Tahimik na ang paligid sa bahay ni Mang Orlan,pumayag na lang ako na dito na lng muna mgpalipas ng gabi tinawagan ko na lang ang amo ko na na sa tanghali na lang ako papasok. Maaliwalas ang gabi kaya na engganyo akong dito muna sa labas at mgpahangin. "Hindi ka pa ba inaantok" boses ni Mang Orlan gising pa rin pala siya. "Sanay po kasi akong hatinggabi na halos natutulog" saad ko sa kanya,lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. "pasensya ka na sa bahay ko heto lang kasi ang nakayanan ko" nginitian ko lang siya at inabutan niya ako ng meryenda. "kung hindi mo mamasamain itatanong ko lang kung ano ang kinamatay ni Ara at kung kilala mo ba si Via yung tomboy na kinakasama niya" "namatay po siya sa sakit sa matris malala na po kaya hindi po agad nalunasan" ikli kong sagot sa kanya "na

