Hinatid namin ni Susan si Moira sa labas,ramdam ko ang lungkot na dinadala niya dahil sa trato ni kuya sa kanya,Hindi ko naman madidiktahan ang kanyang puso. Gusto ko na sanang ipagtapat sa kanya ang totoo kanina pero nag aalangan ako,mas mabuting kausapin ko muna si kuya bago ako padalos dalos ng desisyon. Nagdaan pa ang ilang araw naging mas kasundo ko pa si Susan,napakalinis kasi niya sa paligid bagay na minsan hindi ko kayang gawin,gumaan ang trabaho ko mula ng dito ko siya pinatira,binilhan ko rin siya ng ibang gamit at ikinatuwa talaga niya ito. Isang araw dumating si George binisita ako,nagtaka pa siya kung bakit may kasama ako sa bahay,nakalimutan ko palang sabihin sa kanya ang tungkol sa kapatid ko. "Nag aaral ba siya Lily?" tanong niya tungkol sa aking kapatid,nasa labas kasi

