Chapter 18: You're driving me crazy

1824 Words
HINDI magawang mag-concentrate ni Halina sa trabaho dahil sa sinabi na iyon ni Goddy. Hindi niya akalaing sasabihin nito iyon nang walang pag-alinlangan. Pero sumagi sa isipan niya si Pia kaya natanong niya ito kanina. “What about Pia? Nakita ko kayo noong reunion. Ano ‘yon, wala lang iyon.” Tumitig muna ito sa kanya bago sumagot. “Matagal na kaming wala.” “Really? Gaano katagal?” Nag-isip naman ito. “Hindi ko na matandaan. Kailangan ko pa bang sabihin? Hindi ba ang mahalaga ay ang ngayon?” “Yeah. Mahalaga ang ngayon, pero hindi lang talaga ako makapaniwala, Goddy. You know. Paulit-ulit mong pinapamukha sa akin noon na si Pia ang mahal mo tapos biglang sasabihin mo na gusto mo na ako? Kinda suspicious,” “S-sorry sa mga sinabi ko noon. Aminado akong kinain ko ang lahat ng iyon. Pero hindi ko kayang pigilan ang sarili ko ngayon dahil ito ang nararamdaman ko. Nakakatawa man pero people’s change, Halina. At isa na ako doon.” “Right.” Natawa din siya nang pagak. “Nagbago nga rin ako, e. Hindi na ako patay na patay sa ‘yo.” “Okay lang. Hindi naman kita titigilan hangga’t hindi bumabalik sa akin ang nararamdaman mong iyan.” “As if magtagumpay ka,” “Ako pa ba?” Sunod-sunod na katok ni Fanny ang nagpamulat sa kanya. Pumasok ito na may bitbit na folder. “Ito na ho ang report, ma’am.” Sabay lapag nito sa folder. “Hindi pa ho kayo uuwi?” anito ulit. Tumingin siya sa wall clock. Uwian na nga pala. “Mauna ka na muna siguro.” Tumango naman ang secretary niya. “Sige ho, ma’am.” Pagtalikod ni Fanny ay saka niya binuksan ang folder. Bumungad sa kanya ang litrato ng babaeng sumugod sa kanya. Nasa baba rin ang buong pangalan nito kaya napabuntong hinninga siya. Marami na siyang pinatanggal kaya hindi niya talaga matandaan ang babaeng iyon. Harlene Kalaw pala ang buong pangalan nito. At pangalawa ito sa tinanggal niya mula nang mag-take over siya. Ang tagal na pala no’n. Mukhang buwan-buwan yata siya nitong inaabangan base sa report. Laging nahuhuli ito ng kamera sa lugar kung saan ginaganap ang kanilang company dinner. Pero ang kwento sa likod nito ay walang pinagkaiba sa mga tinanggal niya. Mababaw lang na dahilan. Kaya guilty siya roon. Wala naman siyang balak na ipakulong ito. Gusto lang niyang malaman kung ano ba ang dahilan at kung ano ba ang status nito ngayon. At housewife na lang pala ito ngayon dahil kakapanganak lang nito. Naka-dalawang kumpanya lang ito at hindi nakapagtrabaho dahil hindi raw nito natatagalan ang trabaho. At ang masaklap kinailangan nitong mag-full time sa pag-aalaga sa mga anak dahil nawalan ito ng magulang na mag-aalaga. Hindi umano kasya ang sinasahod sa mga expenses kaya hindi kayang kumuha ng magbabantay. Napaangat siya nang tingin nang may humablot sa hawak niyang folder. Hindi niya namalayang nakapasok na si Goddy. “Kanina ka pa?” “Oo. Kumatok ako ng tatlong beses bago ako pumasok.” “Ah.” “Kain tayo, sagot ko,” yakag nito. Napataas siya ng kilay. “Pumayag na ba akong i-date mo?” Sumandal pa siya. Umikot naman ito at naupo sa mesa. Bigla niyang inilayo ang sarili nang akmang ilapit nito ang mukha sa kanya. Mukhang hahalikan na naman siya. “Sabi ko, kakain lang tayo. Next time na ang date kapag sumahod na ako.” Napalunok siya. Magkaiba pa ba ’yon? Hindi ba date na ring matatawag ’yon? “Thank you pero may lakad ako.” “Oh. Okay.” Tumayo ito kaya nakahinga siya nang maluwag. Pero hindi niya akalaing hahablutin nito ang cellphone niya. “Hoy, Goddy! Ibalik mo ’yan!” sigaw niya. “Hintayin kita sa parking lot. Ako na ang magmamaneho.” Sabay layo nito papuntang pintuan. “Hindi nga ako sasama dahil may lakad ako!” sigaw niya ulit. Mabuti na lang at wala nang empleyado sa labas. Nakasara na ang mga ilaw ng mga ito. “Basta, hihintayin kita sa baba.” “Aba’t!” At tuluyan nang nawala si Goddy sa paningin niya. Naiinis siya pero hindi niya magawang magalit. May kumukontra sa kanyang isipan para gawin iyon. Mukhang matitibag ni Goddy ang harang na inilagay niya sa pagitan nilang dalawa. Natatakot siya para sa sarili. Tumayo na lang siya at kinuha ang bag para bumaba. 6:15 pa lang naman. Pero maaga ang out ng mga tauhan niya kapag walang rush. Usually, 5:30 wala na ang mga ito. Nasa parking lot nga si Goddy pagbaba niya. Masuyo itong naghihintay sa kanya habang nakasandal sa pintuan ng sasakyan. Naglahad ito ng kamay para hingin ang susi pero hindi niya binigay. Tinago niya ang kamay sa likuran. Kaya bigla na lang siyang hinapit nito. “A-anong gagawin mo?” Hindi ito sumagot, basta na lang nitong sinapo ang batok niya hinalikan nang mapusok. At nang magbitaw ito, halos mapugto ang hininga niya sa tagal niyon. Tiningnan niya ito nang masama. Talagang walang itong pinipili na lugar. Hindi niya inaasahan iyon kaya sasampalin niya sana ito. Pero mabilis nitong napigilan ang kamay niya. “How dare you?! Alam mong nasa parking lot tayo! Paano kung may makakita sa atin? At nakalimutan mo yatang boss mo ako, huh?” Nasa ere pa rin ang kamay niya, hawak nito. Inangat nito ang kabilang bahagi ng kamay na may relo. “Tapos na ang office hours kaya si Halina ka na lang sa paningin ko. Kaya tigilan mo ’yang pagsusungit dahil hindi ’yan uubra sa akin.” May sasabihin pa sana siya nang may mapagtanto. Wala na siyang hawak na susi. “A-ang susi,” aniya. “Ito ba ang hanap mo?” Sabay kapa nito sa bulsa nito at taas ng susi. “P-paanong?” Oh, matagal nga pala siyang hinalikan nito. Kaya sinamantala nito siguro iyon para kunin sa kamay niya. Pero bakit hindi niya namalayan? Nadala ba siya sa halik nito? Lumipat ito sa kabila para pagbuksan siya, sa may shotgun seat banda, pero hindi siya tuminag. Sa likuran siya sumakay para magmukhang driver ito. Ngumiti lang ito sa kanya nang makapasok siya. So, okay lang dito na magmukhang driver niya? Hindi niya ito kinibo habang nasa biyahe. Pumikit siya ng mata. Wala sa kanya ang cellphone niya kaya iyon lang ang magagawa niya ng mga oras na iyon. Napamulat at napatingin siya sa labas nang huminto sila. Kunot ang noo na tiningnan ang binata nang mapagtantong naka-park na sila. Hindi naman gano’n katagal ang biyahe nila, a. “Where are we?” tanong niya sa binatang nagtatanggal na ng seatbelt. “Nandito tayo ngayon sa labas ng apartment ko.” “Ano? Hoy, hindi ako sasama sa ’yo!” Hinarap siya nito nang tuluyang matanggal ang seatbelt nito. “Ako ang boss dito, hindi ikaw, Halina. Kaya sasama ka sa loob. Kakain tayo. I’m sure gutom ka na.” “Dito lang ako.” Sabay pikit niya. “Okay.” Narinig niya ang pagbukas ng pintuan nito. Wala siyang balak na lumabas talaga. Pero hindi niya inaasahang bubuksan nito ang pintuan sa side niya, tapos bigla siya nitong pinangko. “Ibaba mo ako, Goddy,” aniya. Hindi siya nito pinansin. Sinipa lang din nito ang pintuan para sumara. “Ibaba mo nga ako at nakakahiya!” May isa nang dumaan at tumingin sa kanila. “Ayaw ko,” “Goddy naman, e!” Tiningnan niya rin ng masama, pero hindi rin nagtagal dahil may grupo ng mga kababaihan na papadaan. Agad niyang tinakpan ang mukha dahil sa hiya. “Girlfriend mo, Goddy?” tanong ng isang may edad. “Opo. Masakit kasi ang paa kaya pinangko ko na.” “Ah, ang sweet naman.” Nang mawala ang mga tinig ng babae ay tinanggal niya iyon at tinampal sa dibdib si Goddy. Natawa lang ito. “Nakakahiya ang pinaggagawa mo sa akin, Goddy! Humanda ka sa opisina!” “Humanda ka rin pag-uwi,” Napalunok siya. “Ibaba mo na nga ako,” ani na lang niya. “Mamaya na. Hindi pa nga nakikita ng mga kapitbahay ko ang girlfriend ko.” Sinundan nito nang ngisi. Hindi niya akalaing may ganitong side pala si Goddy. Kasi naman hindi siya nito binigyan ng pagkakataon noon na makilala. Wala na lang siyang imik hanggang sa makarating sa dulo. Huminto ito at tumingin sa kanya. “Pakikapa nga, ma’am, ng susi sa bulsa ko,” utos nito. “Ibaba mo na lang kasi ako,” “Ayaw mo nga, ‘di ba?” “So, paano tayo makakapasok dyan?” “Kunin mo nga ang susi.” “Pero ang hirap nga sa posisyon ko! Kaya ibaba mo ako!” aniya. “Ginusto mong hindi bumaba kaya kayanin mo.” “Goddy!” Napatingin siya sa kabilang pinto nang may sumilip. Pero sinara din nito kaagad. “Oh, sh*t!” aniyang si Goddy lang ang nakakarinig. “Kunin mo na bago ka pa pagpiyestahan ng mga tao rito.” “Ah!” Wala siyang magawa kung hindi ang sundin na lang ito. “Pwede bang ilayo mo ako konti sa katawan mo?” Ginawa naman nito, kaya dahan-dahan niyang pinababa ang kamay. “Ahh!” Natigilan siya sa narinig mula kay Goddy. “W-walang bulsa sa gitna ko, ma’am. N-nasa kaliwa,” hirap na sambit nito. “Yeah, right!” aniya nang mapagtantong sa ilalim no’n ay zipper na ng pantalon nito. Kasi naman may paganito pa! “Wait, malapit na.” Napapangiwi siya dahil nakapasok na ang kamay niya. Nakapa na niya pero biglang bumaba pa. “B-bilis,” utos nito. Ramdam ni Halina ang pagtaas-baba ng dibdib nito kaya napaangat siya nang tingin. Mukhang nahihirapan na nga ito. Pero kasalan naman nito, e! “Got ya!” aniyang nakangiti, sabay hila ng kamay at inangat rito. Pero natigilan siya nang makitang pawis na pawis ito. Hindi ito makapagsalita kaya nginuso lang nito ang pintuan, kaya naman mabilis niyang sinuksok ang susi at binuksan iyon. Gulat si Halina nang bigla na lang sipain ng binata ang pintuan at pumasok. Ganoon din ang ginawa nito nang isara kaya napakunot siya ng noo. Halata sa kilos ni Goddy ang pagmamadali. Lalo na nang paupuin siya nito sa maliit nitong sofa. Napalunok si Halina nang makita ang paraan nang tingin ni Goddy sa kanya. “Goddy?” untag niya rito. “Kakain tayo, remember?” “Hmm,” ani lang nito. Kasunod niyon ang pag-alon ng adams apple nito. Ewan pero inaasahan na ni Halina ang gagawin nito. Kaya mabilis ang mga kamay niya na itulak ito, subalit mas mabilis ang mga kamay nito na pinalis at mariin siyang hinalikan. Sa pagkakatang ito, nahirapan siyang i-resist ang binata. Namalayan na lang niyang tinutugon ang mapusok na halik nito. “Ohh, Halina.” Sabay kiskis nito ng noo sa kanya nang bumitaw ito. “Nakakabaliw ka na,” hingal pa ring dugtong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD