R-13 Jack POV "Jack!" nagulat ako ng makita ang asawa ko sa harapan ko. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Hindi ko na inintindi ang daplis ko na naipit ng asawa ko sa pagkakayakap niya sa akin. Gusto kong pumatay ng makita ang itsura ng asawa ko. May dugo ang gilid ng labi niya at namumutla rin ang mukha niya. Napahawak ako sa makinis na pisngi ng asawa ko. "Anong nangyari sayo, miss madam ko? Sino ang tang'nang may gawa nito sayo?!" Nawala lang ako saglit naging ganito na ang magandang mukha ng asawa ko! Tang'na talaga ng gumawa nito sa kanya. "Anong nangyari sayo, Jack? Napano 'yang sugat mo?" Buti na lang at tapos ko ng gamutin ang daplis ng bala sa tiyan ko. Tang'nang tauhan ni Brylle! Akala yata nila madali lang akong patayin. "Wala lang 'to. Sinong may gawa niyan sa mukha mo

