Dumating ang bisperas ng kasal nina kuya at Moira mas inabala ko pa ang aking isipan,nabalitaan ko rin na dumating na si Mama Via nung isang araw galing States para sa gaganapin na kasalan.Gusto ko mang makita si Mama pero ang isipin na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin kami mapapatawad ay baka mas lalo pa akong masaktan. Nawala na ng tuluyan sa akin si kuya Gred siguro tadhana na rin ang nagdesisyon sa lahat na tapos na ang ugnayan ko sa kanila,at ipagpatuloy ang aking buhay sa hinaharap. Buong puso kong tinanggap na hanggang doon na lang kaming dalawa nawa'y maging maligaya siya sa piling ng aking kapatid. Kung babalik man ang kanyang memorya,magiging alaala na lang ako sa kanya,siguro may mga bagay na hindi mo talaga mapipilit.At ang naging karanasan ko sa kanya ay ililibing ko na

