Maaga akong pumunta sa Jewelry shop para magbigay ng resignation letter kay Mr.Guevarra,nakapagpasya na ako na maghahanap ng ibang mapagtatrabahuan,hindi ko talaga masisikmura ang ugali nito. "so you're filing a resignation letter for a nonsense issue?" panghahamon niyang tanong,kung para sa kanya walang kabuluhan ang naging usapan namin kahapon tungkol sa ugnayan namin ni kuya pwes sa akin ay mahalagang issue yun at ayokong ipagsiksikan pa nila na magkapatid kami ni kuya. "ayoko ng mapahaba pa ang usapan natin Mr.Guevarra pinal na ang aking desisyon at sana iyo itong pahintulutan para makapagsimula agad akong maghanap ng ibang trabaho" taas noo ko siyang pinakiusapan,tumitig lang siya sa akin at itinapon ang aking resignation letter. "bakit nyo tinapon Mr.Guevarra?" pagtataka ko "I re

