V

1301 Words
"Vincent... sagutin mo ako. Bakit gusto nila akong kidnapin?" tanong niyang hindi umaalis sa sasakyan. Gusto niya ng kasagutan dahil gulung-gulo siya. Bakit nandito ang lalaking ito to save her? How did he even know? "Let's get away from here first. You can ask questions later. Come on." Hinila na siya nito at nagmamadali silang umalis. Tinungo nito ang isang sports car at mula doon,  dumungaw si Bex. "Kuya Vincent!" Sinalubong sila ni Bex. "Ate Grace!" "Bex, hindi ba sinabi ko sa'yo na umalis ka na?" Nagtatakang tanong niya. "Ayaw kitang iwan kanina, Ate Grace. Pero umalis ako. Tinawag ko nga si Kuya Vincent e." "Kuya?" So si Vincent ang tinatawag nito kanina? All along ang iniisip niya ay si Richard.  "Paano-" Natigil siya ng makakita ng patak-patak na kulay pula sa semento. Dugo. Mabilis niyang sinipat si Vincent. Blood is dripping from his right hand. "M-may tama ka ba?" He was never shot kanina. Ibig bang sabihin nasa enkwentro pa ito bago pumunta sa kinaroroonan niya? Juskolord! Ano ba talaga itong trouble ni Vincent? At bakit ba siya nadadamay? He shrugs at binuksan ang passengers side. "Wala ito. Get in. Now." She did. Nang maka upo ito ng driver's seat ay inihagis nito ang isang cellphone. It was hers. Hindi man lang niya napansin na nabitawan niya iyon kanina. "Call whoever you need to." He said habang kinakabit ang seatbelt niya. "Inform them you're not coming back for some time." "Ano? Hindi pwede! Paano ang trabaho ko? Yung pagvo-volunteer ko? At saka, bakit ba? Hindi mo pa ako sinasagot kung bakit ako gustong kidnapin ng mga taong iyon." "What do you want then? Ibalik kita sa apartment niyo ni Maine? I was there, and trust me, your place is surrounded. You're not safe there anymore. Same will happen if you go to your work." He knows kung saan siya nakatira? "Well then-" "Orphanage?  You can't go there as well. Kung ayaw mong mapahamak ang mga tao doon. Gusto mo ba silang madamay? Because I assure you, hindi nila sasantuhin  ang orphanage. The kids will just suffer." "Syempre hindi," sagot niya. That's the last thing she'd allow to happen. Sa Guardians of Angels House na siya lumaki pagkatapos niyang maulila. She considers it her home, maliban sa apartment nila ni Maine. "I thought so. So call Mother Superior." "Hindi naman nagce-cellphone iyon e..." rason niya. "Richard then... or Maine. Bahala ka kung sinong santo ang gusto mong tawagan," masungit na sagot nito. "Pero paano si Bex?" Nilingon niya ang tahimik lang na bata. Busy ito sa hawak na psp. "That's why I'm telling you to make a call. Inform them so we can meet somewhere and we'll give the kid back. He's safer away from us." She dialled Richard's phone. "Bakit nga ako nadadamay dito?" tanong niya habang naghihintay na may sumagot. Hindi umimik si Vincent. "Grace!" Halata ang pag-aaalala sa boses ni Richard. "Please tell me, nauna ka lang umuwi... Sabi nila Lotte may sumusunod sa'yong mga lalaki.  Sabi naman ni Chan-Chan, patay na iyong isa sa parking area. What happened?" "Put it on speaker," utos ni Vincent. She did. "Richard, sorry pero wala ako diyan. At oo, may sumusunod nga sa'kin, pero nakalayo na ako. I'm safe, I guess. Hindi ko nga lang alam kung saan ako –" "Ano? Bakit-" "She's with me." Sabi ni Vincent  na ikinatahimik ng kabilang linya. "F uck you Vincent! No, you did not! Ibalik mo siya dito ngayundin. Grace, are you listening? Come back to the orphanage." "I can't-" sagot niya kahit nabigla sa pagmumura ng kababata. "I have no choice." Muling sabi ni Vincent. "You know what this means, right, Richard? I don't want to talk to you as well. But I need your help. Kasama namin ang isang bata sa orphanage. Let's meet at the cemetery. We'll drop him there." "Idaan mo na lang sila sa orphanage." "Are you stupid?" Pinatay ni Grace ang loudspeaker habang matalim ang tingin kay Vincent. Ano ba'ng meron sa dalawa na 'to and they seem to hate each other? "Richard, ako 'to. I'm fine. Gusto  ko mang makauwi, but he said I can't. I'm afraid tama siya. Baka masundan kami at mapahamak pa ang orphanage. ... Pakisabi na lang kina Mother Superior, huwag mag-alala, okay?...  Babalik din naman ako. He said, for some time, hindi naman forever." Sinikap niyang magbiro pero hindi man lang natawa di Richard. "Ha. Ha. Very funny, Grace," he snorted. Even Vincent snorted. "Cemetery, Richard." Malakas ang boses ni Vincent, probably making sure na naririnig ng kaibigan niyan. "Tomorrow at four." "I'll be okay. Sige... Bye Chard. Mag-ingat ka din." Napasandal siya sa upuan nang humarurot na si Vincent sa pagpapatakbo. Like he's being chase by the devil. Pero nadi-distract siya ng nakikitang dugo sa suot nito, pati ang pamumutla nito. Inabot niya ang kamay ng lalaki na maya't maya ang bitaw sa steering wheel. "Vincent, dumaan muna tayo ng ospital." "I told you, no hospitals for me." "Kahit saan kung ganoon. Kailangan mo munang magamot. Mukhang malalim iyang sugat ... tama mo e. Hanggang ngayon, hindi pa rin tumitigil sa pagdurugo." Kapag nagtagal pa, natatakot siyang baka madisgrasya pa sila. "You're right." Mahina itong tumango at binalingan ang bata. "Bex, idadaan kita kay Kuya Brix mo. Hingin mo sa kanya iyong kagaya ng dati." "Ok po, Kuya Vincent." Kumunot naman ang noo niya. "Sabihin mo nga, paano kayo nagkakilala ng bata? Mukhang hindi ito ang una niyong pagkikita a. Siguro kapag nawawala si Bex sa iyo siya napupunta ano? At saka anong sabi mo? Tulad ng dati? Ilang beses ka nang napunta sa ganitong sitwasyon, ha Vincent?" "Once or twice. I don't have to make a record." He answered, shrugging. Hindi siya makapaniwala sa paraan ng pagsagot nito. Na tila balewala lang iyon, na tila ba, band aid lang ang katapat ng tama nito. Huminto ang sasakyan nila sa isang pulis station. Mabilis na bumaba si Bex at tuluy-tuloy a pumasok doon. Nagtatanong ang mga tingin na binigay niya sa lalaki. He smiled. "What? I can have friends here. I was once, a criminology student." Nasorpresa siya sa sinabi nito. "Talaga? Hindi mo tinapos dahil?" He shrugs again. "It's boring. My life as a gangster is way more fun," ngisi nito. She rolled her eyes at him. "Irereport mo ba ang attempted k********g na nangyari? Makukulong ka for-" "That's not happening, Grace. Forget what happened, okay? What I did, I did it to save you. Besides, those guys ... they deserve to die. Isipin mo na lang, I did it to save not only you, kundi maging ang mga susunod pa nilang bktima." May kumatok sa pinto kaya hindi natuloy ang sasabihin niya. Si Bex. Dala-dala ang isang supot. Binuksan ni Vincent ang sasakyan at mabilis na pinapasok ang bata. "Pagaling ka daw agad, Kuya Vincent, sabi ni Kuya Brix. At tawagan mo daw siya, may balita siya tungkol kay Miss Cheska. Sino po si Miss Cheska?" Her head snap to his direction, wondering too kung sino ang tinutukoy ni Bex. "Wala ka na roon, bata." He said and started driving again. Tumikhim siya. "Kanina ko pa ito tinatanong  pero uulitin ko na rin... Bakit nila ako gustong kidnapin? Please Vincent. I deserve to know. Kung mamamatay na ako, I at least want to know why." He looks at her, nag-igtingan ang bagang nito, mukhang nagdadalawang isip pa. "For now, let's just say, you're unfortunate to cross path with me." Kumunot ang noo niya. "So ano ngayon kung nagtagpo ang landas natin? Hindi kaya tungkol ito doon sa nakita ko last time? Because, as you said, I'm a witness? A liability?" "No, I don't think so" iling nito. "Ako lang ang nakakita sa'yo that time." "Then what?" Nag-iwas ito ng tingin.  "Those people think they can use you against me." Nagsalubong ang kilay niya. "It doesn't make sense. Even in movies, villains only do that kung mahalaga sa kalaban nila ang isang tao. Maybe a family or a love one... and I'm neither of the two. We're practically   strangers." Pagak na tumawa si Vincent, looking straight ahead. "I know, right?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD