Nagising ako nang maramdamang tila may nakatitig sa ‘kin. Pagmulat ko nga ay nakita ko si Lazarus na nakahiga at titig na titig sa ‘kin. Napangiti naman ako nang tipid sa kaniya. Hinaplos niya ang aking mukha. “Kanina ka pa ba dumating?” mahinang tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya. “Sana ginising mo ako,” saad ko pa. Umiling naman siya. “Kita kong pagod na pagod ka. Mahimbing ang tulog mo kaya hinayaan ko na,” sagot niya. Hinila niya ako palapit sa kaniya at niyakap ako nang mahigpit. “Bakit?” tanong ko habang nakangiti. He heaved a deep sigh and look straight into my eyes. “Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa ‘kin kung hindi ka dumating sa buhay ko,” saad niya. “Kahit alam mo ng hindi ako si Leandra? Kahit na magkaiba kami?” usisa ko. “I know deep inside my heart t

