SAKTONG ala una ng madaling araw natapos si Goddy sa ginagawa. Inayos niya muna ang ipe-present kay Halina na mockup bago ito ginising. Subalit paghawak niya sa balikat para gisingin ito, init ng katawan nito ang naramdaman niya. Kinapa pa niya ang noo nito, talagang mainit ito.
Mabilis na iginiya ni Goddy ang sarili patayo at kinuha niya muna ang thermometer niya na nasa kabilang silid. Binalikan niya ito nang malinis iyon. Siyempre, hindi basta-basta si Halina kaya kailangan niyang linisin iyon. Saka may lagnat ang kapatid nakaraan at iyon ang ginamit niya rin para malaman ang temperature nito.
“Halina. Gising. May lagnat ka yata.” Sinabayan niya nang mahinang tampal rito, pero hindi nagising. Gumalaw lang ito. Niyakap din nito ang sarili kaya napatingin siya sa aircon niya. Pinatay na lang niya iyon at binuksan ang electric fan.
“Halina…” gising niya ulit rito. Sa pagkakataong iyon, nagmulat ito ng mata. Saglit na nagtama ang paningin nila. Kita sa mga mata nito ang kapungayan, marahil sa nararamdaman nito na init at kulang sa tulog.
“G-Goddy.” Inilinga nito ang mata. Napaupo ito nang mapagtanto nitong wala ito sa silid nito. “Where am I?” anito sa namamaos na boses. Naupo din ito kaya inalalayan niya.
“Nasa silid kita. Inilipat kita kanina nang makatulog ka. Kakatapos ko lang ng pinapagawa mo. Pero nang gisingin kita, mainit ka. Mukhang may lagnat ka yata.”
Mabilis ang pagkapa nito sa leeg nito at noo nito. Pero halata na sa bibig nito ang panunuyo.
“N-naambunan kasi ako kanina sa labas.”
Napatitig siya rito. “‘Wag mong sabihing kanina pa sa labas? Mga 7pm?” Umulan kanina
Kinagat nito ang labi. Nakaramdam siya nang inis pero biglang napokus sa pagkagay nito ng labi.
“B-bakit hindi ka nag-doorbell kaagad? Tingna mo, o, nilagnat ka.”
“S-sandali lang naman iyon, e.” Muli itong nagkagat labi. Nakita niya ang pamumuti pero nang pumula iyon dahil binitawan nito, napalunok siya.
“Kahit na. May meeting ka pa naman yata mamaya.”
“Y-yeah, meron. Pero baka dahil sa kakulangan ng tulog kaya ako mainit.” Nagbaba ito nang tingin pagkuwa’y tumingin sa kanya. “S-sa totoo lang, inabot ako ng umaga kakagawa no’n. Hindi ko rin nagustuhan, kaya lumapit ako sa ‘yo.”
“Ano ba ‘yan!” aniya.
“So, tapos mo na? Patingin nga.” Akmang tatayo si Halina nang pigilan niya.
“Dadalhin ko na lang dito, ma’am.” Inabot niya ang thermometer dito. “Paki-check na lang din muna ng temperature mo.”
Kinuha naman ni Halina ang binigay niya at inilagay nito sa kilikili nito. Pagbalik niya, nakatitig na ito doon.
“38.5. Mataas na ba ‘yon?” anitong nakatingala sa kanya.
“Possible pang tumaas ‘yan, ma’am. Kaya dapat makainom ka na ng gamot.” Inlapag niya ang laptop paharap dito. Nakabukas na rin ang mockup at ang mismong design niya. “Labas lang ho ako. Naubos na kasi ang stock ko na gamot. Ibibili na lang po kita.”
“S-salamat, Goddy. Kaso nasa kotse ko pala ang bag ko. Nandoon ang card ko.”
“Ma’am, maliit na pharmacy lang po ang malapit dito. Cash po ang binabayad namin. Medyo malayo din itong bahay namin sa MD pharmacy, e. Kaya ako na lang po muna ang sasagot.”
“B-bayaran na lang kita bukas.”
Tumango ito sa kanya.
Tatalikod sana siya nang may maalala. “Kailangan mo rin pong kumain. Ano po ang gusto niyo? May bukas pa naman pong food chain na malapit.”
“Lugaw with egg, then may garlic. Meron kaya dyan? Or Mami? Bulalo? Or something may sabaw?”
Natigilan siya sa tanong nito. Merong malapit na JB at CK dyan sa labasan. Doon sana siya bibili dahil 24 hours na bukas ang mga ito. At iyon lang ang pwedeng maibili niya na medyo papasok sa taste nito. Pero hindi naman niya akalaing kumakain ito ng mga ganyang klaseng pagkain.
“Kumakain ka ho niyan, ma’am?”
Saglit itong natigilan. “You think maarte ako sa pagkain?”
Hindi siya nakaimik. Mismo kasi ang sagot sa tanong nito.
Kita niya ang pagngiti nito pero sa mapakla lang. “You really don’t know me, Mr. Vásquez.”
Ngumiti siya rito pagkuwa’y tumango. “Sorry po.” Talagang hindi niya ito kilala. Ang ibig niyang sabihin, tungkol sa mga ayaw at gusto nito bilang si Halina. Pero sa trabaho, kilala na niya ito.
“Marami hong nagtitinda niyan. Bili na lang po kita.”
Tumango si Halina sa kanya.
Lumapit siya sa tokador niya at humila ng jacket na may hood. Hindi na kasi siya magdadala ng payong kaya ganito ang sinusuot niya kapag lalabas ng mga ganitong oras.
Iniwan niya ang dalagang abala na sa laptop niya. Pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagyakap nito sa dalawang tuhod at pagkumot nito sa sarili. Kaya naman binilisan niya ang lakad nang lumabas.
Inuna niyang bilhin ang gamot bago pumunta sa mamihan at gotohan. May itlog din siyang binili dahil naalala niyang gusto rin nito.
Medyo nagtagal siya dahil sa pila. Inabot ng 15 minutes dahil naubusan siya ng noodles kaya hinintay pa niya. Pagbalik niya, tulog na ito at nakasandal sa headrest ng higaan niya. Bago niya ito ginising, inilagay niya muna sa stool na dalawa ang goto at mami. Sinamahan na rin niya ng tubig para makainom agad ito.
“O-okay na pala ang ginawa mo. Nai-send ko na sa email ko at kay Fanny,” anito after makailang subo ito.
Nakahinga siya nang maluwag sa narinig. “H-hindi naman yata kayo napipilitan?”
Umiling ito sa kanya. “I like the output. ‘Yon ang gusto kong i-submit nila sa akin, pero hindi ko nagustuhan, kaya nagpapasalamat ako nang malaki.”
“Welcome ho.”
Hindi niya maiwasang mapaawng ng labi nang maubos nito ang mami na binili niya. At simple nitong tinapos iyon kaya napahanga siya nito. May ganitong side din pala si Halina.
After nitong kumain ay pinainom niya ito ng gamot.
“I have to go na. Nakakaabala na ako sa ‘yo.”
“Mamaya na ho kayo umuwi kapag bumuti na ang pakiramdam niyo. Baka mapano po kayo sa daan.” Napatitig ito sa kanya. “Makokonsensya po ako ng labis kapag nangyaro po iyon.”
“Magpapasundo naman ako, e.”
“Gising pa ho ba driver niyo nang ganitong oras?”
Tumingin ito sa wallclock niya. “Oh, umaga na pala?”
“Opo. Kaya dito na lang ho muna kayo matulog. Gigisingin na lang po kita ng 6.” Tumingin ulit siya sa kilos nito. Nakailang haplos ito sa braso kaya talagang nilalamig ito. Kahit ang mata nito ay nagsasabi rin na masama pa rin ang pakiramdam nito. Pinipilit lang din nito pasiglahin ang boses.
Saglit na nag-isip ito bago tumango. “S-sa labas na lang ako. Nakakahiya kung hindi ka rito matutulog.”
“‘Wag mo po akong isipin, ma’am. Kahit saan po pwede ako matulog.”
“A-are you sure?”
“Yes po.”
“Thanks, Goddy. Honestly, hindi ko kaya ang bumiyahe ngayon. ” Sabay ayos nito ng kumot nito na nakabalot.