Nakatingin lang ako sa labas at nakaramdam din ng excitement. Nami-miss ko na rin ang mga kaibigan ko sa mansiyon. Saktong may low pressure ngayon kaya walang nagpapakitang araw. Subalit nakasuot pa rin ng shades ang dalawa. Kasama rin namin si Aling Rosalita. Nalaman kong matagal na pa lang naninilbihan si Aling Rosalita sa pamilya ng mga Moriarty. Isa siya sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ng pamilya nila. “I can hear your heart beating so fast,” wika ni Lazarus. Nilingon ko naman siya at nginitian nang tipid. “Sobrang na-miss ko kasi ang mga kaibigan ko. Gusto ko na silang makita,” sagot ko. “You will,” aniya. Tumango naman ako at napatingin lang sa labas. “Lazarus sa tingin mo ba ay magagalit si Senyorita Ann sa akin? Batid kong may pagtingin siya sa ‘yo,” wika ko. Kumunot nam

