ALLY’s POV WALA akong ibang ginawa kundi humagulgol, ang mga luha ko’y tila walang hanggan, na bumabagsak nang sunod-sunod na parang ulan sa gitna ng malakas na unos. Hindi na alam ni Ninong Conrad kung paano niya ako patahanin. Buong gabi niya akong inaalo, hawak-hawak na parang takot siyang mawala ako sa isang iglap. “sirang-sira na ang pangalan ko dahil sa kasinungalingan ng Stefan na ‘yon!” bulalas ko, puno ng poot at hinanakit. Parang sasabog ang dibdib ko sa sama ng loob. Hindi man lang niya pinagtanggol ang dangal ko. Parang gusto niya akong idiin sa kahihiyan dahil sa pagtanggi ko na samahan at suportahan siya sa kanyang kandidatura! Napalunok siya, kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. “Are you okay, baby doll?” bulong niya, halos may panginginig ang boses nito.

