ALLY's POV ILANG ORAS na ang lumipas mula nang ibaba ni Ninong Conrad ang tawag ng mama niya. Magkayakap pa rin kami, pareho pa rin tahimik. Halos madurog ang puso ko nang makita ko ang bigat sa mga mata niya, para bang may dalang buong mundo sa balikat niya. Pero bago pa kami tuluyang makatulog, biglang tumunog ulit ang cellphone niya. Pareho kaming napatingin doon, parang sabay na kinabahan. Nakita kong nakalagay sa screen ang pangalan ng mama niya. Napalunok si Conrad. “It’s Ma again…” Malungkot siyang tumingin sa akin. Akala ko ba tapos na? Ano na naman ito? “Sagutin mo,” mahinang utos ko kahit kinakabahan. “Baka importante.” Tumingin siya sa akin, parang ayaw niya akong isali, pero sa huli sumuko rin siya at sinagot ang tawag. “Hello, Ma?” Hindi ko naririnig ang kabilang linya,

