Isinama ko si Moira sa bahay ni Mang Orlan,kung iisipin tulad ko may karapatan din siyang malaman ang totoo,ngunit ayoko din namang pangunahan ang desisyon niya. Pagkarating namin nagtaka pa siya sa binaybay naming maliit na eskinita,alam kong pinalaki si Moira ng ina niya na hindi nahihirapan,base na din sa kwento noon ni Kuya Gred,nakapag asawa daw ng mayamang foreigner yung ina niya sa Dubai kaya lumaking marangya ang pamumuhay ni Moira. Ngunit tulad ko karapatan din niyang malaman ang tunay niyang ama nasa sa kanya na yun kung kikilalanin ba niya si Mang Orlan o hindi. " Susan happy birthday" bati ko s aking kapatid,walang pagsidlan ang tuwa niya sa mga binigay ko niyakap pa niya ako ng mahigpit. "salamat ate" tuwa niyang sabi Pinaupo kami ni Mang Orlan at pinakilala ko sa kanya s

