ALLY’s POV “Yaya Lib?” Tawag ko. Pero walang sumasagot. Nang tuluyan na akong makapasok sa kusina! Nanlaki ang mga mata ko! “Yaya!” Iling siya nang iling! Pero hindi ko siya maintindihan! Tinanggal ko na ang busal niya sa bibig. “Umalis kana! Lumayo ka dito!” Naiiyak niyang pagtataboy sa akin. “Hindi kita maintindihan Ya? Sino ang may gawa sayo nito!” Umahon ang galit sa puso ko. Mabilis ko siyang kinalagan! Pero ayaw niya. “Umalis kana! Lumayo kana dito, Ally!” Napaiyak na rin ako. “Bakit yaya? Sa ospital lang po ako pupunta. Bakit po kayo naka gan—” hindi ko naituloy ang sasabihin ng biglang may humila sa buhok ko at kinaladkad ako palabas ng kusina. “Aray! Bitawan niyo ako! Hayop ka talaga Tita Margaret!” Hindi ko pa naman nakita ang hitsura niya alam ko na kung sino siya! “Hell

