IV

1250 Words
"Nagkita na sila?" dinig niyang tanong ni Mother Superior. Napatigil sa pagpasok si Grace sa opisina nito lalo na nang makitang kausap nito si Richard. Pwede naman siyang dumiretso at manggulo sa usapan ng dalawa pero lately, Richard is acting strange, making her act strange as well. Actually, mula nang magkita sila ni Vincent. O sadyang iba lang ito ng bumalik? He'd been gone for almost five years. Pakiramdam niya madami na itong itinatago. Marami na itong ginagawa behind her back. E dati naman, pati simpleng love letter ni Maine pinag-uusapan nila. At hindi siya papayag na basta na lang nitong isantabi. She'll make a way and find out whatever he's hiding. Sino kayang pinag-uusapan nila? "Sabi niya, iiwas siya, hindi siya magpapakita pa kahit kailan. But it looks like..." Bumuntung-hininga ito. "Natatakot ako. Nag-aalala ako, Mother Superior." Tumango-tango si Mother Superior. "Richard, hindi mo dapat katakutan ang tadhana. Kahit anong iwas at paglayo ng isang tao, kung nakatadhana silang magtagpo, magko-cross talaga ang landas nila. Hindi man sa nakalipas na mga taon, pero siguro nga, ngayon na ang tamang pana-" Natigil si Mother Superior nang mapasulyap sa kanya. Napatayo si Richard. "Grace, kanina ka pa ba diyan?" "Ahm... kakarating ko lang," pagsisinungaling niya. "Mother Superior, pinapasabi ni Sister Gelaira na sabihin ko po sa inyo na handa na ang mga bata." Kapag ganito kasing linggo, nakaugalian na nila ni Maine na dumaan sa orphanage at samahan ang mga batang magsimba. "Ganoon ba? O siya, kailangan mo na kaming ipag-drive, Richard. Saka na lang ulit natin pag-usapan ang inaalala mo. Mas maigi, idaan mo sa panalangin mamaya." Tahimik silang nakarating sa simbahan. Nagtaka pa siya nang hindi makita si Richard at Maine. Napangiti na lang siya sa naisip na baka nag-uusap na ang dalawa. Palabas na sila ng simbahan ng kalabitin siya ni Lotte. Karga nito ang sanggol na si Mincho. "Ate Grace," nakikita nyo po yung mga lalaki sa pinaka-likuran? Yung kasama po nung kulay rainbow ang buhok?" Tumango siya sabay sulyap sa sinasabi nito. Nagbubulungan ang mga iyon. Nakatingin sa kanya pero nag-iwas nang titigan niya. Iyong isa ay tila may kausap pa sa telepono. "Tinatanong nila kung ano ang pangalan mo. Kung ilang taon ka na. Kung saan ka nakatira." Kumunot ang noo niya. Bakit kaya? "Pero hindi po namin sinabi kasi mukha po silang hindi gagawa ng matino." Dagdag ni Chan-Chan. "Oo nga... Tinatanong din po nila kung boyfriend mo iyong mama," sabi ulit ni Lotte na noo'y pigil-pigil ang nagpupumilit makawala na si Mincho. "Sino?" "Baka boyfriend mo daw. D-devin? Hindi... D-devlin ba 'yon?" tanong ni Chan-Chan kay Lotte. "Hindi, Vincent ang sabi noong isa," sagot naman ni Lotte na nauwi sa diskusyon ng dalawa sa kung ano ba talaga iyong pangalan na binanggit. Pero sapat na iyon para sa kanya. May kutob na siya kung sino ang tinutukoy ng mga lalaki. Ang tanong, bakit? Bakit bigla na lang siyang naging wanted sa mga kaduda-dudang tao? Ano'ng kinalaman ni Vincent? Was it because he let her go kaya ibang tao na lang ang tatapos sa kanya? Juskolord! Nagpapanic na iginala niya ang tingin sa paligid. Hinanap niya ang mga kababata pero wala talaga. Hindi kaya nasa service nila? Tinungo niya ang lugar kung saan naka-park ang sasakyan nila. Walang katao-tao don. "Ate Grace!" hangos ng isa pang bata sa orphanage. Hinila siya nito sa kamay. "O Bex, nagmamadali ka yata?" pansin niya dito. Kandahingal pa ang mag-pipitong taon na bata. "Basta Ate Grace, takbo lang tayo, okay?" Mga bata talaga minsan, walang pili ng lugar ang kakulitan. She played along. Pero hindi niya maiwasang hindi mapansin ang mga lalaki na tinutukoy nila Lotte kanina. Kung anong takbo nila, siya ding takbo ng mga ito. Hanggang sa tila nakapagdesisiyong iisa ang direksyong tinahak ng apat na kalalakihan. Sa pwesto niya. Kumawala siya sa pagkakahawak ng bata. "Bex, mauna ka na. Susunod si Ate Grace, okay? May naiwan lang ako sa simbahan." Sunud-sunod ang iling nito. "Hindi pwede. Kailangan kitang madala sa kanya." "Huh? Sino ang sinasabi mo?" Palapit na ang mga lalaki. "Bex, umalis ka na." Kung siya ang pakay ng mga ito, hindi pwedeng may madamay pa na bata. Nagulat pa siya ng sumigaw si Bex ng ubod lakas. "Kuya!" Tila nataranta ang apat. Mas lalong bumilis ang paglapit ng mga ito at pinaligiran sila. Siya naman ay tila itinulos na sa pagkakatayo. Kalma, Grace. Wala kang inaping tao. Walang rason para matakot at tumakbo. Hindi ka pababayaan ni Lord... "Ikaw ba si Grace?" "Bakit?" "Kilala mo ba ang lalaking ito?" May ipinakita itong litrato. Si Vincent. "Hindi." Napasalampak siya sa sementadong sahig nang sampalin ng isa. Gulat siyang nilingon ito. Samantalang si Bex ay nagsimula ng pumalahaw ng iyak. Niyakap niya ang bata. Higit sa kanya, natatakot siya para sa kaligtasan nito. Juskolord! Iligtas Mo po kami... "Tingnan mo uit." "Hindi ko nga siya kilala! Ano ba'ng kailangan nyo? Kung gusto nyong magtanong, sige. Sasagutin ko kayo sa abot ng makakaya ko. Hayaan nyo lang makaalis ang bata. Hindi nyo rin kailangang manakit!" Nabitawan niya ang bata nang sabunutan siya ng isang lalaki patayo. Samantalang si Bex ay nagtatakbo na palayo. Mabuti na lang din at hinayaan ito ng mga lalaki. Kahit napapangiwi sa sakit ay nabawasan ang pag-aalala niya. "Kailangan namin ng matinong sagot. Ikaw ba si Grace Margarette Cadigal?" "Alam mo na pala e? Bakit ka pa nagtatanong- Ah!" Napahiyaw siya nang dumiin ang pagkakahila ng lalaki sa buhok niya. "Bitawan nyo ko!" sigaw niya sabay palag. "Hala, dalhin na 'yan." "Bitiwan nyo ko!"ulit niya pero wala siyang laban sa dalawang lalaki na pumipigil sa kanya. "Ano bang kasalanan ko sa inyo? Saan nyo ako dadalhin?" Hindi siya pinansin ng mga ito, they even gag her kaya walang matinong salita na lumabas sa bunganga niya kahit anong pagbubunganga pa ang gawin niya. Padaskol siyang ipinasok ng mga ito sa isang tinted na sasakyan. Ngumisi ang lalaking tumabi sa kanya. "Sa wakas, tingnan natin ngayon kung hindi ka pa magpapakita sa'min." Naglabas ito ng cellphone at tumawag sa kung sino. "Sabihin mo hawak natin iyong babae. At on the way na kamo kami." Akmang aandar paalis ang sasakyan nang bumukas ang pwesto sa driver seat. May humila sa driver non palabas. Sa isang iglap, lahat ng ingay sa paligid ay natigil at nawala. Ang focus ng mga nanlalaki niyang mata ay natutok sa bagong dating at sa lakas ng t***k ng puso niya. Mabubuhay pa ba siya? Makakatakas pa kaya siya? Bakit ba 'to nangyayari sa kanya? Nakatutok ang hawak na baril sa direksyon niya, kasunod noon ay pagbagsak ng dalawang lalaki sa kanyang tabi. Parehong dilat ang mga mata, blood dripping from their forehead. Napasigaw siya. Halos mahimatay siya sa nakikita pero hindi niya maalis ang tingin doon. Nagsimulang bumigat ang paghinga niya. Lalo na nang siya naman ang lapitan ng lalaking nakasuot ng itim shades at baseball cap. Pero hindi siya makagalaw. Kahit ang sumigaw muli ay hindi niya magawa. Nagtaka siya ng ipikit nito ang mga mata niya. "Don't look," sabi ng baritonong boses na pamilyar sa kanya. Nanigas pa siya nang yakapin siya nito. His other hand, caressing her hair. "I'm sorry... I'm sorry I was a little late." Relief was in his voice. Muli siya nitong hinarap at tinanggal ang gag sa bunganga niya. "Hush, wala na sila. You're safe now." "L-ligtas na ako? H-hindi ka narito para patayin ako?" tanong niya sa nanginginig na boses. He chuckled. "No. I can never do that to you, Grace." Hinawakan siya palabas ng kotse, "Come on, let's get out of here." Pumalag siya. "Bakit kilala mo ako? Alam mo ba kung bakit gusto nila akong kidnapin? S-sino ka?" "It's me..." Nagtanggal ito ng shades. She cry in relief. "Vincent..." ************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD