Chapter 10: Visitor

1665 Words
NAGISING si Goddy sa sunod-sunod na doorbell. Pagtingin niya sa relo ay pasado alas sais na pala. Siguradong si Sabel ang kumakatok. Tumayo si Goddy para pagbuksan ang magbabantay sa kapatid. May pasok na siya ngayon sa trabaho kaya maaga ang punta nito. Nang maalala si Halina ay tinungo niya ang silid niya, pero pagbukas niya ng pintuan, maayos na higaan ang bumungad sa kanya. Parang walang natulog doon. Ang sabi niya, gigisingin niya ito. Subalit ang nangyari naunahan siya nito nang gising. Ang tanong, okay na ba ang pakiramdam nito? Three minutes bago mag-eight siya dumating ng opisina. Naipit siya sa traffic dahil sa aksidente ng dalawang sasakyan na sinusundan ng moto taxi na sinasakyan niya. “Mabuti pumasok ka na, Goddy. Bago umalis si Miss Fana, may inilapag sa table mo, harapin mo raw agad. Nasa email mo raw ang instructions,” ani ng isang kasamahan niya. “Galing ho ba kay Ma’am HH ang gagawin ko?” “Parang. Kasi si Irma naghahatid kapag sa amin, e.” Tumango siya sa kasamahan bago tinungo ang opisina. Apat na folder ang nakita niyang nakalatag. Inisa-isa niya tingnan iyon. Para nga sa kanya, may note na ni Halina na for him. Namalayan ni Goddy na nakaingiti siya nang mabasa ang note nito. Mukhang malaki ang naitulong ng nangyari kagabi. Sa tingin niya, ito na ang simula ng lahat— ang simula ng kanilang pagkakamabutihan. Bandang tanghali nang matapos niya ang dalawa. Hindi siya nagmiryenda para matapos ang pangalawang design. Wala namang nakalagay na urgent pero gusto niya pa ring tapusin. “Wala pa rin sila Ma’am?” tanong niya kay Irma nang dumaan sa opisina nila Halina. Tanghaling tapat na noon at naka-break. Gusto lang niyang kumustahin ang pakiramdam nito. “Wala pa yata. Bakit?” “Um, wala naman.” “May itatanong ka ba tungkol sa ginagawa mo? Kapag meron, email mo na lang si Fana.” Sa narinig, nagka-ideya si Goddy. Bago siya kumain ng tanghalian ay nagpadala siya ng email kay Halina. Nasa sent items ng email niya ang email ng dalaga. Habang kumakain ay nakaabang siya sa inbox niya. Inaantay niyang mag-reply ang dalaga pero wala siyang natanggap. Nakaramdam ng lungkot si Goddy. Kaya naman inabot yata ng tatlong oras ang pangatlo niya. Pero nang mapagtantong bumagal siya ay binalik niya ang sarili sa ginagawa at saglit na winaglit sa isipan si Halina. Natapos naman niya pero may isa pa. Mabuti na lang at walang dumating na Halina. Sa bahay na lang niya siguro tatapusin. Kaya naman ini-scan niya ang file na iyon at sinend sa email niya para sa bahay na lang ipagpatuloy. Habang nasa biyahe siya, panay pa rin ang check niya sa email niya, hoping na mag-reply ito sa kanya. Ilang beses na tinampal niya ang noo. Bakit nga ba kasi iniisip niya ang reply ng dalaga? PAGAL ang katawan ni Halina nang makauwi siya sa condo niya. Maaga namang natapos ang meeting niya with their client, pero hindi pa siya magaling kaya talagang ganoon ang pakiramdam niya. Nakasanayan na niyang tumingin ng email kaya nagbukas siya. Natigilan siya nang mabasa ang email mula kay Goddy. Nangungumusta ito sa kanya. Kung okay na raw ba ang pakiramdam niya. Kung nakainom daw ba siya ng gamot. Bakit ba nito tinatanong? Binigyan ba niya ito ng prebelihiyo na mag-alala sa kanya? Hindi porket lumapit siya rito ay magiging casual na siya rito. No. As per his request, maging professional siya. Ginawa naman na niya. Binalik niya rito ang mga task naman talaga nito. Hanggang doon lang ang kaya niyang ibigay. Alam na niya ang hangganan niya. Binura niya ang mga messages nito at pumikit na. Saglit lang yata siyang ganoon bago hinayon ng antok. Dahil nakalimutan niyang uminom ng gamot ay mainit pa rin siya nang magising siya. Kaya nagpasya siyang hindi na pumasok nang araw na iyon. Nasa sala siya noon nang makatanggap ng tawag mula sa unknown number. Dahil hindi naman naka-save, hindi na niya pinansin. Maghapon siyang nagpahinga sa silid after niya sa sala. Nalaman na ng Mommy niya na hindi siya pumasok kaya nagsabi itong dadalaw mamaya sa kanya. Sinamantala na niyang magpaluto nga ng ulam niya. Gusto niyang masabaw ngayon dahil nahihirapan siyang lumunok. Minsan lang siya tamaan ng lagnat pero grabe ang epekto sa kanya. Mukhang hindi siya makakapasok bukas na naman. Rush hour nang bumiyahe ang inang si Ayeisha kaya pasado alas siyete na ito nakarating sa condo niya. “After mong kumain, uminom ka ng gamot, huh? Kapag hindi pa rin gumaling ‘yan, aba’y magpadala ka na sa ospital. Baka iba na ‘yan,” anito. Tinatanggal nito ang mga dalang tupperware sa basket na bitbit ng isang kasambahay nilang kasama rin pala nito. “Yes, Mom!” aniya mula sa sala. Naghihintay siya ng pagkaing ihahanda nito. Akmang ililipat niya ang pinapanood nang makarinig ng doorbell. “Ako na niyan, anak! Maupo ka lang!” “Sige po.” Wala siyang dalang phone sa sala kaya hindi niya makita ang naroon. “May inaasahan ka bang bisita?” tanong ng ina nang dumaan sa sala. “Wala po.” Binalik niya ang tingin sa TV. May series siyang pinapanood kaya hindi na niya narinig ang sinasabi ng ina. Nasa exciting part na siya kaya nakatutok na siya roon. “Halika, pasok ka, Goddy.” Nang marinig ang pangalan na iyon ay napatingin siya bandang pintuan. “Mommy!” aniyang siya lang ang nakakarinig. Tatayo sana siya para pumasok sa kwarto nang tawagin siya ng ina. “Halina, may bisita ka, o.” Napapikit muna siya bago bumaling sa mga ito. Mapaklang ngiti ang binigay niya sa mga ito. “Maupo ka muna dyan, hijo at ihahanda lang namin ang pagkain na dala namin.” “Sige po, Ma’am,” magalang na sabi nito sa ina niya. Kanina, walang bitbit ang ina nang puntahan ang pintuan, pero ngayon meron na. Dahil naka-paper bag, hindi niya alam kung ano ang laman niyon. “Magandang gabi po, Ma’am,” magalang na bati ni Goddy sa kanya. “Anong ginagawa mo rito?” mahinang tanong niya. Baka kasi marinig siya ng ina. “Dinadalaw ka po. Isa ako sa dahilan kung bakit hindi ka nakapasok ngayon, kaya nakokonsensya po ako,” paliwanag naman nito. “What? No! Hindi nga ikaw ang may kasalanan, ako. Ang kulit naman!” Bahagyang napataas ang boses niya kaya napatakip siya ng bibig. Sasagot sana si Goddy nang biglang sumulpot ang ina. “Anong binubulong-bulong niyo dalawa, huh?” Maganda ang ngiti ng ina. “W-wala po, Ma’am.” “Call me Tita Ayeisha na lang. Okay?” “Ho?” “‘Di ba, boyfriend ka ng anak ko? Kaya—” “Mommy!” biglang putol niya sa sasabihin ng ina. “He’s not my boyfriend, Mom. Okay? Empleyado ko siya,” pagtatama niya. “O-oho. Empleyado lang po niya ako, ma’am.” “Ay, sayang naman pala.” Naupo ang ina sa tapat ni Goddy. “Pero may girlfriend ka? Asawa?” excited na taong ng ina. “Mom stop it. Please?” “‘To naman, nagtatanong lang naman ako. Hindi naman masama, hijo, ‘di ba?” “H-hindi naman po.” Ngumiti si Goddy sa kanya. “Mabuti naman. Pagpasensyahan mo na ako, huh? Ikaw lang kasi ang kauna-unahang lalaki na dumalaw sa kanya. Kapag may sakit siya, sinasarili lang niya. Nagmumukmok siya rito.” “Gutom na po ako, Mom. Please?” may halong pagbabanta ang tingin niya rito. Feeling walang alam ang ina sa nakaraan nila ni Goddy. Eh, halos ma-memorize na nito ang mga kwento ng kakambal. Nang mapag-isa sila ay hinarap niya ito nang maayos. “Salamat sa dalaw, Mr. Vasquez, pero makakuwi ka na. Naghihintay na sa ‘yo ang kapatid mo siguro.” “Nandoon naman ang bantay niya. At natawagan ko siya kaya walang problema.” “P-pero hindi pwedeng magtagal ka rito!” Saglit na tintigan siya ni Goddy. “Paano ba ‘yan, naka-oo na ako sa imbitasyon ng Mommy mo?” “Eh ‘di, bawiin mo! Simple lang naman ng problema natin!” “Pero ayokong mabastos ang Mommy mo. Ang bait-bait niya kaya.” “Goddy!” “Halika na kayong dalawa. Tama na ang bulungan na ‘yan!” dinig niyang sambit ng ina na ikinakapa niya sa ulo. Seryoso? Inimbitahan ito ng ina? Feeling ni Halina, babalik ang lagnat niya sa inis. Kasi naman habang nasa hapag sila, parang wala lang sila ni Manang habang nag-uusap ang dalawa. My God! Kung ano-anong tanong ang inilabas ng bibig ng ina. “Alam mo, itong dalaga ko, hanggang ngayon wala pang pinapakilala sa amin na lalaki. Bakit nga ba, anak?” Tumingin siya sa ina. Akmang ma-make face siya nang tumingin sa kanya si Goddy. Napilitang ibalik niya ang tingin sa kinakain at hindi na sinagot ang ina. “Anak, hindi mo pa ako sinasagot.” “A-akala ko po may asawa na si Ma’am Halina.” Nabigla siya sa sinagot ni Goddy. Napalakas pa nga ang paglapag niya ng tinidor. “Asawa?” Hindi niya akalaing matatandaan nito ang mga sinabi niya. Tumingin siya sa ina na titig na titig sa kanya. “Totoo ba iyon, anak? Bakit hindi mo sinabi? Nasaan siya? Kailan kayo ikinasal?” “Mom, let’s talk later. Okay po? For now, kumain muna tayo.” Binilisan niya ang pagkain at pumasok sa loob ng silid. Bakit naman kasi narito si Goddy?! Ah! Panira ito ng gabi niya. Bukas nga kausapin niya ito. Hindi ito pwedeng pumunta sa condo niya basta-basta. Kung wala lang ang ina, baka kanina pa niya ito natarayan at napaalis. Para sa kaalaman nito, hindi pa sila okay! Hindi iyon ganoon kadali! Kahit na sabihing naging mabait siya nakaraan, hindi pa rin iyon nakabawas.. Saka bayad na niya ang serbisyo nito. Naipasa na niya sa HR ang pasok nito nang gabing iyon. Kaya hindi dapat feeling close si Goddy! God!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD