"Boss Vince, good evening po!" Binati si Vincent ng mga gwardiya pagkapasok nila sa isang magarang subdivision.
"Boss Vince, long time no see, a."
"Busy lang," sagot nito. "Paano, dating gawi, ha? Pag may naghanap sa'kin-"
"Wala po kayo. Hindi kayo nauwi ng ilang buwan na," sagot ng gwardiya. Sumaludo pa ang mga ito sa lalaki.
Thumbs up ang sinagot ni Vincent bago muling nagdrive. Siya naman ay nakahinga nang maluwag at itinaas ang sombrerong kanina ay nakatabon na halos sa kanyang mukha. "Kilala ko sila," he said nang lingunin siya nito. "Mga bata ko 'yon so don't worry. Walang makakapasok dito without my knowledge."
"Sabi ko naman sa'yo Ate Grace, di ba? Basta si Kuya Vincent ang kasama mo, ligtas ka."
Hindi siya umimik. Sana nga. Dahil ito naman ang dahilan kung bakit siya nanganganib. Napapailing si Grace. Hinding-hindi na talaga siya dadaan sa CR ng Central Park. O kaya sa Theca's Coffee Shop. Lalong-lalo na ang maging curious sa mga lugar kung saan may mga weirdong ingay na gaya ng pagsabog.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang two storey na bahay. Automatic iyong bumukas pagkatapos pindutin ni Vincent ang isang remote. Tumuloy ang kotse papasok sa garahe, saka sila bumabang lahat.
"Follow me." Diret-dretsong naglakad si Vincent papasok. Nakasunod si Bex na bitbit pa rin ang supot na nakuha nito sa pulis station, sa isang kamay naman yung psp. Hindi niya maiwasang mapanganga sa paligid. Iba't-ibang klase ng sports car at motorbike ang nandoon. Nakakahiyang itapat si Gang.
Napaingos siya nang maalala ang nature ng buhay ng lalaki. Who knows how he managed to acquire the things he has now?
"Ate Grace!" tili ni Bex.
Napatakbo siya sa direksyon kung saan pumasok ang dalawa.
"Ate Grace, si Kuya Vincent..." naiiyak na sabi nung bata.
"Juskolord..." kahit siya ay nataranta nang makita sa sahig ang lalaki. Paano, hinimatay na. Ni hindi niya narinig na humingi ito ng tulong. He seemed so cool and in control, pero heto, his body gave up. "Halika Bex, tulungan mo si Ate Grace na madala si Kuya Vincent sa kwarto niya. Okay?"
Napakamot ng batok ang bata. "Malayo po iyon, nasa second floor."
Bumagsak ang balikat niya. "Ganoon ba, well then," iginala niya ang tingin sa paligid," sa sofa na lang."
"Okay po."
Kandakuba silang pinagtulungang madala sa sofa si Vincent. Sa tangkad nitong almost 6 feet with all that lean muscles, talagang mahihirapan sila. Ibinigay ni Bex ang supot sa kanya at nalaman niyang first aid kit ang laman non. Pagkatapos siyang dalhan ng basahan at bowl na may lamang tubig, nagpaalam si Bex.
"Ate Grace, punta lang po akong kusina. Maghahanap po ako ng makakain natin. Huwag po kayong mag-alala. Kabisado ko na po ang bahay na 'to. Ilang buwan din po akong nagtago dito bago dinala ni Kuya Vincent sa orphanage."
Natigilan siya. Ang alam niya, naulila si Bex dahil na-ambush ang ama nito na pulis two years ago. Ang nanay naman nito ay hindi pa nagpapakita. And Vincent saved the child? Napatitig siya sa lalaki na kahit nakapikit, he seemed to be in so much pain. May kung anong humaplos sa puso niya. He's not that bad, after all.
Tinanggal niya ang suot nitong leather jacket. Then his white shirt na nakulayan na ng pula. Napasinghap siya sa nakita. Dalawa ang tama nito: his right shoulder na mukhang malalim at iyong isa na mabuti na lang at daplis lang. But still, both are bleeding. Kaya siguro nawalan ng malay ang lalaki, he lost so much blood.
Nakakita siya ng parang pliers don sa first aid kit. She do volunteer works, sa mga house of the aged, sa mga orphanage, teach kids every summer in provinces, even do stuff for the street kids. Pero kahit kailan, hindi pa siya nagvolunteer sa medical mission kung saan kailangan niyang magtanggal ng bala o magtahi ng malalaking sugat.
Umungol si Vincent na ikinataranta niya. Lumapit siya dito, saglit na pumikit and make the sign of the cross. "You can do this, Grace. Kailangan mo siyang tulungan. He needs your help." Humugot siya ng malalim na hininga. "In God's guidance, I can do this."
And thank God, she did. Natanggal niya ang bala at nalinis ang sugat nito. Bex help a lot, actually. Natatawa na lang siya sa katotohanang mas alam pa ng bata kung ano ang tamang gawin. The kid probably witnessed him a lot of times.
Pinagpawisan siya sa ginawa, sighing in relief. Now, kailangan na lang niyang lagyan ng bandages ang sugat nito. And while she was doing it, noon niya lang napagtuunan ng pansin ang katawan ng lalaki. Sa unang tingin, his flesh are fine, pero sa malapitan... his skin, lalo na ang likod nito... Napapalunok siya at naaawang tiningnan ang lalaki. Some scars were deep, and marks of violence are all over his back. Gusto niyang maiyak at yakapin ang lalaki.
My life as a gangster is way more fun.
Sinungaling. He sure has a difficult childhood. And even up to now... he's living a dangerous life. Nadadamay pa nga siya, hindi ba? She sighed. Napasalampak siya sa sahig at sumandal sa sofa. Pakiramdam niya napagod siya ng sobra at kailangan na niyang magpahinga.
When she woke up, nasa isang kwarto na siya. And he saw Vincent staring down at her; a small smile was in his lips.
"Vincent!" Umayos siya ng upo. Saka niya napansin ang tulog na si Bex. Mahina ang boses niya ng muling magsalita. " Ayos ka na ba? Kumusta ang pakiramdam mo?"
"I'm feeling better, thanks to you."
Ngumiti siya. "Wala iyon."
"I'm glad you're awake. It's almost sunrise. Kailangan na nating dalhin si Bex kay Richard." Inabot nito ang cellphone niya.
May ilang miscall doon mula sa mga kababata. Pero dahil hindi niya nasagot, the two bombarded her phone with text messages. She texted Maine not to worry before replying to Richard.
'On the way na kami.'
Binuhat niya si Bex kahit pa nagpumilit si Vincent. "Ako na," she said. "Baka mapaano pa iyang sugat mo. Can you even drive?" she ask nang makarating sila garahe.
"Please... I'm a survivor. This wound is nothing." He replied bago sumakay sa panibagong sasakyan.
Napailing na lang siya sa kayabangan nito. "Survivor daw..."
Tahimik nilang narating ang sementeryo. Richard was there.
Inabot nito ang tulog pa ring si Bex at dinala sa kotse nito. "Richard..." humakbang siya palapit dito. Pero pinigilan ni Vincent ang kamay niya. "Vincent, bitawan mo ako. I'll just talk to him."
"You can talk to him without getting that close, Grace. I don't trust him."
"I don't trust you either." Richard snapped at Vincent bago siya binalingan. "Kaya makinig ka Grace, you should come with me. I'll take care of you. Ako ang pamilya mo, si Maine. You should be with us sa mga ganitong sitwasyon."
Vincent scoffed. "Don't be stupid, Richard. You know it's better for her if I'm by her side."
"On the contrary, I know she's better off without your existence."
"Richard!" bulalas niya. Hindi makapaniwala sa sinabi nito. Seriously, the more these two guys meet, the more na nakikita niya ang ibang side ng kababata.
"Grace, please. Sa'kin ka makinig. Mas lalo kang mapapahamak kapag sumama ka sa kanya. I know him. I know the truth about him, you can ask me anything at sasabihin ko lahat ng nalalaman ko."
"You can't save her by your truths, stupid." Mariing sabi ni Vincent. "I'll save her by my lies, if I have to. You know I can protect her better than you do, because I have what you don't."
"You think I regret it? Really? Hindi ba iyang pinagmamalaki mo rin ang dahilan kung bakit siya nanganganib ngayon?"
Vincent let go of her at inilang hakbang si Richard para suntukin. Napatili siya nang bumagsak ang kaibigan niya. Mabilis niya itong nilapitan at humarang para hindi muling masuntok ni Vincent.
"You don't regret it? Guess what? I do. I'm regretting the fact that I help you escape your fate." He turned his back, dragging her away.
Nagpumiglas siya. "Vincent, bitawan mo ako!" Matagal silang nagtitigan. "Please..."
He let go. Saka walang imik na bumalik sa sasakyan nito then drive away.
*******