Mistaken Identity

2055 Words
Gaie's Point of View Bahagya siyang napadaing at napahawak sa parte ng kanyang ulong tinamaan ng aking ruler. Aktong hahawakan ko rin ito nang gawaran niya ako ng matatalim at galit na tingin. "Who are you, ugly?" Napaawang ang aking labi dahil sa naging tanong niya. "G-Gaiety," wala sa sarili kong sagot na hihingi na sana ng tawad kung 'di niya lang hinila ang braso ko patayo. "Huwag na huwag mong tangkaing umupong muli sa silyang 'to," may pababanta sa boses niyang sambit. "Teka? Ikaw iyong nagtapon ng bag ko 'di ba? Ikaw nga 'yon!" Confirm! "Sino ka para utusan ako? Uupo ako rito, paki' mo?" matapang kong sagot na kumapit sa lamesa. Hinila niya ulit ako patayo ngunit mas kumapit pa ako sa lamesa. "Aray naman! Sisipain talaga kita! Hindi ako aalis dito!" pagmamatapang kong muli. I mocked him more. "Ayaw mo talaga, a?" Nanlaki ang mga mata ko sa biglaan niyang pagbuhat sa akin na parang bagong kasal. Hindi pa rin ako nakaka-react dahil sa ginawa niya. Nabalik lang ako sa ulirat nang itapon niya ako na parang basura sa labas ng silid namin. Nagngitngit ang paningin ko sa kanya kaya walang habas kong niyakap ang kanyang paa para matumba rin siya. "s**t, let go of me!" "Ayoko!" pagsalungat ko. Hinila niya ang buhok ko kaya kinagat ko rin ang ibaba ng tuhod niya. Nagsisigawan at nagkakasak*tan na kami nang biglang— "What do you think you're doing!" sigaw ng isang teacher sa amin. Naiiritang binitawan ni Vhiencent ang buhok ko at nahihiya kong nilubayan ang pagkagat sa jeans niya. "Stand straight!" utos ng lalaking guro sabay kapwa pinukpok ang ulo namin ng hawak niyang T-square. Tinignan niya ang I.D. namin at tinawag kami sa aming apelyido. "Mr. Tañedo and Ms. Castañares, stand here on one foot—until my class ends." "But she started it!" "Pero sir, siya 'yong nauna!" sabay naming sumbong at dinuro ang isa't isa. "No buts! I'll be watching, now stand on one foot!" Sinipa ni Vhiencent ang paa ko dahilan para mawala ako sa balanse. "Ms. Castañares, one book on top of your head. Utos ni Mr. Tadeo," ani classmate kong babae na nilagyan ng isang makapal na aklat ang ulo ko. "Deserved," komento ng katabi kong abno na nakakairita talaga. Bahagya ko siyang tinulak sa braso at nagmamadaling lumayo sa kanya. Impit akong napangiti nang matumba siya at kasunod nito ang paglabas ng babae kanina dala ang isang makapal na libro. "Lagot ka sa'kin," banta niya sa akin na inirapan ko lang at nag-concentrate sa pagbabalanse. "Deserved," bulong ko na ginaya-gaya siya. Vhiencent's Point of View I thought I would be in peace but this ugly right here messed everything! 30 minutes passed and I'm shaking. Nakakangalay tumayo rito at nakakairita pa ang presensya ng babaeng 'yon. "Hey ugly—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita siyang parang tangang nakapikit ang mga mata at nakangiti. Impit akong napatawa nang mamataang may malunggay na kumapit sa braces niya. She's ugly! With those uneven teeth and braces, noodle like hair and old fashioned eyeglasses. She's a mess. "Anong tinatawa-tawa mo r'yan?" pang-aakusa niya dahilan para bumalik sa pagiging blangko ang aking ekspresyon at kaagad na tumikhim. Hindi ko siya pinansin at tinuon na lamang ang pansin sa nangangalay ko ng paa at buong katawan. "Look what you've done, ugly. I'm suffering. I'll make it even soon," ngumisi ako sa naiisip na plano. Huwag na huwag mo akong babanggain. Paige's Point of View Nangunot ang noo ko nang makitang pinaparusahan si Gaie sa labas ng classroom namin. Nagulat ako nang kasama niya si Vhiencent. What's happening here? "Gaie? What happened?" Ngumuso siya sa direksyon ni Vhiencent dahilan para mapatingin din ako sa kanya. "Siya ang nagpasimuno. Nadamay lang ako," she answered innocently. Naglakad ako palapit kay Vhiencent at nag-aalala siyang inalok ng tulong. "Hile, I'll explain everything to Mr. Tadeo." "Mind your own shits," malamig niyang tugon nang hindi man lang ako tinitignan. Since elementary, ganyan na siya sa akin. I've been doing my best to impress him but I'm still far from his sight. Gaie's Point of View Nakita ko si Paige na kausap si Vhiencent. Tiningnan niya ako pero masama na ang tingin niya sa akin. Lalo na n'ong awayin ko si Vhiencent. “Ano kayang meron?” Bakit pakiramdam ko ay nairita si Paige sa akin? May nagawa ba akong kasalanan? Pumasok na si Paige sa loob pero sinundan ko pa rin siya ng tingin. Pilit na inaanalisa ang nangyayari pero wala talaga akong kaide-ideya. I ended up sitting beside a nerdy guy na same vibes ko lang din. Mas okay pang umupo rito kaysa sa tabi ng abno na si Vhiencent. Sobrang sakit ng buong katawan ko at hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang bigat ng libro sa ulo ko. Unang araw pa nga lang sa school, nakaka-stress na. ONE MONTH LATER Nakarating ako sa restaurant na sinabi ng sekretarya ni Mr. Cleo ng 5 minutes late. Ngayon ang araw na makikita ko ang fiancé ko raw. Sumalubong sa akin ang mapait na tingin ni Ma'am Helena dahilan para kabahan ako. "Oh, I see. Gusto na kita para sa apo ko," mahinhing sambit ng matandang babae. Gosh! S'ya 'yong matandang binigyan ko ng 100 pesos! "Umupo ka sa tabi ko," excited na sambit ng matanda. "Helena, where's Hile and Cleo?" "Ma, my son's on his way and Cleo's in an urgent business trip. He'll agree everything we've plan tho'. Kilala mo naman ang anak mo, he'll follow your orders." Spell out of place ... "Hija, let's wait for my grandson for a while." Nginitian niya ako ng pagkalapad-lapad kaya ngumiti rin ako pabalik sa kanya. Sabihin ko na kaya ang totoo ngayon? "Matanda na ako at kailangan kong makita ang apo kong si Hile na maikasal. Knowing his personality he'll disagree to this marriage. Selfish man si lola tingnan but I wanna see him marry someone as kind as you." Nahihiya akong ngumiti ngunit napaayos din ng upo sa naging pag-irap ni ma'am Helena. Nginitian niya ako ng peke pagkatapos. "Mahina na ang puso at katawan ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako magtatagal pero ang ideyang ang katulad mo ang mapapangasawa ng apo ko? Masayang-masaya ako." Tang ineng, pa'no ko sasabihin sa kanya gayong may sakit pala siya? "Sana makasama pa kita ng matagal. There's something in you that makes me happy and comfortable." Irap lang ng irap si Ma'am Helena sa gilid dahilan para 'di ko na siya sinulyapan pa. "Helena, what do you think of this woman? Isn't she perfect for Hile?" nakangiti pa ring tanong nito. "Uhm, yes? Tho' her looks is a bit disappointing." "Anong problema sa looks niya? As I can see, kompleto naman ang mukha at mga daliri niya. Iba na talaga ang mga standards ng tao ngayon." Umiling-iling si lola habang ngumiti ulit ng peke si ma'am Helena. Natigil kami sa pag-uusap nang biglang may sumingit sa usapan namin. "What is that ugly doing here?" galit niyang turan na ang mga malalamig na mata'y nakapako sa direksyon ko. Vhiencent? Shutangime, bakit siya nandito? Inuntog-untog ko ang aking ulo sa pader nitong comfort room. "Gulo ito kung nagkataong madiskubre nilang 'di ako ang tunay na fiancee ni Vhiencent." Huminga ako ng malalim bago nagdesisyong lumabas na. Nasa paanan na ako ng labasan nang datnan ko ang blangko at nakaekis ang mga brasong si Vhiencent. "Akala ko nalagutan ka na ng hininga sa loob," aniya dahilan para irapan ko siya. Wala akong planong makipagsagutan sa kanya kaya nilagpasan ko lamang siya. "Where do you think you're going? I've heard that you asked my father personally to choose you for the marriage. You look innocent outside but you're really pathetic." Nagpanting ang tainga ko sa mga salitang binitiwan niya subalit hindi ko pa rin siya pinapansin. "Ano ba talagang motibo mo? Why did you begged for our marriage?" "Ikaw ba't ka pa humihinga?" pagsusungit ko sa kanya na handa ng umalis. "You're really insane!" Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at inalog-alog ako sa sobrang iritasyon. "Masakit. Bitawan mo ako!" pagpigil ko sa kanya. "I won't let you go unless you tell me your bullsht reason!" Nanlilisik ang kanyang mga mata at namumula na ang kanyang mukha sa galit. "Oo na! Bitawan mo muna ako!" Kaagad niya akong binitawan at napapikit na lamang siya. "Ayoko!" Mabilis akong tumakbo palayo sa kanya para lamang takasan siya. Tinatawag niya ang pangalan ko ngunit hindi ko siya nililingon. Nawala na ang boses niya kaya tumigil ako sa pagtakbo at tumalikod para alamin kung sinusundan niya pa ba ako. "I-caught-you-ugly," blangkong mukha niyang sambit. Ramdam ko ang kabang dumaloy sa aking buong katawan. Nakakatakot siya kapag ganitong walang emosyon ang kanyang mukha. He bit his lower lip and looked at me like he's going to murder someone; me. Napadaing ako nang mas lalo niya pang idiin ang kanyang kuko sa aking braso. Sobrang sakit pero hindi ako makasigaw dahil may mga tao na sa lugar na ito. Ngumisi ako at pilit na nagtatapang-tapangan para 'di niya ako tapak-tapakan ng ganoon kadali. "What are you doing? Nandito lang pala kayo," ani lola na nakatuon ang atensyon sa braso kong mahigpit na hawak ni Vhiencent. "We're just talking, lola Marina," wika ni Vhiencent na dahan-dahang kumakalas ang kamay sa aking braso. "About what?" Kita ang kakaibang ngiti sa labi ni lola Marina. "Getting to know each other!" singit ko na awkward na ngumiti kay lola. Bahagya akong siniko ni Vhiencent dahilan para sundutin ko ng patago ang likod niya. Pinanlakihan ako ng mata sa gulat nang hawakan at guluhin niya ang buhok ko sa likod. Pahapyaw niya akong binatukan at ngumisi kay lola. "Ang sweet naman!" masayang salaysay ni lola dahilan para kapwa kami ngumiti ng peke. "Ang cute kasi nitong si Vhiencent, lola," pagsisinungaling ko para mapingot ang kanyang pisngi ng malakas. Nag-iwan ito ng pulang marka kaya mabilis akong tumakbo palapit kay lola at niyaya siyang bumalik na sa upuan namin. I stick my tongue out and left Vhiencent so pissed at what I just did. Vhiencent's Point of View Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom ng architecture. I'm not in the mood because of what I've discover last Saturday. Papasok na sana ako sa loob ng classroom pero may t*ngang nagtatatakbo papasok at nagkabanggaan ang aming mga balikat. "Look where you're goin'!" Natigilan ako nang bumungad ang napakapangit na mukha ni Gaiety. Kapwa hindi kami makapasok sa loob dahil nakaharang kami sa pinto at walang sino man ang nagpapaubaya. Well, not me. "Umalis ka nga riyan!" utos niya na patuloy akong idinidiin para makapasok siya. Everyone's looking at us but I don't care. I have my pride too. "Stop being so immature," may diin kong sambit na ikinangiwi niya. "Eh, anong tingin mo sa sarili mo? Mature?" she responded and tried to push me outside again. "Get out of my freakin' way!" "Umalis ka sabi!" "Mr. Tañedo and Ms. Castañares! Umagang-umaga heto na naman kayo't gumagawa ng eskandalo! Both of you, clean the whole swimming area!" utos ni Mr. Tadeo na nanlilisik na ang mga mata. Gaie's Point of View SWIMMING AREA "Why are you staring rudely at me?" iritado niyang tanong na nakaupo't nakadekwatro lang sa isang tabi. "Tulungan mo ako! Kasalanan mo pa naman 'to!" paninisi ko sa kanya na hindi man lang ako binalingan ng tingin. "Dream on," malamig niyang tugon na nakapikit ang mga mata at ngayo'y nakasandal na sa pader para matulog. Sa sobrang inis, kumuha ako ng isang baldeng tubig at isinaboy sa kanya. Napaatras ako sa pagmulat niya. "Now, you hit the limit," may banta at otoridad sa boses niyang wika. "Anong ggagawin mo? Stop right there!" Ngunit kahit anong gawing pigil ko ay tila nasaniban na siya ng kung anong diab1o dahilan para mas bumilis ang t***k ng aking puso. Patuloy akong umatras na hindi ko na namalayang, isang hakbang na lamang at tuluyan na akong mahuhulog sa swimming pool. Ramdam ko ang lamig ng tubig na bumalot sa buo kong katawan. "Vhiencent!" Patuloy kong tinatawag ang pangalan niya ngunit nakatayo lang siya roon na parang estatuwa. Nakakainom na ako ng maraming tubig at patuloy lang ako sa pagpupumiglas dahil sa takot na tuluyan na akong malunod. I've really gone too far but did I really deserve this?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD