Trishia Cecilia's POV From: Unknown Number Stay where u are, princess. Is that dad? Is he known where I am? I need to be ready. Alam ni Jack kung gaano kasakit magsalita ang daddy ko. Para bang alam na alam ni daddy ang buong buhay mo kung magsalita siya ng masasakit sayo. Narinig ko na si daddy na magsalita ng kung ano-anong masasakit na salita. Kusa ka na lang mapapatakip ng tenga sa sobrang tinis ng boses niya. Tagos rin sa puso ang masasakit na salita na binibitawan niya. "Hoy!" Nahulog ko ang hawak kong cellphone dahil sa pang gugulat sa akin ni Jack. "Bakit ba?" Pinulot niya ang nahulog kong cellphone. Inagaw ko agad iyon sa kanya dahil baka mabasa niya pa ang message sa akin. "Kanina pa kita kinakausap pero tulala ka lang diyan. May problema ka ba?" Hinila niya ko paupo sa t

