Chapter 15: Her Driver

2360 Words
“UWI na po kami, Miss Halina,” paalam ni Fanny sa kanya pagkalabas nito at ng kapatid nito sa silid niya. Tumango siya rito. Sa sobrang inis kanina ni Halina ay tinawagan niya ang secretary para humingi nang tulong. Basta inniwan niya lang ito sa banyo niya kanina matapos siyang halikan nito. Mukhang hindi yata nagising sa sampal niya dahil nakatitig lang sa kanya na parang tuod. Sa takot na maulit ang ginawa nito ay humingi na siya nang saklolo. “Wala ka ba talagang alam ng bagong address niya?” tanong niya. “Wala po, e. Pero hayaan niyo po, pagpasok niya, kukunin k ho agad.” “Please lang.” “Sige ho.” Hinatid niya ang magkapatid sa labas ng unit niya. Dapat sa labas niya papatulugin si Goddy, kaso baka biglang may dumalaw, makita ito. Mas maigi nang nasa loob ito. At kaya rin niya pinasama ang kapatid nitong lalaki para makatulong sa pagbihis. Ayaw na niyang hawakan talaga kasi ito. Sa sala niya siya natulog. Pinagdikit pa niya ang dalawang sofang mahaba. Mahaba pa naman ang biyas niya, iniisip niyang baka mangalay siya. Nakahiga na siya lahat-lahat pero hindi pa rin siya makatulog. Kanina pa bumabagabag sa isipan niya ang ginawa ni Goddy sa kanya. Kung hindi pa niya na-control ang sarili, baka natugon niya ang halik nito. Walang ibang lalaking nangahas na halikan siya kung hindi si Goddy lang, gayon na lang ang takot niya kanina. Takot siyang baka mahulog na naman sa kumunoy. Sana lumayo na ito sa kanya dahil hindi niya alam kung hanggang saan ang pagpipigil niya sa sarili. Aminado siyang hindi pa heal ang puso niya sa pagkabigo noon. Nang makita ulit ito, parang bumalik lang ang lahat. Parang kahapon nga lang, kaya nahihirapan siyang pakisamahan ito. Ayaw na niyang masaktan ulit. Nagising siya kinabukasan nang maramdaman ang pag-angat. Gusto niyang magmulat pero biglang pumasok sa isipan niya si Goddy. Nasa condo niya nga pala ito. Ramdam ni Halina ang mabangong hiningang tumatama sa kanya kaya napalunok siya. Mukhang bagong toothbrush ang binata. Aba’t feel at home, a! Amoy body wash niya rin. Baka naligo ulit ang loko! Naramdaman niya ang dahan-dahan nitong hakbang. Mukhang takot na magising siya. Rinig niya rin ang pagbukas nito ng pinto kaya alam niyang pumasok sila sa silid niya. Mayamaya lang ay dahan-dahan itong sumampa sa kama at inilapag siya. Inayos pa nito ang unan at buhok niya. “S-sorry ulit, ma’am. Hindi na mauulit,” dinig niyang sambit nito bago ito tumayo. Hinintay niyang sumara ang pintuan bago nagmulat. Anong ibig niyang sabihin? Naalala ba nito ang ginawa nito sa kanya? Ang pagsampal niya kaya? Naalala din nito? Sa isiping iyon, medyo nakakapa siya nang hiya sa sarili. Hinayaan niyang halikan siya nito. Baka mamaya isipin nitong may gusto pa rin siya. Nakatulog ulit siya. Nang magising siya, tanghali na. Kaya naman nagmadali siyang naligo para pumasok sa opisina. Kasalanan ito ni Goddy, e. ILANG beses na tumawag si Goddy kay Irma kung dumating na ba ang boss nila, subalit wala pa raw ito. Kasalanan niya ito. Mukhang naistorbo niya ito kagabi. Nagulat na lang siya nang magising na nasa silid nito at ibang damit na ang suot. “Tang’na,” mura niya. Siya ba ang nagbihis sa akin? Sila ang naman ni Halina ang nandoon sa condo nito. Kaya nakakahiya siya! Hindi na siya magulat kapag pinatawag siya nito at ipabalik. Bakit ba kasi uminom siya nang ganoon karami? Hinilot niya ang ulo niya. Masakit pa rin atalaga. Hindi na siya iinom. Wala siyang maalala sa ginawa kagabi. Kung paano ba nakapunta sa condo ng boss. Pero hindi maalis sa isipan niya ang panaginip niya. Hinalikan niya si Halina! At ang nakakainis hindi mawala sa isipan niya ang pagkabitin. Kahit na anong piga niya sa isipan niya, hanggang doon lang ang naalala niya. Baka dahil sa biglang pagpasok ng isang scene sa panaginip niya. Para siyang sinampal! Tumayo siya na bitbit ang mug. Pumunta siya sa pantry para kumuha ng kape ulit. Naka dalawang tasa na siya pero inaantok pa rin siya. Pagbalik niya ay nakasalubong niya si Irma. “Kakarating lang ni HH,” paalam nito sa kanya. Alangang ngumiti siya rito. Nakaramdam din siya nang nerbyus. Mukhang kailangan niyang ihanda ang sarili. Anytime baka ipatawag siya nito. Bandang alas tres ng hapon nang magpatawag ng meeting si HH. Kasama siya kaya hindi niya alam kung anong mukha ang ihaharap dito. Walang ginawa si Goddy kung hindi ang tingnan si Halina. Seryoso itong nakikinig sa production manager habang nagpe-present ng mga finished product na susuotin ng mga model nila sa darating na appointment ng mga ito sa UMB. Hindi niya maiwasang mapalunok nang basain nito ang labi pagkuwa’y nilaro ang ibabang bahagi. Ang sexy nitong tingnan. Biglang sulpot naman sa balintataw niya ang namagitang halik sa kanila ni Halina sa kanyang panaginip. Parang totoo talaga. Napakapa siya sa pagitan ng hita niya nang maramdaman ang bukol doon. Mabuti na lang at naitago ng mesa iyon. “Sh*t!” Hindi niya namalayang naisatinig niya. Halos lahat ng mga naroon kasama si Halina ay napatingin sa kanya. “Is there a problem, Mr. Vasquez?” tanong ng boss. “W-wala po, Ma’am. Nakagat ko lang ho ang dila ko.” Umiling si Halina at ibinalik ang tingin sa nagsasalita. Tinuon na lang ni Goddy ang atensyon sa nagsasalita. Pero saglit lang iyon. Nang makita ang dalagang umiinom ng tubig ay napatitig na naman siya rito. Napahilot si Goddy sa ulo nang mapagtanto na naman ang ginawang pagtitig sa dalaga. Ano bang nangyayari sa kanya? Para kay Goddy, parang kalbaryo ang dinadanas niya. Kasi naman ng mga sumunod na araw para siyang naglilihi. Gusto niyang nakikita lagi ang dalaga. Kaya ang ginagawa niya, sumisilip siya sa department nito makita lang ito. Minamadali niya ang gawa para lang mabakante at makasilip. “Irma, may asawa na ba si Ma’am?” “Um, parang wala, e. Kahit nga boyfriend parang wala.” Natigilan si Goddy. So, nagsinungaling lang ito sa kanila ng Mommy niya? “Eh ‘yong lalaking bumuhat sa kanya nang mangyari ang insidente sa elevator, sino siya?” “First time ko lang din siya nakita. Kahit si Ma’am Fanny. Pero ang sabi, ang lalaking iyon ang tinawagan ni Ma’am nang mangyari iyon. I think special siya kay Ma’am.” Naikuyom niya bigla ang kamao sa narinig. Kung ganoon, ang pinapakita nito sa kanya, totoo. ‘Yong parang walang pakialam sa presensya niya. Ang pagiging civil nito sa kanya. Naalala niya, kumanta ang lalaking iyon sa stage at inalay nito kay Halina. Kita niya rin kung paano ngumiti ang dalaga sa lalaking iyon. Huli niyang nakita iyon, noong panahong patay na patay sa kanya. Naka-move on na siguro sa kanya si Halina. Kasi kung hindi, mabilis itong lalambot sa kanya. Hindi maintindihan ni Goddy ang sarili. Was he starting to fall for Halina? Napasandal si Goddy sa swivel chair niya. Eh ‘di, parang kinain niya rin ang sinabi niya rito noon. Napatingin siya sa pintuan ng opisina niya nang sumilip si Bobbet. “Good news, nakuha natin ang UMB! At mamayang gabi magce-celebrate tayo!” “Wow!” Hindi makapaniwalang sambit niya nang marinig ang sinabi ng kasamahan. Tumayo siya at nilapitan si Bobbet at binati ito. Rinig na niya ang masayang mga tinig ng buong design team sa labas. Hindi lang kasi dahil sa pagkakuha nila sa UMB ang dapat i-celebrate, dahil may early bonus raw next month kapag nakuha nga ang UMB. Gaya nga ng sinabi ni Bobbet, may company dinner sila. Sa isang sikat na kainan pa. Sa tingin niya nirentahan ng A&K ang itaas na bahagi dahil halos mga kasamahan niya sa trabaho ang mga nakita. “Nagse-serve din sila ng alak dito?” tanong niya nang marinig ang sinabi ng kasamahan na exited ito sa alak. “Oo. Pero may limit naman.” Nakahinga nang maluwag si Goddy. Ayaw na niyang uminom dahil baka magulat siya, nasa silid na naman ni Halina. Mas lalo ngayon na laging laman ito ng isipan niya. Ang buong akala ni Goddy, sila lang ang magce-celebrate, nagulat siya nang ianunsyo ni Irma ang presensya ng boss. Na-busy siya sa pakikipag-usap kay Yana na nasa tabi niya. Dahil sa tabi niya ang may bakante, ini-expect niyang doon uupo ang dalaga. Pero nang magtayuan ang mga kasamahan para mag-adjust ay nakaramdam siya nang lungkot. Ang layo na tuloy nito sa kanya. Lahat sila nagsitayuan nang sabihin ni Fanny na mag-toast, at pinangunahan iyon ni Halina. Nagbigay ito ng mensahe at anunsyo tungkol sa pangako nito na ikinatuwa ng mga kasamahan niya. Halos lahat ay nginitian nito maliban sa kanya kaya nadismaya si Goddy. Mukhang wala ng pag-asa na magkaayos talaga sila. Tahimik siya hanggang sa matapos ang kainan. Halata ang saya sa mukha ng mga kasamahan maliban sa kanya. NAKARAMDAM si Halina ng naiihi kaya nagpaalam siya kay Fanny. Aalis na rin siya mayamaya. Hindi naman kasi talaga siya nagtatagal kapag ganitong company dinner. Dati pa naman kaya hindi na magtataka ang mga empleyado niya. Hindi pa man siya nakakarating sa banyo nang matanaw ang isang babaeng naghihintay sa labas ng banyo. Pati pala mula sa first floor gumagamit ng banyo sa second floor? Hindi ba dapat hindi na? Pina-reserv na niya ang buong second floor para sa kanila. Napatingin sa kanya ang babae nang tumapat siya sa pintuan. Akmang bubuksan niya iyon nang magsalita ito. “Hindi porket mayaman ka uunahan mo ako sa pila,” Napaangat siya ng kilay, pero ngumiti rin siya kapagkuwan nang mapakla. “If I remember, binayaran ko ang buong floor na ito para sa amin. Para solo namin ang area. Kaya bakit ako pipila?” Natawa nang pagak ang babae. Pinakatitigan niya ito. Ewan. Pero parang nakita na niya ang babaeng ito. Hindi niya alam kung saan. “Hindi ka pa rin nagbabago, Halina Hernandez. Feeling Dyosa ka pa rin. Lamang sa lahat. Dyosa na dapat sundin agad ng lahat. Feeling perfect.” Napaawang na siya ng labi dito. “Pati ba naman sa labas ng kumpanya mo, ganyan ka?” Tumawa ito. “Hindi na ako magtatakang walang magkakagusto sa ugali mo.” “S-sino ka?” tanong niya. Iniisip niya kung saan ba ito nakita. “My God. Ang bilis mo namang makalimot. Ako ‘to, Ma’am Halina. Ang lumuhod at humalik sa paa mo para lang hindi matanggal sa trabaho.” “Gayle?” Tumawa ang babae. “So, hindi lang pala ako ang nagmakaawa sa ‘yo? Ilan na, Miss Halina? Marami na ba?” Humakbang ito palapit sa kanya kaya napaatras siya. Hndi niya talaga matandaan ang pangalan nito. Kilala niya ang mukha ni Gayle at ang huling pinaalis niya. Kaya nasisiguro niyang dati pa niyang napatanggal ito. Nakaramdam siya nang takot nang bigla itong naglabas ng kutsilyo at tinutok sa kanya. Dahil wala na siyang maatrasan ay napasandal siya sa pader. “Dahil sa ‘yo, nawalan ako ng trabaho, Halina. At dahil sa ‘yo nagkandaletse-letse ang buhay ko.” Ngumisi pa ito bago humakbang. “Subukan mong saktan ako, sigurado akong sa kulungan ang bagsak mo kapag may nangyaring masama sa akin.” “Wala akong paki, Halina. Ang mahalaga, maiganti ko ang sarili ko sa ‘yo. Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito!” mariing sabi nito. Napalunok siya nang maramdaman ang malamig na bagay sa leeg niya. Bahagya rin nitong diniin kaya naramdaman niya ang tulis niyon. “Ibaba mo ang hawak mo, Miss!” Napatingin silang dalawa sa nagsalita. Nakaramdam siya nang tuwa nang makitang si Goddy iyon. “Miss,” untag ni Goddy sa babae. Kita ni Halina ang pamumutla ng babae nang makita si Goddy. Sa tingin niya ay may takot pa rin ito. “S-sino ka?” “Empleyado niya ako. May mga kasamahan din ako dyan. Kaya kung ako sa ‘yo, ibaba mo ang hawak mo.” Tumingin sa kanya si Goddy bago muling nagsalita. “Saka tama si Ma’am. Oras na may mangyari sa kanya, sa kulungan ang bagsak mo. At hindi mo na kailanman makikita ang mahal mo sa buhay.” Natigilan ang babae. Mukhang nag-iiisip nga ito. Pero sa pag-iisip nito bahagyang nadiin nito ang dulo ng kutsilyo kaya napadaing siya. Narinig iyon ni Goddy kaya muli itong nagsalita para pakiusapan ang babae. “May pamilya kang maiiwan, tama? Gusto mo bang makulong? Paano mo sila mabibigyan ng magandang buhay niyan? What if blessing in disguise ang pagkawala mo sa A&K kung sakali?” Mukhang malalim na ang iniisip nito. Pero hindi pa rin nito tinatanggal ang kutsilyo. “Miss,” tawag ulit ni Goddy sa babae. Sa pagkakataong iyon, bumalik naman ito sa sarili, bigla siyang tinulak ng babae sabay tutok kay Goddy ng kutsilyo kaya nakanhinga siya nang maluwag. “Umalis ka sa dadaanan ko,” utos nito. “Alis!” Akma pang sasaksakin nito si Goddy kaya napasigaw siya. “‘Wag!” Tumingin siya kay Goddy na parang ayawa umis. “Let her pass, Goddy. Please…” pakiusap niya sa binata. Mukhang madadamay pa ito dahil sa kanya. “Pero kailangan niyang—” “Goddy!” Napaatras na lang si Goddy. Sinamantala naman iyon ng babae na tumakbo papuntang hagdan. Saktong may paparating na security din noon. Dahil ayaw niyang kumalat ito ay pinababa niya ang guard. Napaupo si Halina sa sahig nang mawala ang guard. Saka lang niya napansin ang panginginig ng tuhod at ng mga kalamnan. “Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Goddy sa kanya nang daluhan siya nito. “G-gusto ko nang umuwi, Goddy,” aniya, imbes na sagutin ang tanong nito. Tumango ito sa kanya. Napakapit siya sa leeg nito nang bigla siya nitong pangkuin. Nakita naman sila ni Fanny kaya agad itong sumunod. Nang sabihin niyang bumalik ito ay bumalik din sa Fanny sa mga kasamahan nito. Muli niyang hinilig ang ulo sa dibdib ni Goddy. Mas gusto niyang pakinggan ang pagtibok niyon dahil pakiramdam niya naiibsan ang nararamdaman niyang takot. Masuyo siyang iniupo ni Goddy sa likuran. Hindi na siya nagsalita nang sabihin nitong ipagmamaneho siya nito, binigay na lang niya ang susi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD