Nalaman ni George ang lihim namin ni kuya at tulad ni Moira kulang na lang isumpa niya din kami. "Hindi ako makapaniwala na nagawa niyo ang ganyang bagay sa itinuring mong kapatid Lily!" asik ni George palakad lakad na nakatayo lamang hawak ang kanyang sintido. Nandito kaming dalawa ngayon sa parke,dito ko siya gustong kausapin ng masinsinan mula ng nalaman niya ang tunay na namamagitan sa amin ni kuya,tinawagan agad siya ni Moira at ipinagtapat sa kanya ang nakita niya sa amin sa condo. "why Lily?bakit sa kuya Gred mo pa!hindi na ba kayo nahiya,naging magkapatid kayo! kaya pala ultimo halikan kita ilag na ilag ka sa akin yun pala nilaspag ka na ng kinikilala mong kapatid!" sigaw niya habang nakayuko lamang ako na nakikinig sa kanyang mga sentimento. "Huwag ka namang magsalita ng ganya

