Simula
~❦~
"Ready to get stuck in a preposterous agreement?"
The Agreement;
Marriage Certificate.
●●●
That's what keeps us connected.
That's when he became ... my secret husband.
●●●
Vhiencent's Point of View
Wala ako sa sariling tumingin sa labas ng bintana nitong aking silid. I'll be tied up soon and I freakin' hate the idea. I need to think of a way to avoid this bullsh*t marriage. "Son, please follow your dad's order. Stop complaining already. Everything we're doing is for you."
"I don't need a bride! Can't you understand?" I hissed. Kahit anong paliwanag hindi rin nila ako iintindihin. Welcome to my family! Where my opinions don't matter, where expectations were so high; where I am treated as a dog.
Gaie's Point of View
Papasok ako sa Zhenvalle University! I can't believe it! Acck! Nagtatatalon ako sa saya nang makitang nakapasa ako. Naagaw lang ang aking atensyon ng babaeng nakasuot ng parehong bestida na suot-suot ko ngayon. Ang ganda-ganda niya kumpara sa akin.
"Malas talaga, oh. Ikukumpara na naman nila ako sa kanya," bulong ko at pagkatapos ay bumuntong hininga. Naglakad ako paalis at palayo sa park kung saan ako nanatili kanina. "Bakit nga ba ako umalis? Kasalanan ko bang magkaparehas kami ng bestida?" Habang patuloy na nanlulumong naglalakad, namataan ko ang dalawang lalaki na panay ang sulyap sa akin. Is anything wrong?
"Sigurado ka bang siya ang pinapasundo ni boss?" naguguluhang tanong ng isang lalaking nakasuot ng sunglasses habang nagkakamot ng batok.
"Sabi, red dress. Kulot ang buhok at may dalang brown envelope. Siya na 'yan." Rinig kong usap-usapan ng mga lalaki sa 'di kalayuan na ako ata ang tinutukoy. Lumapit sila sa akin at nginitian ako. Galing, nakasuit pa talaga! Para tuloy akong may mga poging bodyguards.
"Pinapasundo po kayo ni boss. Sumunod po kayo sa amin."
"Ha? Sinong boss?" nagtataka kong tanong habang inaayos ang aking salamin.
"Malalaman niyo rin po pagdating niyo roon. Naghihintay na rin po ang fiancé niyo," malumanay na sambit pa ng isa habang iginigiya ako papasok sa sasakyan. Ha? Fiancé? A-Ano?