Pinilit kong maging normal ang aking buhay sa kabila ng sakit at pighati na aking naramdaman sa mga nakalipas na araw,ilang beses din akong tinawagan ni kuya ngunit wala akong interes na sagutin ang kanyang mga tawag,hindi ko alam kung saan niya nakuha ang aking bagong numero pero may duda ako na tinawagan niya si Susan upang hingiin ito. May araw din na nagagawi siya sa aking inuupahang bahay pero hindi ako lumalabas,pagkatapos ng aking trabaho umuuwi agad ako at nagkukulong sa loob,nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay,ang pagkakaroon ng amnesia ni kuya ang nagsilbing dagok sa aking buhay. Ang makita siyang masaya kasama si Moira ay parang binibiyak ang aking puso.Walang ideya si kuya sa tunay na nararamdaman ko ang akala lamang niya,tampuhan lng ng isang bunsong kapatid na nabigla sa

