ALLY’s POV NASA sasakyan na kami, papuntang restaurant. Hindi ko alam kung saan, pero ang way namin ay papuntang Kawit. Isa iyon sa pinaka matandang siyudad sa Cavite. “What are you thinking, baby doll?” Nasa back seat kami ni Ninong. Napatingin ako sa driver at isa pang lalaki na nasa unahan. “Wala po,” maikling sagot ko. “Come on, tell me. Ayokong may gumugulo sa isip ng babydoll ko, dapat ako lang,” hininaan niya ang panghuling salita nito para hindi marinig nang nasa unahan. Pinisil pa niya ang aking kamay. “I’m worried, Ninong.” Panimula ko. Hanggang ngayon kasi hindi nagpapa ramdam si Stefan. Mahal ko si Ninong Conrad, kaya masasaktan ko siya kung ikakasal ako kay Stefan. “I’m handling it babydoll, at sisiguraduhin kong mabigyan ng hustisya ang nangyari sa mga magulang mo,

