Trishia Cecilia's POV "Nasaan si Jack?" Paggising ko nasa kama na ko at wala si Jack sa tabi ko kaya agad akong bumaba at nakita ko si Denmark na nandito sa sala. "Kumain ka na lang muna" inayos niya ang pagkain na nasa center table. Naupo ako sa pang-isahang sofa. "Nasaan si Jack?" ulit kong tanong. "Umalis lang saglit" sagot niya habang nasa t.v lang ang mata niya. "Kumain ka na muna." "Ayoko aantayin ko na lang si Jack," 3 P.M na pero wala pa rin akong kain ngayong araw. "Gusto mo bang makakita ng gwapong sinasapak?" Nakakunot noo akong humarap kay Denmark. "Hah? Pinagsasabi mo?" Tanong ko sa kanya. "Kapag dumating si Jack at hindi ka pa rin kumakain baka masapak ako nun" napailing na lang ako sa kanya. Siya naman ang sasapakin hindi ako eh. "Ang kulit mo talaga, miss madam ko"

