III

1280 Words
"Forget it, Grace," sabi ni Richard bawat subok niya ng tanong kung paano sila nagkakilala ni Vincent. Saka siya nito itataboy palayo. Feeling nga niya iyon ang rason kung bakit umiiwas ang kababata. So instead na ito ang isama niya, si Maine ang kaharap niya ngayon sa Theca's Coffee Shop. Waiting for Vincent to arrive. Kung talagang darating ba ito. Isa pa, gusto din niyang malaman kung ginawa nga nito ang sinabi nito kagabi. "Pinapalayas ako nila Mother Superior, alam mo ba yon?  Sabi nila, pag-isipan ko daw muna yung pagmamadre ko." "For the nth time, I agree. Soul searching. Iyan ang kailangan mo bago pumasok ng tuluyan sa pagmamadre," sabi ni Maine. "Nakapagdecide na nga ako. Hindi ba dapat matuwa pa sila?" "Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit gustung-gusto mong magmadre. Ano bang ginagawa nila? Lagi na lang sa simbahan, may hawak na rosary, mananalangin, magnonobena. Hay naku... Walang thrill sa life na yan. Walang adventure, walang wifi, walang lovelife, walang se-" Pinandilatan niya ng mga mata ang kaibigan. "Stop!" "Ano?" "Tigilan mo ko sa kahalayan mo, Maine ha?" Natawa ito. "Hala..ano naman ang kahalayan sa SELFIE, abir? Haha! Hindi ka talaga dapat magmadre, hindi wholesome ang utak mo." Nairolyo niya na lang sa inis ang mga mata. Akma niya itong sisitahin nang kunin nito ang sans rival niya pero hindi niya na nagawa. Naagaw ang pansin niya ng may mahagip ng tingin sa labas ng coffee shop. Si Vincent ba 'yon? Tama, siya nga. He was there, sa gilid nito ang scooter niya, nakatingin lang sa kanya. Bahagya itong tumango at saka naglakad palayo ng coffee shop. Napatayo siya. Saan ito pupunta? "Hoy, sister...san ka pupunta?" tanong ni Maine. "Babalik ako, may hahabulin lang saglit," sabi niyang hindi na lumingon pa. Kung si Vincent nga iyon, kailangan niya itong maabutan. "Ma'am?" salubong ng isang waiter. "Miss Grace?" Natigil siya. "Paano-" Iniabot ng waiter ang isang susi. Susi ni gang. "Pinabibigay po ni Sir Vincent." "Salamat," sabi niya. "Ma'am, pinapasabi po-" Hindi pinansin ang pagtawag ng waiter. Humangos siya palabas. Ilang metro ang layo ay na-confirm niyang si Vincent nga ang nakita niya. Itim lahat ng suot nito. Pati ang cap na hula niya ay tumatabon sa benda nito sa ulo. Seryoso, saan ang lamay? Akma niya itong tatawagin nang lumapit ang dalawang lalaki. Bitbit nito ang isa pa na hindi na halos makalakad. Nakita niya nang batukan iyon ni Vincent. Bumaba ang mga ito sa likurang bahagi ng coffee shop. Dapat siyang tumigil at bumalik na lang. Alam niya, higit kaninuman kung paanong mapunta sa maling lugar at panahon. Iyon ang nangyari sa kanila ng mga magulang niya. Iyon ang dahilan kung bakit naulila siya. Pero mahirap kalaban ang curiosity. Sumunod siya. At nakita niya kung paano tinadtad ng bugbog ang lalaking pigil din ng mga kasama nito. "May sinasabi ka, Carlos?" "B-boss...sorry na. Wala lang akong choice, hawak nila ang mag-ina ko..." Tigmak sa luha at dugo na sabi noong tinawag na Carlos. "Wala kang choice..." ulit ni Vincent na tila hindi kumbinsido. Tumango ang lalaki. "Pakiusap, isa pang pagkakataon, boss. Babawi ako. K-kung inaalala nyo yong sekreto niyo-" "Secret? I don't have any, Carlos. But let's just say na meron nga, sige, can you still keep it kung hawak ulit nila ang mag-ina mo?" "Oo boss. Hindi na nila magagamit ang mag-ina ko. Pinauwi ko na sila ng probinsya." Tumawa si Vincent. "Sigurado ka?" Namutla ang lalaki, napanganga. "A-ano'ng ibig mong sabihin?" Nang hindi sumagot si Vincent ay pumalag ito. "Anong ginawa mo sa mag-ina ko?" Vincent shrugged. "Wala akong ginawa. Ikaw, meron...you think hindi ko malalaman? That you talk with my father?" Tumalim ang tingin nito."You should've kept your mouth shut." Nanlaki ang mga mata ni Carlos. "Patawad.... I-iyong tungkol sa babae-" Binali ng isang lalaki ang leeg noong Carlos. Bumagsak ang walang buhay na katawan nito sa semento. Napasinghap siya sabay takip ng bibig. Sumiksik din siya sa pinagtataguan at nanalanging sana'y hindi nila narinig. "Iligpit nyo na iyan. Lahat kayo, alis." "Lopez..." boses ni Vincent, "bakit mo yon ginawa?" "May ibang tao sa paligid." "Alam ko. Pero hindi ko inutos na patayin mo siya. Hindi ko pa naco-confirm kung tinraidor nga ba niya ako o hindi." "He did. Nandoon ako nang kausapin niya si president. Maniwala ka sa'kin, Devlin. Alam na niya. At sa mga oras na 'to, sigurado akong pinapahanap ka na niya. He'll talk to you, for sure. He'll observe your reaction." "He'll never read a thing from me." "I'm sorry to tell you this but he will. Pagdating sa taong iyon, napakadali mong basahin. And soon, ihaharap niya sa'yo ang kinatatakutan mo." "That's not going to happen! I'll take care of it." "You can't face him alone. Ilang beses ko bang sasaihin yan sa'yo?"napapalatak ang kausap nito. "Basta binalaan na kita. Umalis ka na. Ako na ang bahala dito." Ilag saglit bago niya muling narinig ang boses ni Vincent. "Sige. Salamat, Lopez." Sumiksik siya sa pinagtataguan niya. Hindi makapagdesisyon kung anong gagawin. Takot din naman siyang umalis dahil baka si Vincent ang makasalubong niya. Muli siyang sumilip. Para lang maka-face to face ang walang kangiti-ngiting si Vincent. "Looking for something?" Napasigaw siya. Napatitig sa nang-uusig na mga mata nito. Iba ang sitwasyon ngayon sa nangyari noong isang gabi. She just witnessed a murder. And the boss is in front of her. Juskolord! Napalunok siya bago nagsalita. "I- I-" Tila nahihilo siya sa lakas ng t***k ng puso niya. She tried to step backward, but her steps faltered. "Grace-" Napabilis ang lapit ni Vincent sa kanya. Kinagat niya ang labi para hindi muling mapasigaw. She can't scream right now. "I... I was just.. ahm... hinahanap ko yung pusa. Oo, yung alaga kong pusa. B-by any chance, may nakita ka ba? It was a small, black cat with green eyes. Mga ganito kaliit." She even motioned the size of her made up cat, not looking directly in his eyes. She heard him snickered kaya napatitig siya dito. For a second, she even thought his shoulders shook. Did he just laugh? "Are you lying Grace? You should try again." Halata ang amusement sa mukha nito. "Wala akong nakitang pusa. Kung meron man akong nakikita ngayon," pinasadahan nito ang mukha niya, "she's one pretty little liar." Juskolord! He knows! "Nagbilin na ako kanina sa waiter. Didn't he tell you anything?" "Parang may sinasabi nga siya. Hindi ko lang pinansin kasi nagmamadali akong umalis." "Because of your cat..." Tumango siya. "Tsk... If I know, you just want to check something. Nagpagamot ako. See?" Pinakita nito ang benda sa noo. "Ibinalik ko na ang motor mo." He sighs. "I even told you my name. I came here in person para lang tumupad sa gusto mo. Bakit kailangan mo pa akong sundan?" "I'm sorry... hindi ko naman akalain na iyon ang makikita ko-" Natutop niya ang bibig, kasabay ng panlalaki ng mga matang napatitig sa lalaki. Napapalunok na napaurong siya. You should really run now, Grace. "P-pangako... unlike Carlos, I'll keep my mouth shut," pakiusap niya habang unti-unting umuurong sa direksyon kung saan makakatakbo siya. "Sa araw na'to, wala akong narinig. Wala rin akong nakita. Pangako... kakalimutan ko lahat, pati ikaw." Tumigil ito sa ginagawang paglapit sa kanya. "Hindi kita nakita," patuloy niya. "Hindi tayo nagkita. Just... please...let me go..." Tila lalong galit ang boses nito ng muling magsalita. "You're a witness. In my world, an unwanted witness is a liability. And a liability must always be killed." "Please don't kill me... " Napapikit siya. Alam niyang isang araw, mamamatay talaga ang isang tao. Pero  hindi pa siya handang mamatay. Not today. She heard him sigh. "That's right. You should forget everything that happened here. You saw nothing. You hear nothing. And Grace... next time, if ever there will be a next time, huwag na huwag kang lalapit sa'kin. I'll come to you kung gusto ko. You hear me?" Tango lang ang nagawa niya. "Go." Hindi na niya hinayaang magbago pa ito ng isip. She ran. ************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD