“THANKS, TEDDY,” aniya nang maupo sa sofa niya.
Kararating lang nila. Sumandal pa siya para maipahinga ang ang likuran. Nangalay siya sa motorsiklo nito. Sanay naman siya, kaso hindi siya prepared, wala siyang jacket. Yong coat niyo, di rin nakatulong para ibalot ang sarili sa lamig. Saka parang nalasing lalo siya.
“Basta ikaw.”
“Balik ka pa ba?”
Tumingin ito sa orasan nito bago sumagot. “Yeah.”
“Ingat.”
“Thanks. ‘Wag mo na akong ihatid sa labas.”
Umikot ang mata niya. “Wala akong balak dahil ang sakit ng likod ko.”
“Motor lang ang meron ako, e. Hamo, kapag nakaipon, bibili ako.”
“May pera ka naman. Ayaw mo lang bawasan ang pera mo dahil kuripot ka kasi!”
“Patingin nga ng maraming pera na sinasabi mo,” nakamgiting sabi nito, sabay lahad nito ng kamay.
“Ako ang dapat magsabi niyan. Patingin ng bank account mo.”
“Sorry, wala rin akong bank account. Kumakayod pa lang ako para sa future natin.”
Natatawang binato niya ito ng unan na hawak. Agad namang nasalo nito.
Ang layo ng agwat nila ni Jomar. Yes, Jomar ang totoong pangalan niya, at anak siya ng Tito Owen na kaibigan ng Mommy niya sa San Remigio. Kaya hindi rin nakakapagtaka na naging close sila ni Jomar.
Kaya lang siya nito tinawag na Teddy dahil sa pagtawag nitong ‘Te’ sa kanya noon— ‘Yong pinaiksing Ate. Dahil malaking bulas ito, parang mas matanda pa ito sa kanya kaya naiilang siyang tawagin na Ate. Kaya nag-isip silang dalawa ng call sign nila, hanggang sa mauwi sa tawagang TEddy. Nagustuhan niya kaya ayon, iyon na ang tawagan nilang dalawa.
“Okay. Alis na ako. Sleepwell, Teddy.”
“Take care!”
“I will!”
Dahil siguro sa alak at pagod kaya nakatulog siya sa sofa niya. Hindi niya alam kung matagal ba siyang nakatulog doon, pero nagising siya sa sunod-sunod na doorbell.
Nawala na sa isipan niyang tingnan sa telepono ang oras at kung sino ang nasa labas. Basta-basta na lang niya iyon binuksan at tiningnan kung sino iyon. Gayon na lang ang pagkagulat niya nang makita si Goddy na nakaakbay sa lalaki. Base sa uniporme ng huli, isa itong driver ng isang transportation service.
“Haang kulit mo, Kuya. Walang doorbell sa bagong bahay ko. At… ako lang din mag-isa. Ako lang,” kausap nito sa lalaki nang mag-angat nang tingin sa driver nito.
“Dito mo ako tinuro, sir, e.” Tumingin sa kanya ang lalaki. “Kilala niyo ho ba ito, Ma’am?” tanong sa kanya ng driver.
Akmang sasagot siya nang unahan siya ni Goddy. Mapupungay din ang mga mata nito nang tumingin sa kanya.
“H-Halina?!” bulalas nito. “Ssa wakas, nakita rin kita!” Bumitaw ito sa lalaki at humakbang palapit sa kanya kaya umatras siya.
Dahil sobra ang kalasingan nito, muntik na itong matumba. Mabuti na lang at mabilis ang mga kamay ng driver.
“Ma’am, asawa niyo ho? Mukhang kailangan niya na hong mahiga. Hindi na ho kaya ng katawan niya sa sobrang kalasingan.”
“I don’t know him, Manong. Please, pakilayo ho siya rito.”
“Wow. H-hindi raw niya ako kilala, Kuya?” Tinuro din ni Goddy ang sarili nito. “Aalam mo bang mahal na mahal niya ako? ‘Di ba, Hhalina?”
Napasapo si Halina sa batok. Hindi niya akalaing ganito kadaldal itong si Goddy.
“Llagi niya akong binibigyan ng pagkain noon. Tapos—”
Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito nang takpan niya ang bibig nito.
“Pakiusap, Manong, ilayo niyo na ho siya rito.”
“Pero, Ma’am, masyado na ho niya akong naabala ngayon. Dapat bumibiyahe na ho ako ngayon. Saka mukhang magkakilala naman ho kayo. Kaya kayo na muna ang bahala sa kanya.”
Kita niya ang kaseryosohan sa mukha ng driver. Mukhang kailangang iwan nga nito si Goddy.
Biglang napayukyok si Goddy kaya inayos ito ng driver.
“P-pero hindi mo po ba pwedeng ihatid na lang siya sa bahay niya? Ibinigay ko ho ang address.”
“Sige ho, ma’am.”
Bumalik siya at sinulat ang address ni Goddy. Nasa email pa niya iyon. Naibigay na kasi dati ni Fanny sa kanya.
“Eh, ma’am, galing na ho kami rito, e. May iba na pong nakatira doon. Aba’y lumipat po pala ito. Hindi naman niya po mabigat nang maayos ang address niya sa akin kanina. Itong iyo lang po ang huli niyang binigay. Baka ito raw ang tamang address ng bahay niya.”
“Fvck you, Goddy!” biglang sambit niya sa sobrang inis.
Iinom-inom ito tapos hindi naman pala kaya?
“Paki pasok na nga lang ho,” aniyang halata ang inis.
Bumagsak si Goddy sa sofa niya. Marahil nangalay ang driver. Sa laki ba naman kasi ng binata.
“Eh, Ma’am, pwede ko rin po ba kayong singilin?”
“What? Hindi ba siya nagbayad?”
“Wala ho siyang wallet sa bulsa niya, mukhang nahulog sa bar.”
Nakapameywang na tiningnan niya si Goddy. Humihilik na ang loko.
“Magkano ho ba?”
“860 ho. Parang back and forth po kasi ang nangyari.”
“Sandali ho.” Kinuha niya ang wallet niya sa bag niyang nasa single sofa.
Napatingin siya sa driver nang wala siyang makitang cash.
“P-pwede ho bang bank to bank na lang?”
“Naku, hindi ko po kabisado acount number ko. Pero alam ko pwede po yata mag-send mula sa bank hanggang sa e-wallet.”
“Right, pwede nga po pala. Akina ho e-wallet number niyo ho.”
Pagka-send niya ng pera sa driver ay umalis din agad ito. Siya ang nahiya kaya dinagdagan na lang niya. Ginawa niyang 2k ang sinend sa driver.
Hindi niya innalis ang pameywang nang tingnan ang himbing na himbing na si Goddy. Pero imbes na magalit, natigilan siya at napatitig sa gwapong mukha nito.
“Bakit ba kasi ang gwapo mong lintik ka!” Bigla siyang tumalikod rito. Kasunod niyon ang pagtampa ni Halina ng noo. Mabuti na lang at tulog na tulog na ito.
“Goddy!” biglang sigaw niya nang maramdaman ang mainit-init na parang likido. Pagbaling niya rito, nagsusuka na pala ito.
“Oh, sh*t! Sh*t!”
At naging mapa nga ang suka ng binata sa sahig. Napakabaho rin kaya napasigaw siya ng pangalan nito.
“Goddy Vasquez!”
Nag-angat naman nang tingin ang binata. May mga suka pa sa gilid ng labi nito.
“H-Halina? Hannong ginagawa mo rito sa bahay ko? Napapatawad mo na ba ako?”
“Hindi pa! Dahil mas lumala ang galit ko sa ginawa mo sa akin ngayon!” sagot niya rito.
“S-shorrry na nga, e. Bbati na tayo, huh? Shige na,” pagmamakaawa nito sa lasing na pagkakasabi.
“Ay, ewan ko sa ’yo, Goddy!”
Akmang tatalikuran niya ito nang maabot nito ang kamay niya. Dahil sa layo ng pagitan nila, nahila siya nito na ikinabagsak niya sa binata.
Napadaing si Goddy. Dahil siguro sa bigat niya.
Naramdaman niya ang pagyakap nito sa kanya kaya nagpumiglas siya. At hindi niya akalaing siya ang makaka-jackpot sasuka nito.
Naapakan niya ang nakakadiring suka nito. Nang tingnan niya ito ay nakasandal na ito sa sofaat nakapikit.
“God! Puro talaga pahirap ang ibinibigay mo sa akin, Goddy!”
Iniwasan na niya ito after nang mangyari ang pagkahimatay niya sa elevator. Sabi niya sa sarili, hindi na magku-krus ang landas nilang daawa, pero heto, pinaglapit naman sila.
Napilitan siyang linisan ang suka nito. Masuka-suka na siya nang mailagay sa plastic ang tissue na may suka nito. Para hindi mangamoy ay binalot pa niya iyon nang dalawa. Nag-mop din siya at nag-spray ng airfreshener sa paligid.
Napasinghot siya nang muling maamoy iyon. Nang magbaba siya nang tingin, nakita niya ang nasa damit nito. May nakita rin siya sa sofa niya kaya napapikit siya.
Para mawala ang amoy ng suka nito, napilitan siyang gisingin ito at inalalayan papunta sa silid niya para makaligo ito. Mukhang iyon ang solusyon upang magising ito.
Wala siyang pakialam na mabasa siya ng tubig nang buksan ang shower. Nakasandal si Goddy sa pader tapos nakaupo. Tinapat niya ang shower head rito kaya bahagya itong nagulat. Tinakpan pa nito ang mukha nito.
Bigla siyang natawa sa reaksyon nito. Pero nang mapagtanto ang ginawa ay napaseryoso siya at hinayaan na lang na mabasa ito.
Pero hindi naman mawawala ang amoy nito kung hindi ito maliligo. Kaya naman napilitan din siyang sabunin ito.
Nakailang hagod pa lang siya ng showergel sa baikat nito nang magmulat si Goddy.
Nagtama ang kanilang paningin.
“O-o, ikaw na,” aniya at tinulak rito ang plastic bottle ng kanyang body wash.
Tatayo sana siya nang hilahin siya nito sa malakas na paraan, at sinalo naman siya ng katawan nito.
“Oh, sh*t!”
“G-Goddy, bitawan mo ako,” anas niya nang humigpit ang yakap ng binata.
Nanlaki ang mata niya nang basta na lang nitong siilin ang labi niya ng halik. Lasa niya ang hininga, alak at suka nito pero ng mga sandaling iyon hindi siya nakaramdam ng pandidiri. Marahil dahil sa kaibang init at kiliti na hatid ng halik nito.
Naging masuyo ang halik nito kaya parang nade-demonyo siyang tumugon, subalit mas lamang ang isip niya sa pagpapaalala ng mga ginawa nito sa kanya.
Dapat kamuhian at layuan niya si Goddy! Hindi dapat siya magpatalo sa tukso!
Pero bakit parang nagugustuhan niya ang halik nito?
Hindi man siya nag-response pero walang pakialam si Goddy, patuloy lang ito sa masuyong pagnamnam sa labi niya. Tinulak niya ito para lumayo ito subalit hindi nito hinayaang magtagumpay siya.
Lalong pinaglapit ni Goddy ang katawan nila kaya doon na napagtanto ni Halina na hindi na tama ang ginagawa ng binata. Kailangang tumigil na ito! Pananamantala na ito, e!
“Ano ba!” Sabay tulak rito sa malakas na pwersa.
Napalabi si Halina nang makita ang pagtaas baba ng dibdib nito nang magtagumpay siya. Hingal na hingal din ito ng mga sandaling iyon.
“A-alam kong panaginip lang ito. Sana hindi na ako magising.” Kasunod niyon ang paghapit ulit ni Goddy ng kanyang maliit na beywang.
Akala yata nito nananaginip lang ito!
Akmang hahalikan ulit siya nito nang sampalin niya ito sa malakas na paraan. Dalawang beses pa. Kaya sapo nito iyon nang titigan siya. Mukhang nahimasmasan yata ito sa ginawa nito sa kanya.