ALLY’s POV “BAKIT ngayon lang kayo?” Hinampo ko sa kanya. Ilang oras akong parang mababaliw kakahintay. “I’m sorry, Ally, nasa gitna ako ng session ng kamara kaya hindi agad ako makaalis agad, tell me anong problema. Anong mahalagang bagay ang sasabihin mo sa akin,” his tone was worried. Kumalas siya nang yakap sa akin. “Kukuha ko lang ng meryenda ang Ninong mo—” “H’wag na po kayo mag abala Yaya Lib, busog pa ako.” Tumango si Yaya at tumalikod na. Hinila ko si Ninong papunta sa opisina ni Daddy. Napalingon pa ako sa kanya nang pinisil niya ang kamay ko. “What am I looking at?” Nagtatakang tanong niya. Iminuwestra ko ang kamay ko. Pero lalong kumunot ang noo niya. “Spill it out, babydoll, hindi ako manghuhula,” aniya. Kaya lumapit ako sa table ni Daddy. Pinaharap ko ang likod ng

