Chapter 17

2228 Words
Hunter's POV Huminga ako ng malalim nang makapasok ulit sa sasakyan n'ya, tumingin lang ako sa bintana sa tabi ko. Naramdaman ko na din ang pag-pasok n'ya. “I'll take you to a restaurant. There you can take off your mask, I will get a VIP room for us, where we can have a peaceful breakfast.” tumango nalang ako at walang imik na umiwas ng tingin. Isang oras nalang at malapit na sumikat ang araw, madami na naman makakakita sakin/samin kung sakaling lumabas kami. “One more thing,” bigla s'yang nagkalikot sa likod ng kotse n'ya. Kumunot naman ang noo ko, pinanood ko s'yang maghanap. Napalunok ako sa tumulong pawis sa noo n'ya, dumaloy yon mula sa perpektong panga n'ya at tumulo sa braso n'ya. Umiling ako at bumalik nalang sa pag-kakasandal, napakurap-kurap pa'ko. Ilang sandali ay humarap na s'ya na may hawak-hawak na sapatos. Ngumiti s'ya at inabot yun sakin. Dahan-dahan ko yung kinuha, hindi ako makapaniwala, ang akala ko wala na'to. “You're like Cinderella,” marahan na sabi n'ya. Yumuko s'ya at tinanggal ang puting sapatos na suot ko ngayon. Sinuot n'ya sakin ang heels na sinuot ko nung nakaraan sa party nila. Magaan ang paglagay n'ya sa sapatos, hindi n'ya minamadali, medyo nakikiliti din ako sa haplos n'ya. Tinago n'ya pala to? bakit kailangan pati sapatos ko itago n'ya pa? Hindi ko talaga s'ya maintindihan. “It perfectly fits, just like a princess.” Tinignan ko ang paa ko. Ang ganda tignan ng silver na sapatos. Sa sinabi n'ya naman ay parang namula ako, paborito ko ang ganyang mga storya, pero hindi ko na'to babanggitin pa sakanya. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Ano ba tong nararamdaman ko? Hindi to tama. Kunot noo akong tumitig sa sapatos. “Bakit mo pa tinago 'to?” tanong ko at ibinaling ang tingin sakanya. “Sana tinapon mo nalang," dagdag ko pa. “I like looking at your shoe, parang nasa tabi na din kita pag nasa akin ang sapatos mo.” napatiim bagang ako. “Let as go to the restaurant.” nakangiting sabi n'ya. Tumango nalang ako. BROOOM Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, napalingon ako sa likod at tama nga ang naisip ko. Nakita ko ang motor ni Biker na papalapit sa direksyon namin, ang bilis nang pagpapatakbo n'ya. Sa likod n'ya ay may sasakyan na nakasunod. Napangiti ako, sa wakas ay nandito na sila. Nang lingunin ko si Nacario ay madilim na ang tingin n'ya sa rearview mirror. Bigla n'yang pinaandar ang sasakyan, nabigla ako at halos mauntog ako sa salamin, unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. Lumingon ulit ako sa likod, kahit mabilis na ang pagpapatakbo ni Nacario ay naabutan parin kami ni Biker. Hindi na'ko nagulat nang nasa tabi na s'ya ng sasakyan ni Nacario. Sinubukan ko buksan ang pinto pero ni-lock ito ni Nacario, pasimple akong naghanap nang pwede pangsira sa pinto habang abala s'ya sa pagmamaneho. CLICK Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, ang bilis ng kamay n'ya, bigla nalang may nilagay s'yang bagay sa leeg ko. Hindi man lang s'ya lumingon at basta nalang n'ya yon kinabit. “Ano tong nilagay mo sa leeg ko?” napalingon ako sa salamin. Para s'yang kwintas pero saktong-sakto ito sa leeg ko, pakiramdam ko tuloy parang may kamay na naka-sakal sakin. May ilaw din na pula na paulit-ulit na nag bli-blink. Kakaiba ang bagay na'to, ngayon ko lang to nakita. “A bomb,” seryoso n'yang sabi. Akmang hahawakan ko to pero dahil sa sinabi n'ya napatigil ako. Lalong nanlaki ang mga mata ko, bumilis din ang t***k ng puso ko dahil sa takot. “It will activate once you take it off by force. Kaya kung susubukan mong puwersahang tanggalin yan, mamamatay ka.” Sabi nya ng hindi lumilingon sakin. Nilabas n'ya ang Lacrima sa leeg n'ya at gumamit ng kapangyarihan para hindi makaabot si Biker. Ganon din ang ginawa ni Biker at may nilalabas na kung ano-ano galing sa motor n'ya. Naramdaman ko din na binabaril ang kotse, alam kong si Bullet ang gumagawa non. “Tanggalin mo ito.” sabi ko sakanya. Ngumisi sya. “No, I won't,” sabi n'ya na may nakakalokong ngisi pa ding naka pinta sa mukha. Napatigil ako at nanlulumong tumingin sakanya. “Hindi kita maintindihan.” Mahina kong sabi. Parang naging blangko ang isipan ko. “You have a pure heart, I can see the white glow throughout your body. It's getting bigger and bigger,” sabi n'ya. Tumigil ang sasakyan at bumaba s'ya, binuksan n'ya ang kabilang pinto kung nasaan ako at marahan akong hinila palabas. Hindi ko namalayang hindi na pala nakasunod sina Biker samin. Anong nangyare sakanila? Kanina lang nakasunod sila samin. “Anong white glow? anong pinag sasabi mo!” Pumasok kami sa isang maliit na bahay habang hila-hila n'ya pa din ako, pag-aari n'ya ata ang bahay na'to. Malakas kong hinawi ang kamay n'ya. “Sumagot ka!” Hinabol ko ang hininga ko, pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Ngumisi na naman s'ya, ngayon ko lang nakitang ganyan s'ya. Dahan-dahan na s'yang tumawa at nakakatakot ang tawa na yon. “I can see the pure things inside you, everything is white.” Lumapit s'ya, umatras naman ako. “I pick the most purest person… just to kill.” Napabuka ang bibig ko at hindi makapaniwalang tumingin sakanya. “I-ibig s-sabihin… h-hinabol mo'ko para… p-patayin?” Nauutal kong usal. “Bingo.” Naka ngisi n'yang sabi. “The Mayor wants to end your little group, I don't want him to kill you, you are mine.” Bigla n'yang hinaplos ang pisngi ko na para talagang pag-aari n'ya ako. Napatakip ako sa bibig ko, bahagya kong iniwas ang mukha ko. Hindi parin n'ya ako nilulubayan ng tingin. “I am the only one… who is allowed to kill you.” Yon ang ibig n'yang sabihin, na sakanya lang ako. Nanghina ang tuhod ko pero hindi ko hinayaang matumba sa harapan n'ya. Nung una palang alam ko nang may mali. Hinanap n'ya ako, naging malapit s'ya sakin, ayaw n'ya akong lubayan. Ang dahilan ay isa lang pala ako sa taong gusto n'yang patayin. Naiintindihan ko na ngayon. “Pero pano ako naging pure? Ngayong may bahid na ng dugo ang kamay ko?" tanong ko. Gusto ko lang alamin, dahil alam ko hindi ako santo, tao lang ako. Panong purong puti ang nakikita n'ya sakin? “You don't want to kill, you want to save them,” sagot n'ya. “You want to save everyone, my eyes don't lie Hunter. Every white aura I see, you have the most brighter glow.” Namamanghang sabi n'ya. “In other people I can see white but there are mixed colors, like the color of envy, jealousy, pain, anger and bloodlust. But to you... you only have white Hunter.” Nagulat ako nang nilabas n'ya ang dagger sa loob ng damit n'ya. “I'll kill you, you are mine. You are mine to kill.” Humakbang s'ya papalapit, muka talaga s'yang hayok na hayok na patayin ako. “I'll cover that white thing using your own blood.” Marahan n'ya akong tinitigan. Sa pagkakataong to nasabi ko sakanya ang hindi ko masabi noon dahil hindi ako naniwala nung una. “Baliw!” sigaw ko at pikit matang tumakbo papalayo. Nataranta ako nang hinabol n'ya ako, binilisan ko ang takbo ko at kung saan-saan ako lumusot. Mabuti at madilim sa loob ng bahay na'to. Nagtago ako at hindi gumawa ng ingay. Nakarinig ako ng kalabog, isa-isa n'yang binubuksan ang pinto ng bawat kwarto. Ang bilis ng pagkabog ng puso ko, hinihiling ko na sana dumating na sila Biker bago pa n'ya ako mabalatan ng buhay. Sigurado akong hindi maganda ang sasapitin ko kay Nacario. Napa-pitlag ako nang bumukas ang pinto na kinaroroonan ko. Umalis ako sa pwesto ko nang maramdaman ko ang isang malakas na atake. Nilabas ko ang pana ko, inasintahan ko s'ya. Habang umiiwas sa palaso ko ay tumakas ako mula sa bintana. May harang pa itong salamin kaya wala akong nagawa kundi ihagis ang sariling katawan ko para makatakas lang sakanya. Nagka-sugat-sugat ang mga braso at bigti ko. Gumulong ako sa sahig, agad na'kong tumayo at tumakbo papaalis. Ang sakit ng mga binti ko, tumalon lang naman ako sa pangatlong palapag ng bahay, yon ang pinaka mataas na natalon ko. Napangiwi ako sa sakit, medyo bumabagal na din ang takbo ko. Hiningal ako at sandaling sumandal sa puno, nabitawan ko ang pana ko sa pagod pero agad ko ding pinulot. “Hunter… come out, come out where ever you are.” Nagtaasan ang mga balahibo ko. Napapikit ako at huminga ng malalim. Tinago ko ang pana ko at nilabas ang dagger. Pinakiramdaman ko ang presensya n'ya. Hinaplos ko ang bomba sa leeg ko. “Wala din talaga akong takas,” sabi ko sa sarili. Tumingala ako, mataas ang puno na pinagtataguan ko, pwede ko akyatin. Masakit man ang katawan pero umakyat parin ako, mabuti at natutunan ko dating umakyat ng puno kaya hindi ako nahirapan. Nakarating ako sa tuktok, nakita ko s'ya mula sa malapit. Hinahanap n'ya pa din ako, mahigpit kong hawak ang dagger. “I want to see your face covered with your own blood!” “I want to hear your scream!” “I want to stab you multiple times!” “Show yourself Hunter!” Napatiim bagang ako sa mga naririnig sakanya. “Baliw.” Mahina kong sabi na may diin. Napa-angat ang ulo ko nang makaramdam nang isa pang presensya, nanliit ang mga mata ko. Lumingon ako sa kaliwa ko, halos malaglag ako sa puno nang biglang sumulpot si Hacker, hindi s'ya hologram pisikal na nandito si Hacker sa harapan ko. Kung nandito s'ya ibig sabihin nandito na din ang iba. Napangiti ako kahit ang sakit ng katawan ko. Sa tuwa ko ay gusto ko s'ya yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. Nilagay n'ya ang hintuturo n'ya sa labi n'ya na nagsasabing wag ako maingay, pagtapos ay may itinuro s'ya sakin. Tumingin ako sa tinuro n'ya, napanganga ako nang makitang nasa paligid sina Biker, pinapaligiran nila si Nacario, pero hindi pa sila napapansin nito. “Kailan pa kayo dumating?” bulong ko. “Just a few minutes ago,” sagot n'ya. “Hunter! I don't know what's going on but I can't sense your presence anymore, but I'm still gonna look for you and if I get my hands on you, I will kill you in an instant!” Napatingin ako sa baba. Hindi n'ya na nararamdaman ang presensya ko? “I created a barrier around this tree, he can't sense your presence but he can still hear you if you try to speak loudly.” Paliwanag ni Hacker. “He's a psychopath, he can see something that we can't see,” sabi ni Hacker. “He's imagining things,” dagdag n'ya. “May nasabi s'ya saking white glow.” banggit ko sakanya, bahagya s'yang natawa. “So that's what he calls it, white glow.” sabi n'ya. Pinagtatawanan n'ya pa ito pero mabilis sumeryoso ang mukha n'ya. “He's also a user of drugs, he gets even more crazy and want to kill people that has the purest aura, he said. he's really dangerous, the most dangerous member of their family.” Pinalutang n'ya ang drone n'ya at may lumabas na ilaw, green na ilaw. Isang go signal? Bigla nalang kumilos sina Biker sa baba, isa-isa silang gumamit ng kanilang Ultat. Nabanggit nila sakin na espesyal ang atake na yon at napanood ko ngayon ang sama-sama nilang pag-atake. “Sharp Blade!” si Silencer ang unang sumugod. Nilapitan n'ya si Nacario, dahil abala ito sa paghahanap sakin, hindi na n'ya nagawang iwasan ang paparating na si Silencer. Nahiwaan s'ya sa pisngi at natanggalan pa s'ya nang kanang tenga. “Death Katana!” Dahil alam na ni Nacario na nasa paligid sila natunugan na n'ya ang paparating na si Swordsman. Nadaplisan s'ya sa bewang n'ya, sayang at muntikan na sanang mahati ang katawan n'ya. Kinumpas ni Nacario ang kamay n'ya at malakas na hinangin si Swordsman papalayo. “Energy Wave!” sigaw ni Biker. Nasa kalayuan s'ya, naglalabas nang kakaibang enerhiya ang motorbike n'ya. Tinutok n'ya yon kay Nacario, pinakawalan n'ya na'to at mabilis tinamaan ang pakay n'ya. Malakas na pagsabog ang narinig ko sa gawi ni Nacario, umalog pa ang punong kinaroroonan namin ni Hacker. “Iron Fist!” sumugod si Boss at malakas na sinuntok si Nacario. Bugbog sarado na si Nacario dahil sa mga atake nila, pero hindi parin s'ya namamatay. Ginagamit n'ya ang kapangyarihan ng Lacrima n'ya para gumawa ng panangga. Galit na inatake sila ni Nacario. Nagagawa pa din n'yang lumaban. “Blazing Bullets!” sumulpot si Bullet sa kung saan at pinaulanan s'ya ng mga bala. Sa pinag-samang short range at long range na laban ay wala s'yang nagawa kundi harangan nalang ang mga atake nila. “Now Hunter.” Lumingon ako kay Hacker. Abala si Nacario sa pagiwas ng atake ni Boss at Bullet, eto na ang pagkakataon ko. Hawak ang dagger ay tumalon ako mula sa puno, sakto nasa malapit na ng puno si Nacario. Tinaas ko ang dagger at buong lakas na binaon sa bungo n'ya, tumalsik ang dugo n'ya sa pisngi ko. Bumagsak na s'ya sa lupa kasama ako na nasa itaas n'ya, hawak-hawak ang naka saksak na dagger.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD