Chapter one
Toni's PoV
"Oh, ate ba't ang tahimik mo?" tanong ni melanie habang nagdadrive.
Nakanaw lang ako sa labas ng bintana ng kotse dito sa tabi niya.
"Wala lang pagod lang ako." Sagot ko at ngumiti ng kunti.
"Hmmm.. sabihin mo may naala ka.. ayie.." Nakakainis talaga tong babaeng 'to kanina pa ako nito kinukulit.
"Wala nga tsaka tumahimik ka nga sino naman maalala ko?" Inis ng sagot ko sa kanya.
"Ay, ang sabi ko"may naalala ka.."diko naman sinabing tao eh, ikaw tlaga ate.." Lumingon pa siya sa akin na nanunukso ang mukha.
Walang ganang tiningnan ko siya.
"Magdrive ka nga lang dika nakakatulong." Inis na talaga ako.
"Isa pa may Jetlag pa ko kaya patulugin mo muna ako." Galing lang kasi ako ng dubai.
Ako nga pala si Antonette Garin 26 y/o Isa akong Civil engineer sa dubai mahirap lang kami ng pamilya ko dati pero nagsikap kaming magkakapatid upang umangat sa buhay at awa ng diyos lahat kami nakapagtapos sa tulong ng ate namin na nagabroad upang matutusan ang aming pag-aaral.
Ngayon ay mayroon na kaming kanya-kanyang propesyon. Di man ganon kayaman pero masasabi kong ibang-iba ito sa buhay namin dati.
Ngayon kasi halos hindi na kami magkita-kita dahil lahat kami ay nasa iba't ibang bahagi ng mundo.
Ang dalawang kuya ko ay seaman diko alam saan ang destino nila ngayon paiba-iba kasi sila ng rota ??
At miminsan lang din kami magkausap kasi nga nasa laot sila madalas walang signal.
Tsaka may mga kanya-kanya na silang pamilya
kaya gano.
At ako naman at si ate nasa dubai office clerk ang ate at ako naman nasabi ko na kanina wag na ulitin kakapagod magtype.??
Ay oo nga pala yung isa kung kapatid nandito sa pilipinas kasama ni tatay.
Isa siyang guro gwapong guro.
Maraming naghahabol doon kaso mapili ang kapatid ko ewan ko ba doon.
Nandito nga pala ako ngayon para asikasuhin ang lumang bahay namin dito sa tacloban.
Ito yung tinirhan ko nung nagaaral ako ng college ito ang naiwan na alaala ni nanay sa amin.
Sa wakas nabalik na ito sa amin sa loob ng maraming taon.
Nagkagulo sa lupa noong nagaaral pa ako kasi may pinsan si nanay na inaangkin ang lupa at bahay dahil nakasanla daw sa kanya ito kaya napilitin akong umalis doon.
Pero ngayon nabawi ko na.
Hindi ko alam kung anu na ang hitsura ng bahay pero gusto pa rin ipreserve.
Kahit marami ang nagiinteres na bilhin dahil maganda pwesto nito.
Katapat ito ng School at tabing kalsada.
"Nandito na tayo ate." nagising ako sa pagmumuni-muni ko at saka napansin na nakahinto na pala kami.
Tumingin ako sa labas kung saan naroroon ang bahay.
Luma man ganon parin ang itsura ng kubo yun ngalang nababalot na ito ng talahib.
Napansin ko na nilagyan nila ng barb wire ang paligid upang di makapasok ang sino man at may nakalagay na signage na ang nakasulat ay "No trespassing" sa isang lumang plywood na nakasabit sa may maliit na gate.
Bumaba ako ng sasakyan at ganoon din si melanie.
"Memories bring back memories.." Nakangitng sambit ni Melanie habang nakapatong ang mukha sa mga kamay niya na nilagay niya sa roof ng kotse na tela may inaalala.
Napangiti na din ako at tiningnan ulit ang kubo na minsan naging saksi ng mga masasayang alaala namin.
" Hoy, mga bugok anu kakain kayo o hindi pasalamat kayo pinagluto kayo minsan lang kaya ako magluto tikman niyo masarap oh.." Sigaw ko sa mga kapatid kong ang aarte.
"Eh, ate di naman pagkain yan eh!" Sagot ni Jayvee.
Nagtawan ang naman yung dalawang ugok na kasama namin ang kapitid kong si johnny at ang bestfriend niyang si melanie.
Sa inis ko ay kinuha ko yung tsenelas ko at pinagpapalo silang tatlo.
"Aray!! aray!! ate tama na..." Sigaw nilang tatlong habang sinasangga ng kamay nila ang hagupit ko.
"Ang aarte niyo pasalamat kayo may kinakain pa tayo yung iba nga diyan nanglilimos para lang may makain." Sabi ko habang hinahambalos ko sila.
"Eh, ate hindi naman makakain iyan eh saan ka ba kasi nakakita ng inihaw na ampalaya na nilagyan ng tuyo?" Aba itong batang ito bastos.
"Hoy, jayvee sumasagot kapa hindi mo ba alam na masuwerte ka kasi isa ka sa mga taong makakatikim ng especial recipe ko? Huh! Pang guiness yan ako palang ang nakagawa niyan.!!Inis na sigaw ko sa nakababatang kapatid ko.
Pangarap ko kasi talaga maging isang chef at gusto kong ipakita sa mundo ang unique taste ko sa pagluluto.
Kaya lang gusto ni nanay mag civil engineer ako hindi ko alam kung bakit?!! wala naman akong hilig doon.
Kaya heto ako ngayon sa mga kapatid ko nagpapafree taste ng luto ko ayaw pa? ??
"Eh, weird naman kasi ng luto mo ate gaya nalang ng niluto mo dati na paksiw na manok at fried pansit na may buko ginawa mo naman kaming baboy ate eh!! Sabat naman ni Johnny.
Pinanlakihan ko siya ng mata lumapit ako sa kanya at piningot ang kanyang tenga.
"Aray!!! Ate ang sakit!!!"Sigaw nito na naangat na ang ulo sa pagkakapingot ng tenga niya.
" Bawiin mo ang sinabi mo kung hi-"
" Hmm, sarap naman sinong nagluto? "Biglang bumilos ang t***k ng puso ko nang marinig ang boses niya.
Mabilis kong binitawan si Johnny at humarap sa babaeng ngayon ay sarap na sarap na kumakain ng niluto kong ulam sa mesa.
Nagtaka man ako kung kailan ito napunta doon
hinayaan ko na.
Mukhang sarap na sarap nga siya kasi ang dami niyang kanin sa plato niya.
Haist,siya lang talaga ang nagtatiyag-este ang nakakaapreciate ng luto ko.
Natulala naman ang mga kapatid ko dito habang titig na titig sa kanyang kumakain.
Sino ba naman ang hindi sa ganda niyang yan na kahit naduduwal na sa dami ng kanin sa bibig niya ay napakaganda niya parin.
"A-aakk.."
"Pat!!" Sigaw ni Jayvee ng makita nahihirapang huminga si Patricia mula sa dami ng kinain niya nahirapan siyang lunukin ito.
"Patricia" Sambit ko at mabilis na nagsalin ng tubig sa baso mula pitsil.
At sobrang bilis kung pinainom sa kanya.
Habang umiinom hinimas kung ang likod niya upang mabawas man lang sa tensiyon niya narito na naman iyong pakiram na para akon nakukuryente sa nahahawakan ko siya.
Nang makarecover siya ay naluluha ang mga matang lumingon siya sa'kin.
"Salamat." Sambit niya at nagkakatitigan kami ng ilang segundo.
Sobrang lapit ng mukha niya sa'kin.
Ang ganda ng mata niyang kulay tsokolate ang ganda ng hulma ng maliit niyang ilong ang mga labi niyang parang sobrang lambot at natural na mapula.
Di siya nakakasawang tignan.
Bumalik ang tingin ko sa kanyang mga mata nagulat ako ng nakatitig lang din siya sakin napalunok ako ng laway ng nakatingin na siya sa mga labi ko at bumalik ulit sa aking mga mata.
Shet naman ang bilis ng t***k ng puso ko.
"Ate.." Si Melanie pala tinawag ako.
Di ko napansin ang layo na pala ng iniisip ko.
"Malapit na daw yung maglilinis ng bahay at magkacut ng damo." Pagpapatuloy niya sa sasabihin niya dapat sa'kin kanina kahit hindi ako kumibo.
Tumango lang ako bilang tugon.
Huminga ako malalim at wala sa sariling napangiti.
Patricia
Nasaan na kaya siya naala niya pa kaya ako?