Nakatingin lang ako sa sarili ko sa salamin. May gathering silang mayayaman sa isang sikat na hotel at isinama ako niLazarus. Hindi na ako nakahindi pa dahil wala naman akongmagagawa kung hindi ang pumunta dahil magagalit siya. “Still beautiful.” Napalingon ako at nakita si Loreta. Nakasuot siya ng itim nahalter top gown na hapit na hapit sa kaniyang katawan at pulang-pula ang kaniyang labi. Napakaganda niya. Nilapitanniya ako at inayos pa ang ilang nakausling buhok ko sa mukha. Nagulat naman ako kasi ang bait niya ngayon sa akin. “Pinagbantaan ka ba ni, Lazarus para maging mabait ka sa akin ngayon?” tanong ko sa kaniya. Umirap naman siya. “Sa ugali kong ‘to sa tingin mo matatakot ako sa kaniya?” sagotniya. Sa bagay. Talagang suplada siya. “Anyway, ang ganda mo ngaypn. Nagmukha ka

