagdating nang hating-gabi. Si Silencer ang bahala sa nagbabantay sa labas ng palasyo, si Swordsman ang bahala sa nagbabantay sa loob. Si Bullet ay look out mula sa malayo possibleng may dumating na at maaari yung maging sagabal. Si Biker ang bahala sa secretary ng Mayor, balita ko ay may kakaiba sa secretary na yon, hindi din ata ito normal, kaya magiging sagabal din sya sa balak namin, kailangan sya ilayo sa Mayor. Ang huli si Boss, sya ang papatay sa Mayor at ako naman ang kasama n'ya, ako ang tatapos sa mga haharang kay Boss. Si Hacker naman? Ko-kontrolin n'ya daw ang buong palasyo, hindi ko alam ang ibig n'yang sabihin, hindi na'ko nagtanong. Natapos na silang mag-usap, magpapahinga na sana kami sandali nang may lumabas na message sa drone ni Hacker. Kumunot ang noo ni Hacker sa nakita, muka s'yang nagtataka. “Hindi mo ba titignan yan Hacker?” takang tanong ni Bullet. Sa reaksyon ni Hacker para s'yang gulat na gulat. Bakit kaya? “This is strange,” sabi n'ya samin. Nagkatinginan kami. “What do you mean?" tanong ni Silencer. Napahilot si Hacker sa sintido n'ya. “I'd closed our website so we can plan our mission without having to do someone's requests, I even hid it so no one can search for it. Now it's very strange that someone it messaging us right now,” paliwanag ni Hacker. Lahat na kami ngayon ay nagtatakang napatingin sa message na hindi pa binubuksan ni Hacker. Ibig bang sabihin… “Someone hacked you?” sabat ni Biker. Napaisip si Hacker sa sinabi n'ya. “Who could have accessed in a site that you hid?” tanong ni Boss. “I don't know, let's take a look and see.” pinalapit ni Hacker ang drone. Lumapit din kami sakanya para malaman kung sino ang nag message. Binuksan na ito ni Hacker. Agad kong binasa ang nakalagay. From: YinExperiment0001 You must be the Hacker, nice to meet you. I heard this website can solve our problem. I'm 13 years old, my name is Yin but they call me experiment 0001. I have two siblings, they are Morgi and Willy, they call Morgi experiment 0012 and call Willy experiment 0120, they are both 10 years old. We are trap in an underground laboratory located at the palace, we are street childrens with no parents. They kidn*pped us and force us to be a part of their experiment. We don't want to be trap here forever and obey them, we want to get out off here. Me and my two siblings… the three of us are the successful experiments, they want to keep us to their selves. I want your group to get us out here. I will give you a reward, 1billion each. Nanlaki ang mga mata ko sa reward na sinabi n'ya. Isang bilyon? Pero teka! totoo ba ang sinabi n'ya? Napagtagumpayan ang eksperimento sakanila? Hindi bat madaming namamatay sa eksperimento na yon? Sa mura nilang edad himalang nakaligtas sila. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maaawa. Nanlulumo akong napailing sa sarili. Pero ang babata pa nila, pano nila nakayanan yon? Parang na imagine ko ang pinagdaanan nila sa loob ng laboratoryo. Ako mismo ang nag-aalala para sa kalagayan nila ngayon. “I don't want to accept request right now.” sabat ni Hacker. Lumingan ako kay Hacker, seryoso s'yang nakatitig sa mensahe. Napalunok ako sa sinabi n'ya, gusto ko iligtas ang mga bata. Kahit yon nalang ang magawa kong tama sa buhay ko. “But they can be an exception. A perfect timing because we are also heading to the palace.” Bigla akong nakahinga ng maluwag. Balak ko sana mag protesta pero pumayag s'yang tulungan sila. Napangiti ako. “What do you think Boss?” Lumingon si Hacker kay Boss. “Of course we'll accept their request,” sagot ni Boss. “It says here that they are the successful experiments, we must take action about that.” Napatango si Hacker sa binanggit ni Boss. “It's shocking to know that they have fully succeed the experiment, I wonder what kind of power those kids possessed.” Sabi ni Hacker habang hinihimas ang baba n'ya. “Gusto ko sila iligtas,” sabat ko. Napatingin sila sakin. “Pakiusap iligtas natin sila.” Dagdag ko pa. Pinatong ulit ni Biker ang kamay n'ya sa balikat ko, parang sinasabi n'yang magiging maayos din ang lahat. “We will and we can't let those kids get in the hands of the Mayor. There will be trouble if that happens.” sabi ni Biker. “Teka! yung reward, it's that even real?” tanong ni Bullet. “They might got payed a lot of money for being the successful experiment. But still they don't have the freedom to do what they want or even spend the money they have.” napalingon naman kami kay Swordsman. “Siguro mas pinili nilang gamitin ang pera sa kalayaan nila, freedom is also a happiness,” dagdag n'ya. “That's a lot of money, 1billion for each of us, they might got more,” komento ni Silencer. “We don't need the money, we can reject that offer. All we have to do is do the request.” Tumango ang lahat. Maliban sakin na hindi makapaniwalang ire-reject nila ang ganong kalaking halaga. Pero sa katunayan hindi naman pera ang habol ng grupo na'to. Kung sino ang target nila, yon ang hahabulin nila. “Basta ako gusto ko lang masiguradong ligtas sila, ano ang kailangan kong gawin Boss?” tanong ko. Lumingon si Boss kay Hacker at tumango. Agad na humarap si Hacker sa drone n'ya. “Then will change the plan,” sagot ni Hacker. “This time we don't have a target request, this is the first time having a request to rescue three kids.” Agad nag-tipa si Hacker sa hologram na keyboard. At tulad nang sabi ay binago nga ang plano. Nabago lahat ang gagawin namin at ang in-assign sa bawat isa. Ako na at si Biker ang maglalabas sa tatlong bata. “We'll free them and then go after the Mayor,” sabi ni Boss. “I think the kids can fit in my motorbike— RING Naistorbo ang usapan nang may biglang tumunog, paglingon namin ay umiilaw ang drone ni Hacker. “She's calling,” sabi ni Hacker. “Si Yin?” tanong ko. Tumango s'ya at agad na pinindot ang tawag. [Hello? eto ba ang grupo ng Midnight Hunter?] bungad ni Yin. Malamig ang boses n'ya at parang hindi bata kung magsalita, wala ding kabuhay-buhay ang bungad n'ya samin. Epekto ata ng eksperimento o ganyan lang talaga s'ya magsalita? “Yes, we accept your request. Is there anything you need? by the way this is the first time someone called us.” Pormal na sagot ni Hacker. [Thank you for accepting, may limang minuto lang ako para makausap kayo. Bibigay ko ang direksyon ng eksaktong lugar kung nasaan kami.] sabi ni Yin. [I only say this once please listen,] tulad ng sinabi n'ya ay nakinig kami ng mabuti sakanya. Denitalye na n'ya ang lugar kung nasaan sila, nakakamangha ang pag dedetalye n'ya. [Nasabi ko na ang dapat kong sabihin, ako'y magpapaalam na.] Nawala ang tawag pagkasabi n'ya non. Hindi na kami hinayaang makapagsalita. “I got everything she said.” Tumayo si Hacker. “Magpahinga na muna tayo. We need a lot of rest to do this request.” Sumangayon ang lahat sa sinabi n'ya. Kahit gusto ko agad pumunta sa kinaroroonan ng mga bata ay hindi ko ipagkakailang kailangan talaga namin ng pahinga. Ramdam ko na din kasi sa katawan ko ang pagod. “Hunter.” Aalis na sana ako nang tinawag ako ni Hacker. Taka akong lumingon sakanya. “Bakit?” tanong ko. Akala ko ba kailangan na magpahinga? “Come here.” Utos n'ya. Pinanliitan ko s'ya ng mata bago lumapit sakanya. Ako lang ang tinawag n'ya at hinayaan nang umalis ang iba. Ano kaya kailangan n'ya? “Ano ba yon—” CLICK Napanganga ako sa ginawa n'ya, ramdam ko ang ginhawa sa leeg ko, para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Ang akala ko dadalhin ko pa yon papuntang North Herlanion City, hindi ko na kasi inisip kung matatanggal, lalo na't sinabi n'yang bago lang ito sa paningin n'ya. Gulat pa din akong nakatingin sa bagay na hawak-hawak n'ya. “It took me awhile to figure it out.” Sabi n'ya na may maliit na ngiti habang hawak ang bomba sa kanang kamay n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD