ALLY’s POV
MABILIS akong tumakbo papalapit sa kanya. Hingal na hingal ako.
“Why do you have to run?” Napatingin ako sa kanya. Kunot na kunot ang noo nito. Sinamaan ko siya nang tingin.
“Run? Paanong hindi, Ninong? Aalis kana basta. Hindi mo man lang ako kino-congratulate? Seryoso?” Himutok ko sa kanya. Naguilty siya at umiwas ng tingin.
“I’m sorry, Ally nagmamadali kasi ako ngayon. Congratulations. Talk to you soon!” Mabilis siyang tumalikod, at umalis.
“Ninong! Ninong!” Ilang beses ko siyang tinawag pero hindi na siya lumingon pa.
“Let him be, anak.” Boses iyon ni Mommy mula sa likuran ko.
Pero instead na kausapin ko siya humakbang na ako palabas ng school gate ng hindi ko siya nilingon. I know this cold treatment I’m doing ay hindi deserves ni Mommy.
Sumakay na ako sa passenger seat. “Congratulations Hija,” bati agad ni Mang Ernesto pagpasok ko. Mapakla akong ngumiti at tumayo.
“Salamat po, Mang Ernesto. Buti pa kayo,” sagot ko.
Malamlam ang mga mata niya at ginulo ang buhok ko.
“Maging maayos din ang lahat, hija.” Makahulugang saad niya. Tumango na lang ako bilang pag sang ayon. Wala na akong lakas pa para makipag usap.
Pagkapasok ni Mommy sa backseat umusad na ang sasakyan namin. Pumikit ako. Pero dinig na dinig ang pagtanggal ng bara ni Mommy sa lalamunan niya at pagtangkang kausapin ako.
Pero mas pinili ko ang magkunwaring tulog, at pumikit. Ang sama-sama nang loob ko sa maraming bagay. Pakiramdam ko iniwasan na naman ako ng Ninong Conrad ko.
PAGDATING namin sa bahay, napaawang ang labi ko nang bumababa ako ng sasakyan, may mga ilaw akong nakikita sa kabilang bahagi malapit sa pool area namin.
Mabilis akong tumakbo doon. Kahit paano pinag-celebrate naman ako ng mga magulang ko. Napatakip ako nang aking bibig.
“Philip! Claudia!” Lumapit ako sa kanila at niyakap ko sila.
Sobrang ganda ng pagkakaayos ng graduation decoration at ang kabilang side na 18th birthday ko.
“Surprise, besh! Happy birthday!” Mahigpit akong niyakap ni Claudia at ni Philip.
“Thank you, thank you. Akala ko wala nang pakialam ang mga magulang ko sa akin.” Parang batang sumbong ko.
“Alam mong mahal na mahal ka nila, Ally,” pahayag naman ni Philip.
Hindi ko na lang sinabi ang ginawa ni Daddy sa akin. Pati ang pananahimik ni Mommy. She just watched without interfering. Na okay lang sa kanya na saktan ako ni Daddy.
“Ally, magbihis kana.” Utos ni Mommy. Nasa likuran ko na siya.
Nag paalam ako kina Philip at Claudia. Kumaway na rin ako sa ibang kaklase ko na kabatian ko. Nandito sila sa birthday ko.
Pagpasok ko aking silid sumunod si Mommy. Hindi ako nag abalang pasalamatan siya. Alam ko naman na siya ang nag organisa ng lahat ng ito.
Mabilis akong pumasok sa banyo para mag quick shower. Dinig na dinig ko ang music mula sa aming garden.
Pagkatapos kong maligo nag blow dry lang ako ng buhok. Nang lumabas ako naka upo si mommy sa aking kama. Hinihimas ang gown ko.
“Ready?” Tumango ako.
Tinulungan niya rin akong mag suot ng gown ko. Sobrang ganda ng suot ko. Isang silvery gray gown, sobrang lambot ng fabric, punong-puno ng small crystal bids. Parang nasa alapaap ako, tila panaginip lang ito. Na amino’y nasa fairytale lang ako.
Ang ganda rin ng turtleneck na may high collar at punong-puno rin iyon ng mamahaling Swarovski. Si Mommy na rin ang nag ayos ng hair at make-up ko.
“You looked beautiful, anak.” Papuring sabi niya at pinisil ang balikat ko.
“Thank you, mom.” Matipid akong ngumiti at tumayo. Ayoko nang magsalita at baka maiyak lang ako sa guilt.
Lumabas ako ng silid, parang tumigil ang mundo ko ng matanaw ko mula sa itaas si Ninong Conrad na nakatayo sa paanan ng hagdan. Looking at me. Ayokong pumikit baka namamalikmata lang ako. Ilang beses ko pang kinurot ang braso ko baka nanaginip lang ako.
He can’t get off his eyes on me and I am too. Ayoko na baka sa pagpikit mawawala siya sa paningin ko. He is dazzling handsome. Pareho pa kami ng kulay ng suot. Tuxedo-grey at may bow tie.
Napahawak ako sa handrails, dahan-dahan akong bumaba. Sobrang lakas nang t***k ng puso ko. Hanggang umangat na sa ere ang kamay ni Ninong Conrad. Napatingin ako doon, at ibinalik ko ang tingin sa kanya.
“You're stunning tonight, Ally.” Papuri niya sa akin. Gumapang ang init sa mukha ko.
“A—akala ko po may meeting kayo?” Nauutal kong tanong.
“Yes, this is my meeting, I couldn’t miss this for the world. I’d been waiting for this moment.” Aniya. Napanguso ako.
“You are now so cute. Let’s go, naghihintay sila sa debutant.” Tumango na lang. Kagat ang pang ibabang labi ko. Sobrang saya ko. This is so perfect with my Ninong besides me.
Nagsimula na ang programa. From 18th roses, candles and jewels. Sobrang dami ng bisita. Panay naman ang siko at kurot ni Claudia.
“Ladies and gentlemen, second to the last dance of our debutant on the 18th, roses dance, Congressman Conrad Del Rio.” Masigabong palakpakan ang narinig ko. Pagkatapos ni Philip ng tugtog, napatingin ako kay Ninong. Sobrang tangkad talaga niya.
“May I dance the debutant?” Ibinigay ako ni Philip kay Ninong.
Parang tumigil bigla ang ingay sa buong paligid ko. Naririnig ko lang ang piano, na tinutugtog ang Please be careful with my heart. Ito ang favorite song ko.
Napatingala ako kay Ninong. Sobrang gaan ng pakiramdam ko. Ang saya ng puso ko nag uumapaw. Halos matunaw ako sa titig niya sa akin. No words, just stare with full of admirations.
“Salamat, Ninong.” Ngumiti siya.
“Anything for my baby doll.” Napakagat ako sa aking pang ibabang labi. Baby Doll?
Parang ayaw ko na matapos ang gabing ito. Parang dinuduyan ako sa kalawakan. This is so perfect. Dati panaginip ko lang ito. Now, nasa harapan ko na ang lalaking itinatanggi ng batang puso ko simula pa noon hanggang ngayon.
“Ladies and gentlemen, the father of the debutante!” Oh my God!