bc

Kiss of the Devil-SPG

book_age18+
940
FOLLOW
8.9K
READ
dark
king
bxg
daemon
vampire
small town
another world
rebirth/reborn
virgin
vampire's pet
like
intro-logo
Blurb

A vampire's story

WARNING: Read at your own risk!

Paano kung buong buhay mo ay nabubuhay ka pala sa isang misteryong hindi mo alam kung paano makalabas? Sa isang buhay na puno ng kabbalaghan at kasamaan.

chap-preview
Free preview
Prologue
“Tama na po! Ahhh! Masakit po!” Hawak niya ang buhok ko at malakas na ipininid sa sahig. “Ayan! Kulang pa ‘yan. Bakit hindi mo na lang kaya patayin ‘yang bwesit na batang ‘yan ha?! Nang sa ganoon ay wala na tayong poproblemahin pa!” sigaw ni Tita Precy. Hinang-hina na nagtago ako sa ilalim ng lamesa at nagmamakaawa kay papa. “M-maawa po kayo sa akin,” pakiusap ko. Ngumisi lamang si Tita Precy at tiningnan si Papa. “Hoy Reynaldo! Isipin mong sobrang pobre na natin. Hindi ko na kayang mabuhay kasama ka at ang anak ng malandi mong asawa. Ang ina niyang iniwan ka at ipinagpalit sa lalaking mas mayaman at mas may sabi sa lipunan. Iniwan ka niya at hindi pa dinala ang bastarda mo. Habang siya nagpapasarap sa buhay ito naman tayo habang buhay na magtitiis sa pagpapakain sa anak mong walang kuwenta. Mag-isip ka nang maayos at talagang nanggigigil ako sa batang ‘yan,” galit niyang wika. Nanginginig ako habang nakatingin kay tatay na hindi nagsasalita. Umaasa ako na sana ay hindi na siya makinig kay Tita. “Ano na naman ‘to, Eliza?” sigaw niya sa mukha ko. Lalo akong nagtago sa ilalim ng lamesa nang makita ang galit niyang mga mata. Sa tuwing nakakainom siya o kaya ay nag-aaway sila ni Tiya ako ang pinagbubuntunan nila ng galit. Simula noong maliit pa ako hanggang ngayon. Hindi ko mawari kung bakit nila ginagawa sa akin ‘to. “P-papa, maawa kayo sa ‘kin,” mahinang saad ko. “Lumabas ka riyan,” matigas niyang sambit. Alam ko kapag lalabas ako ay mabubugbog na naman ako. Ayaw ko na, sobrang sakit na ng katawan ko. “Papa, maawa po kayo,” pakiusap ko pa. Hilam ng luha ang aking mukha. Kaagad na napasigaw ako nang hilahin niya ang aking kamay at malakas na itinulak kaya tumilamsik ako sa plangganang may lamang mga nahugasan kong plato. Napaigik ako sa sakit nang maramdaman ang pagbulusok ng basag na plato sa aking kamay. “Bakit ba puro na lang problema ang dala mo sa buhay ko? Hindi ka pa sinama ng malandi mong ina!” aniya. Bago pa man ako makasigaw ay naramdaman ko na ang sakit na halos mawalan ako ng boses. Kita ko ang pagbaon ng basag na plato sa paa ko. Nakaddin ang hawak ni Papa sa plato at nanginginig siya. Nanlalabo ang aking paningin nang makita ang napakaraming dugo hanggang sa halos wala na akong makita at maramdaman. “P-precy!” rinig ko pang sigaw ni Papa. Mapapansin ang panic sa boses niya. “Oh ano? Putang-ina Reynaldo!” gulat na sigaw ni Tiya. Pahina nang pahina ang boses na naririnig ko. “A-ano’ng gagawin ko?” “Ilibing mo o kaya itapon mo. Mabuti nga at napatay mo. Akala ko talaga hindi mo kaya eh. Ako na sana ang gagawa,” sagot niya. "P-patawarin mo ako Eliza, pero dapat lang na mamatay ka." ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------ “Si me escuchas, dejame sentirte,” bulong ko. Kasabay ng malamig na simoy ng hangin ang paghaplos ng malamig niyang kamay sa aking katawan. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at tila may kung anong nilalang ang nakahawak sa akin. Ramdam ko ang malamig nitong hininga na pinapasok ang bawat himaymay ng aking kaugatan. Kaagad na nayapos ko ang aking sarili dahil sa sobrang lamig ng aking pakiramdam. Ibinuka ko ang aking mata at kaagad na sinugod ng kaba. Napatingin ako sa paligid at wala akong nakita. Tanging paggalaw lang ng mga puno. Napatingin ako sa librong hawak ko at napahinga nang malalim. Nakita ko lang sa kubo ang librong sobrang liit. Kay Lola Pasing iyon. Sinubukan ko lang sundin kung ano ang ginawa ni Leandra sa libro. Pumunta sa bangin at pumikit t’saka bigkasin ang salitang iyon na ang ibig sabihin ay kung naririnig mo ako ay hayaan mo akong damdamin ka. Napatingin ako sa langit at nagtatalo na ang liwanag at dilim. Ganitong mga oras ay dapat hindi na ako lumalabas sa kubo dahil nagagalit si lola. Kumaripas na ako ng takbo pauwi at tama nga ako. Nag-aalalang mukha niya ang sumalubong sa akin. “Carmilla,” aniya at nanlalaki ang matang pinapasok ako sa loob. Kaagad na natakot naman ako sa reaksiyon niya. Pinatay niya ang ilaw sa paligid at tanging lampara na lang na nasa loob ng maliit naming kuwarto ang nanatiling ilaw namin. Galit na binawi niya sa aking kamay ang librong hawak ko. “Saan mo ‘to nakuha?” aniya. “L-lola, bakit po? May problema po ba? Nakita ko po ‘yan kanina sa damitan mo,” sagot ko. “Santisima!” aniya. “Binasa mo ba?” nahihintakutan niyang tanong. Mahinang tumango naman ako. Kaagad na napipilan siya at napapikit. Nagulat pa ako nang patayin niya ang kahuli-hulihang ilaw namin at bago pa iyon ay nakita ko ang paggalaw ng kaniyang labi. Subalit wala akong naririnig. Ilang minuto rin at narinig ko ang pag-alulong ng mga aso sa labas. Si Bruno at Tigger iyon, ang aso namin. Ilang sandali nga ay lumiwanag na ulit ang paligid. “Huwag na huwag mo na ulit itong gagawin, Carmilla. Kung ayaw mong mangyari ulit ang nangyari sa ‘yo noon. Alalahanin mong pangalawang buhay mo na ito. Sa pagkakataong ito ay hindi na kita kayang sagipin pa,” wika niya. Nalilito man ay tahimik na nakinig lang ako sa kaniya. Hindi ko siya totoong lola. Nakita niya lang kong lumulutang sa malapit na ilog at akala niya ay patay na ako dahil sa sobrang daming sugat na natamo ko noong ako’y nasa edad sampung taong gulang pa lamang. Ngayon ay desi-ocho na ako at utang ko sa kaniya ang buhay ko. “Tayo na sa kusina at maghapunan na tayo. Maaga pa ako bukas sa bayan, at maaga ka pa sa bahay ng Donya,” aniya. Tumango naman ako. Pumunta na kami sa kusina at napangiti ako. Mukhang masarap ang ulam namin ngayon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
68.6K
bc

Bedroom Series 1: IKAPITONG LANGIT (Rated SPG/ R18+)

read
38.2K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.3K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
242.0K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
42.8K
bc

The Blind Billionaire (Las Palmas Series 2)

read
92.1K
bc

The Mayor's Secret Obsession (SPG)

read
48.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook